Thursday, August 31, 2017

Bong Revilla; "Gusto ko nang bumalik sa pag-aartista"


Gustung-gusto na umanong bumalik sa showbusiness ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., kaya muling susubukan ng mga ito na makapagpiyansa habang dinidinig ang kanyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
Ginawa ni Revilla ang nasabing pahayag sa ambush interview sa Sandiganbayan kahapon matapos dumalo sa paglilitis sa kanyang kasong plunder.
“Nami-miss ko na ang showbiz, gusto ko na bu­malik sa pag-aartista,” ani Revilla na mahigit tatlong taon nang nakakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police.
“Ang tagal na natin nakakulong, para na ta­yong guilty…I just hope na mabigyang liwanag na ito,” anang dating senador.
Si Revilla ay inaakusahang tumanggap ng P224.5 million na komisyon sa kanyang pork barrel na idinaan sa mga non-government organization (NGOs) ni Janet Lim-Napoles na kinasuhan din ng plunder.
Ayon sa abogado ni Revilla na si Atty. Estelito Mendoza, maghahain ang mga ito ng petisyon sa korte para mapalaya ang kanyang kliyente o kaya payagan itong makapagpiyansa.
“Bong Revilla’s detention is not preventive but has been punitive. It is the judiciary that must rectify,” ani Mendoza.
Hindi na aniya maba­bawi ni Revilla ang mga panahong nawala sa kanya dahil mabagal ang pag-usad ng kaso dahil saka lang sinimulan ang paglilitis matapos ang halos tatlong taon.

PANOORIN: "Ang dulot ng giyera sa Marawi"


Sa ika-100 araw ng krisis sa Marawi, dinala ng mga militar sa unang pagkakataon ang mga miyembro ng media sa kabilang dulo ng Mapandi bridge kung saan nakita nang mas malapitan ang pinsalang dulot ng giyera.

Matinding pagbabantay ang ginawa ng militar sa media nang tumawid ng Mapandi bridge dahil bukas ang tulay sa line of sight ng mga kalaban. Kaya tinakpan ng sako ang isang bahagi nito, para hindi makita ng mga terorista ang mga media. 
Ayon sa commander ng 1st Marine Brigade, mahalaga ang papel ng Mapandi bridge sa kanilang operasyon.
Mas nakapangingilabot sa malapitan ang mga sira-sirang gusali at bahay na dating tinitirhan pa ng mga Maranao.
Kung hindi man tadtad ng bala, sunog na o di kaya'y tuluyan nang napulbos ang ibang gusali. Sa labas ng isa sa mga bahay, mayroon pang tila bungo ng tao.
Nasa 400 pa rin ang bilang ng mga gusaling kailangan pang ma-clear ng militar. 
"Our assumption is that all leaders, especially Isnilon Hapilon, are still in the main battle area," ani Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista, commander, Joint Task Force Marawi.
Ginamit din umano ng mga terorista ang mga nagdaang giyera sa Middle East, maging ang Zamboanga siege noong 2013, para mas mapaghandaan ang pag-atake sa Marawi. 
Ilang oras lang mula nang lisanin ng media ang Mapandi bridge, pinaulanan na naman ng airstrike ang main battle area.
Nagtanghal naman si National Youth Commission Undersecretary Aiza Seguerra para sa mga bakwit sa Iligan City.
Umaasa si Seguerra na makakatuwang niya ang mga guro sa pagpapaliwanag sa mga kabataan tungkol sa radikalismo.

Palayain si De Lima??



Dalawang international organizations, isa ay kalipunan ng mga huwes at abogado sa buong mundo at ang isa naman ay anti-drug group, ang umaapela ngayon sa gobyerno ng Pilipinas na palayain mula sa “hindi makatarungang pagkakakulong” si Sen. Leila de Lima.

Sa inilabas na kalatas ng International Commission of Jurists (ICJ), isang Geneva-based group ng mga huwes at abogado sa buong mundo na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao sa pamamagitan ng rule of law, iginiit nito na kailangang itigil na ng administrasyong Duterte ang anumang harassment laban kay De Lima at sa iba pang kritiko ng kasalukuyang pamahalaan.

“The ICJ calls on the Philippine government to immediately release Senator De Lima and immediately stop any further acts of harassment against her and other public critics of the government,” ayon kay Regional Director for Asia and the Pacific Sam Zarifi.

Naniniwala ang global judges and lawyers na ang drug charges laban kay De Lima ay “fabricated”, politically motivated at isang lantarang judicial persecution ang ibinabatong mga kaso sa senadora na ngayo’y nakakulong sa Custodial Center ng Philippine National Police.

Idinagdag pa ng mga ito na nais lamang patahimikin si De Lima ng administrasyong Duterte kung kaya’t ipinakulong ito sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

“If the government really wants to defeat the illegal drug trade, there should be more prosecutions before domestic courts. We do not see this, however. We only see active persecution of those who are critical of the President’s ‘war on drugs’,” sabi pa ni Zafiri.

Samantala, ayon naman sa isa pang international advocacy group, na Global Commission on Drug Policy (GCDP), nababahala ito sa sinapit na kalagayan ni De Lima.

“We are hopeful that the presumption of innocence will be upheld and that Senator De Lima will soon be released from pre-trial detention,” ayon sa kalatas ng GCDP.

Source. Abante

"Leni Robredo nagsalita tungkol sa solian ng 'nakaw' na yaman ng mga Marcos"


Galing mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang balitang handa ang mga Marcos na isauli ang bahagi ng umano'y nakaw nilang yaman, pero nang tanungin si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ngayong Huwebes sa Kamara kung totoo ang sinabi ng pangulo, sinabi niyang pag-uusapan na lang ito ng kanilang mga abugado.
Itinanggi din niyang may negosasyon para rito pero tiwala siyang si Duterte ang makapagtatapos sa deka-dekadang kaso ng pamilya Marcos. 
Hindi rin niya direktang sinagot ang kumakalat na balitang tone-toneladang gold bar ang kasama umano sa mga yaman ng pamilya Marcos.
Diskumpiyado naman si Bise Presidente Leni Robredo sa balitang magsasauli ng umano’y nakaw na yaman ang mga Marcos. 
Kung talagang taos-puso ang mga Marcos, dapat daw ay noon pa nila isinauli ang lahat ng ninakaw dahil pag-aari iyon ng mga Pilipino, ayon kay Robredo. Pinagtatakhan din ng bise presidente kung pag-amin na nga ba ito ng mga Marcos na mayroon silang umano’y nakaw na yaman.
Babala naman ni dating Presidential Commission on Good Government Commissioner Ruben Carranza sa gobyerno, walang kontrol ang pamilya Marcos sa mga yamang isasauli umano nila. Walang katiyakan kung matutupad ng gobyerno ang pangakong ito dahil hanggang ngayon ay "frozen" pa rin sa ibang bansa ang mga yaman ng pamilya Marcos.
Ilegal din ang anumang kasunduan para isauli ang umano'y nakaw na yaman dahil may hatol na rito ang Korte Suprema, ayon pa kay Carranza.
Dagdag pa niya, balakid din ang batas na nagmamandong ibayad sa mga biktima ng human rights abuses ang mababawing umano’y nakaw na yaman at ang posibleng epekto ng anumang kasunduan sa ibang kasong inihain laban sa pamilya, dahil walang pag-amin ang pamilya Marcos sa mga krimen kaugnay ng umano’y nakaw na yaman.
Dati na ring iniutos ng Korte Suprema na kung may kasunduan, dapat ilantad ito sa publiko, at hindi dapat maabsuwelto sa krimen o babayarang buwis ang mga Marcos.
Sigaw din ng Makabayan bloc sa Kamara na dapat ay papanagutin ang pamilya Marcos at isauli ang lahat ng ninakaw nila sa bayan. Kinuwestiyon din nila kung bakit si Pangulong Duterte ang nagsasabi ng pagsasauli ng umano’y nakaw na yaman at kung mayroon bang nagaganap na negosasyon sa halaga ng isasauli.
Hinala naman ni Atty. Robert Swift, isang Amerikanong abogado ng human rights victims noong diktadurya, tinitimpla ng pangulo at pamilya Marcos ang damdamin ng tao kung madi-dismiss ang mga kaso nila.
Para din kay Swift, paghahanda na rin ito sa pagiging bise presidente ni Bongbong Marcos o pagtakbo niya bilang pangulo.

Gordon, Trillanes, nagkainitan sa hearing





Naging mainit ang sagutan nina Sen. Richard Gordon at Sen. Antonio Trillanes IV sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa naipuslit na P6.4 bilyong shabu mula Tsina, Huwebes.

Ito ay matapos magpatutsada si Trillanes sa pagkuwestiyon nina Gordon at Sen. Vicente Sotto III sa testimoniya ni Customs broker Mark Taguba tungkol sa 'Davao Group.'

"Bakit suddenly masyadong jittery or bina-badger na ang nagsasabi?" Tinawag din nitong 'komite de absuwelto' ang lupon.

Nais sanang maimbitahan ni Trillanes sina Atty. Mans Carpio at Vice Mayor Paolo Duterte sa pagdinig matapos silang paratangan ni Taguba ng pagtanggap ng milyong pisong suhol kapalit ng pagpapalagpas ng mga kuwestiyonableng kargamento sa Bureau of Customs. Ngunit giit nina Gordon at Sotto, dapat munang magpakita ng matibay na ebidensiya si Taguba.

Si Paolo Duterte ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kapatid nito si Davao City Mayor Sara Duterte, na siya namang asawa ni Carpio.
"This is the Senate of the Republic of the Philippines. This is not a cockpit of chismis. We are here investigating real things," ani Gordon kay Trillanes.

Ipina-contempt ni Gordon si Trillanes at sinabing personal itong maghahain ng ethics complaint laban sa huli.

Pumagitna si Sotto sa dalawa at sinuspinde ng ilang minuto ang pagdinig.

Wednesday, August 30, 2017

Mayor Mabilog, pina-lifestyle check ni Duterte





Mala-palasyo ang tirahan ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog, base sa impormasyong nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ang pangalan ni Mabilog sa listahan ng ‘narco-politicians’ ni Pangulong Duterte at sunod na misyon ni Chief Insp. Jovie Espenido na bagong talagang chief of police ng Iloilo City.

Ayon kay Duterte, napaka-gara ng bahay ni Mabilog at mala-palasyo ito kaya inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na i-lifestyle check ang alkalde.

“…and I had some lifestyle check on him. His house is like a palace in… Sabi ko, anak siguro talaga ito ng mayamang-mayaman. ‘Yung bahay niya talagang ipina-ano…ipinasilip ko sa mga NBI pati BIR, it’s really a palace,” wika ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na nag-abiso na si Mabilog para magkausap silang dalawa.

“Mabilog has sent word that he wants to talk to me,” anang Pangulo.

Ill-gotten wealth ng Marcos ibalik lahat – Robredo



Kung talagang sincere ang pamilya Marcos na ibalik ang kanilang ‘ill-gotten wealth’ – dapat ibigay lahat at ‘wag utay-utayin.

Ito ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ng pamilya Marcos na magsasaoli sila ng ‘Marcos gold’.

Sa isang panayam sa Baguio City, sinabi ni Robredo na nakakalungkot na ngayon lamang ito ginagawa ng Marcos, gayong matagal na itong hinahabol ng pamahalaan.

Saka kung may ibabalik, hindi lang noon pa, pero dapat lahat. Lahat na ill-gotten kailangang ibalik, kasi pag-aari ito ng mga Pilipino,” wika ni Robredo.

Naniniwala ang Bise Presidente na bagamat atrasado ang alok, welcome development pa rin aniya ito kung tutuparin ng pamilya Marcos.

Sakaling totoo aniya ang pangako ng Marcos, dapat bilisan ito upang maipakita ang sinseridad nilang maisaoli agad ito sa taumbayan.

Dagdag ni Robredo, ang alok ng pamilya Marcos na magsaoli ng Marcos gold ay pag-amin na mayroon ngang nakaw na yaman ang naiwang pamilya ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.


Source. Abante

Australia tutulungan ang AFP sa pagsasanay laban sa mga Islamic militants


Nag-alok ng tulong ang bansang Australia para sanayin ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pakikipaglaban sa Islamic militants na naghahasik ng terorismo sa bansa.

Ayon kay Foreign Minister Julie Bishop, nakausap nito si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang inihayag na handa nilang suportahan ang Pilipinas gaya ng naging pagtulong nito sa bansang Iraq.

“We would be ready to support the Philippines in the same way we are supporting Iraq in advising, assisting and training,” sabi pa ni Bishop.


Hanggang sa kasalukuyan ay halos 100 araw nang nakikipagbakbakan ang tropa ng gobyerno sa ISIS-inspired na grupong Maute sa Marawi.

Una nang nag-deploy ng dalawang high-tech AP-3C Orion aircraft ang Australia para sa surveillance laban sa nasabing teroristang grupo.

Miyembro ng koalisyong laban sa mga Islamic state group sa Iraq at Syria ang Australia na may 780 defense personnel sa Middle East.

Ani Bishop, nakababahala na aniya para sa buong rehiyon ng Asya na may presensya na ang Islamic state sa Pilipinas.

Source: ABANTE

SWS: Duterte admin ‘very good’ pa rin ang satisfaction rating


Napanatili sa ‘very good’ ang public satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Batay sa resulta ng SWS survey na isinagawa nitong Hunyo 23 hanggang Hunyo 26, lumilitaw na 75% ng 1,200 respondents ang ‘satisfied’ sa trabaho ng national government, 11% ang ‘dissatisfied’ at 13% ang ‘undecided’.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa1,200 adults sa buong bansa.

Mayroon itong sampling error margins na ±3 points para sa national percentages, gayundin ang ±6 points sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Very good ang grado ng national government sa socioeconomic classes.

Pagdating sa geographical location, binigyan ng respondents ang Duterte government ng ‘excellent’ ratings na +72 sa Mindanao, ‘very good’ sa Visayas (+56), Metro Manila (+67) at Luzon (+63).

Sa 15 partikular na isyung tinukoy sa SWS survey ang pagtulong sa mga mahihirap ang nakapagtala ng pinakamataas na score +65.

Nakapuntos din ng +55 ang gobyernong Duterte sa usapin ng pagprotekta sa karapatang pantao, +51 sa pagdepensa sa territorial rights at employment generation.

Tuesday, August 29, 2017

''14 na adik at tulak timbog sa buy-bust operation''

Arestado ang 14 na hinihinalang adik at tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng Queson City Police sa Barangay Pag-asa, Martes ng hapon.
Kinilala ang isa sa mga suspek na si Marivic Suarez, ang umano'y tulak na siyang orihinal na target ng police operation at matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.
Ayon kay Supt. Igmedio Bernaldez ng Masambong police station, nakabili na ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer kay Suarez at 3 pang drug suspect pasado alas-5:00 ng hapon.
Pero bago pa man maaresto, inalok na aniya ng mga suspek ang poseur buyer kung gusto nitong gamitin ang biniling droga sa kuwartong nagsisilbing drug den.
Sa nasabing kuwarto, natiyempuhan ng pulis ang 11 pang tao na naaktuhang gumagamit ng shabu. Nakuha sa mga suspek ang 15 sachet ng shabu, drug paraphernalia, mga cellphone at pera.
Aminado ang mga nahuli sa masamang gawain. Pero si Suarez, itinangging nagtutulak siya ng shabu, at iniutos lang sa kanya ang dala-dalang ilegal na droga.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous DrugsAct.

WATCH: Pera, Gold Bars, ibabalik ng pamilya Marcos''


Kinastigo ng ilang kongresista ang sinabi ni Pangulong Duterte na ibabalik na ng pamilya Marcos ang bahagi ng kanilang nakaw na yaman.


Sa talumpati kasi ni Duterte sa Malacañang nitong Martes, Agosto 29, sinabi niyang may kinatawan ng mga Marcos na nakipag-ugnayan sa kaniya para pabuksan ang kanilang bank accounts at ibigay ang laman nito, pati na aniya ang ilang gold bar.
"I will not name the spokesman. Sabi nila na they'll open everything and probably return 'yong nakita lang... Maybe this year, ang projected deficit spending would be big," sabi niya. 
''Baka makatulong. Pero hindi ito malaki," ani Duterte. 
"'But we are ready to open and bring back,' sabi niya, 'pati 'yong a few gold bars.' Hindi gano'n kalaki, it's not a Fort Knox, it's just a few. But sabi nila, isauli nila para walang ano," sabi ng Pangulo, na tumutukoy sa base ng Amerika na taguan ng ginto. 
Handa rin daw si Duterte na tanggapin ang paliwanag ng pamilya Marcos tungkol sa pinanggalingan ng pera at ang ngayo'y pagsasauli nito, totoo man o hindi.
"And the only reason really was sabi nila, that the father was protecting the economy. Now, of course, the eventual kung maalis siya. But he was thought of regaining the Malacañang and that is why ganito ang lumabas. Parang naitago." 
Gayumpaman, ayon pa rin sa Pangulo, sa halip na ipaubaya sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), posibleng magtalaga siya ng bagong tao para tutukan at mangasiwa sa accounting at turnover ng sinasabing ill-gotten wealth ng mga Marcos.
"Itong PCGG kasi is focused on the Marcos wealth. Gusto ko tanggalin, pero baka sabihin naman ng mga tao, on the verge of discovering something, ayan na nga, binuwag na tuloy 'yong ano --- binuwag na tuloy 'yong PCGG," sabi ni Duterte.
Pagsiwalat ni Duterte, binatikos
Hindi nakaligtas sa ilang kongresista ang ibinunyag ni Duterte.
Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, maaaring 'propaganda' lang ito para mailihis ang atensiyon ng publiko ngayong umiigting ang panawagan kontra sa kaliwa't kanang patayan.
Mas kapani-paniwala pa umano ang pagbabalik ng nakaw na yaman kung kasabay nito'y mangungumpisal sa publiko ang mga Marcos sa kanilang mga paglabag sa karapatang pantao at hindi hihiling ng anumang proteksiyon para hindi mausig at maparusahan.
Tanong naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, bakit si Duterte pa ang kailangang mag-anunsiyo nito gayong may kakayahan naman ang mga Marcos na magbigay ng ganitong pahayag sa media o sa publiko?
Ibig sabihin din daw ba nito, handa na ang pamilya Marcos na harapin ang batas para sa mga nagawa noon?
Gusto naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na linawin pa ni Duterte ang kaniyang pahayag. Sana raw isapubliko ni Duterte nang buong-buo kung may negosasyon man sa pagitan ng Malacañang at ng mga Marcos. Dapat ding malaman kung magkano ang halagang ibabalik ng pamilya sa kaban ng bayan.

Trillanes sinabing "gimik" lang daw ang pakikipagkita ni Duterte sa mga magulang ni Kian.


Senator Antonio Trillanes IV on Tuesday said President Rodrigo Duterte's meeting with the parents of slain teenager Kian Loyd Delos Santos was a 'damage-control measure' and a 'gimmick.'

'It's a damage-control measure pero too bad for them nahuli sila kasi ang initial instinct ni Duterte ay magtago, so it took them more than a week bago nila naisip na ganito 'yung magandang gimik. Pero gimik lang 'yan," Trillanes said in an interview.

The senator also said it was 'tasteless' that Delos Santos' parents were told to do the signature fist sign with Duterte for a photo-op.

'Medyo tasteless lang 'yung fist gesture. Very tasteless 'yun, kung sinuman 'yung nagsabi noon, ano ba, nagluluksa yung pamilya eh gagamitin mo for that? Pero I hope alam nung mga magulang na namatay si Kian Delos Santos dahil kay Duterte, dahil sa polisiya niya ng pagpatay,' he said.

The victim's mother, Lorenza, was also photographed hugging Duterte during their lunch meeting at the Malago Clubhouse in Malacañang Park.

Senator Risa Hontiveros, who earlier took custody of the three witnesses on Delos Santos' death, meanwhile said she respects the decision of the teenager's parents.

'I respect the decision of the family of Kian Delos Santos to meet President Duterte. I also respect their right to continue to place their trust in him,' Hontiveros said.

'Nakakalungkot lamang, sa dinami-dami ng mga namatay na menor de edad sa madugong kampanya ng gobyerno laban sa droga, ngayon lang nakuhang makidalamhati ng Pangulo,' she added.

Hontiveros said the fight for justice not only over Delos Santos' death but on other victims of extrajudicial killings will continue.

Source. GMA News

LTFRB over sa Uber.



Over kung maningil ng penalty sa Uber ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kabila ng magandang serbisyong ibinibigay sa mga mananakay kaysa sa taxi, sinabi ni Senate Minority Leader­ Vicente ‘Tito’ Sotto III na sumobra sa pagpapataw ng parusa ang ­LTFRB sa kaunting kamalian ng Uber.

Tinutukoy ni Sotto ang pagpataw ng LTFRB ng multang P190 milyon sa Uber kapalit ng pagtanggal ng isang buwan na suspensyon ng operasyon ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

"Sobra ‘yun. OA,” diin ni Sotto.

Kumpara sa taxi, mas pinagtitiwalaan umano ng publiko ang mga Transport Network Company (TNC) tulad ng Uber.

“Ewan ko pero laki pakinabang ng Uber. Daming taxi salbahe, untraceable kasi,” ayon kay Sotto.

Source. Abante Tonite

Digong bumuwelta kay Callamard.!


Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations (UN) special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa pakikisawsaw sa insidente ng pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos.

Hirit ni Callamard sa pagkamatay ni Kian, ‘make his death the last.’

Pero giit ng pangulo, daldal ng daldal si Callamard gayung hindi naman nito batid ang tunay na mga kaganapan.

"T*** i** niya, sabihin mo. Huwag niya akong takutin. P***** i** niya. G*** pala siya eh. Taga-saan ba ‘yang buang na ‘yan? What is his nationality? French? T*** i**, umuwi siya doon. Panghuli na… Who is he to… Mangyayari nang mangyayari ‘yan. Eh sa lugar niya nangyayari, g*** ka pala. Kaya nga pinagpuputok-putok doon araw-araw,” gigil na pahayag ni Duterte sa pa­nayam ng media sa Pampanga kahapon.

Hinamon din ng pa­ngulo si Callamard na pumuntang muli sa Pili­pinas para personal na malaman ang sitwasyon.

Source. Abante Tonite

Monday, August 28, 2017

Hindi bababa sa P5 million halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang mag-asawa sa Barangay Ermita, sa CEBU CITY!


CEBU CITY - Hindi bababa sa P5 million halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang mag-asawa sa Barangay Ermita, Lunes.
Arestado si Norman Cristobal, ngunit nakatakas ang asawa nitong si Jovelyn Cristobal nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Central Visayas.
Ang mag-asawa ay parehong high-value target dahil sa pagtitinda nila ng shabu na hindi bababa sa 50 gramo, saad ni Leila Albiar, tagapagsalita ng PDEA Central Visayas.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung totoo ang tip na kasabwat ng mag-asawa ang ilang opisyal ng barangay sa pagtitinda ng droga.
Samantala, 7 pang pinaghihinalaang adik na naaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa umano'y drug den ni Roger Libradilla ang timbog sa Barangay Lahug.
Pinag-aaralan pa ng mga pulis kung magkaugnay ang operasyon ng mag-asawang Cristobal at ni Libradilla.

VP Leni Robredo: Malaking simbolo si Kian !



Naging simbolo si Kian Loyd Delos Santos sa matagal nang alegasyon sa mga pulis na basta-basta na lamang pumapatay ng mga pinaghihinalaan nilang sangkot sa ilegal na droga dahil sa closed-circuit television (CCTV).

Ito ang opinyon ni Vice President Leni Rob­redo sa kaso ni Delos Santos dahil nagkaroon aniya ng ebidensya kung paano nag-o-operate ang mga tiwaling pulis.

“Tingin ko napaka­laking simbolo ni Kian. Siguro nakatulong nang malaki iyong CCTV foo­tage. Alam mo, ang dami na nating naririnig na mga kuwento na ganito iyong ginawa, ganito iyong nangyari, pero parang walang mukha. Walang ebidensya,” ani Robredo.

Umalpas na umano ang galit ng mamamayan matapos makita ang CCTV footage kung saan lumabas na hindi nanlaban si Delos Santos taliwas sa sinasabi ng mga pulis.

“Kitang kita doon kung ano iyong ginawa sa kaniya. Kaya ito parang naka-relate, naka-relate iyong ating mga kababayan,” ayon pa kay Robredo.

Umaasa naman sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na magiging ‘eye opener’ sa mga pulis ang kaso ni Delos Santos.

“Eye opener ito sa mga kapulisan para gawin ng tama ang kanilang tungkulin lalo na sa mga operation nila. Buking na buking na kung baga ang modus operandi nila kaya baka mag-ingat na sila,” ani Castro.

Source. Abante

Duterte inatake ng ubo habang nagtatalumpati



Inatake ng ubo si Pangulong Rodrigo Duterte habang nagtatalumpati sa okasyon na tinawag na “Sama-sama, Tulong-tulong sa Pagbangon at Pagsulong” sa Heroes Hall ng San Fernando City sa Pampanga nitong Lunes.

Sa kabila nito, wala umanong dapat ipangamba sa kalusugan ng pangulo dahil allergic lamang siya sa mga bulaklak. Bago ang dinaluhang okasyon sa Pampanga, unang nagtalumpati si Duterte sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City para sa selebrasyon ng National Heroes day.

“Galing kasi ako sa wreath laying. Allergic ako sa bulaklak. Akala naman talagang sad ako pero I was saddened. Problem is I cannot tolerate flowers,” paliwanag ni Duterte.

Dahil sa hindi mapigilang pag-ubo, nagbiro pa ang Pangulo na tila may nakakaalala sa kanya.

“May nagmumura sa akin sa labas. Hindi na ito ‘yung…‘Pag ka ganon may nagba-backfight sa’yo ‘yan eh. Wala naman ako kalaban dito sa Pampanga. Nanalo nga ako,” sabi ni Duterte.

Dahil allergic ang Pangulo sa mga bulaklak, nagbiro ito sa kanyang talumpatin na kapag dumating ang oras na siya ay pumanaw, ‘wag na siyang alayan o padalhan ng santambak na bulaklak.

“…‘di alam nila ‘yan na ‘pag ‘yang bulaklak. Pati sa burol ko, huwag kayong magpadala ng bulaklak, baka mag-ubo ako ng mag-ubo diyan sa ilalim ng kabaong. Ako lang ang makikita nyong patay na ubo ng ubo,” patawang pagbibiro ng Pangulo.


Source. Abante Tonite

Duterte nakipag pulong sa mga magulang ni Kian Delos Santos.



Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ni Kian Loyd Delos Santos at nangakong reresolbahin nya ang kaso nito sa lalong madaling panahon.

“Pinangako naman po niya sa amin na sa lalong madaling panahon ay tutulungan niya kaming malutas ang kaso dahil hindi po niya papayagan kung sinuman daw po iyong nagkasala ay dapat maparusahan,” saad ng ina ni Kian na si Lorenza sa Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa isang interview na pinost sa sarili nitong Facebook page.

Ayon sa Palasyo, isinagawa ang pagpupulong sa Malago Clubhouse, Malacañang Park matapos ang kahilingan ng nanay at tatay ni Kian na sina Lorenza and Saldy delos Santos.

“Opo [panatag na ang loob], dahil alam naman po natin na si Pangulong Duterte ang Presidente natin. So, wala na pong agam-agam na pagtitiwalang buong puso na makakatulong po siya na mapadali ang pagresolba ng kaso ng anak ko,” sabi ni Lorenza

“Panatag na. Nawala na iyong takot sa buhay namin. Iyon lang po. Masaya,” dagdag ni Saldy

Ayon sa press na nilabas sa Malacañang, Hinding hindi nya papalagpasin at kukunsintihin ang mga umaabuso sa kanyang administrasyon.

“Wala akong ano na mag-kapote ng abuso. Hindi trabaho ng Presidente ‘yan,” saad ni Duterte

“Trabaho namin is proteksyon ng tao,” dagdag pa nito

Duterte and Lorenza shared a hug during the meeting. The pair was also photographed doing Duterte’s signature fist bump.

Nais ng mga magulang ni Kian na personal na mag pasalamat kay Duterte sa kasiguraduhan na mareresolba ang kaso at mabibigyan ng hustisya ang kanilang anak.

Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Public Attorney's Office chief Persida Acosta, at Volunteers Against Crime and Corruption chairman Dante Jimenez ay nandoon din sa pagpupulong.

“During their meeting, the President reassured them that there will be no interference in the case citing that justice will prevail and that the handling of the case will be fair,”

Nang matanong ni Mocha Uson kung ano ang masasabi nila na ginagamit ang pagkamatay ni Kian para sa Politika. Ito ang sagot ng ina ni Kian: “Sana po na tigilan na po, kasi hindi naman po kami namumulitika eh. Ang gusto lang po namin ay mabigyan po ng katarungan iyong pagkamatay ng anak ko. Iyon lang po.”


Video Credit. Defender News

WATCH: Iloilo city mayor welcomes Espenido deployment





MANILA - Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog welcomed Chief Superintendent Jovie Espenido's assignment to his city, saying the controversial cop can provide additional pointers on how they can eradicate illegal drugs in the city.


"Yung latest announcement niya (President Rodrigo Duterte) po and 'yung order niya to assign Chief Inspector Espenido to the City of Iloilo will be a welcome development for us, for Iloilo and me, kasi po at least this will give us a venue for us to be able to show kung ano na po ang mga interventions at mga programs na ginagawa ng Iloilo against illegal drugs," Mabilog told DZMM.

He added that he is willing to work with Espenido to improve their methods in fighting illegal drugs.

"Kung meron pong pagkukulang, if there is something missing, probably po sa presence po ni Chief Inspector Espenido, makapagbigay pa po siya ng additional pointers, or additional things that we can do just to make sure na ma-follow namin 'yung orders ni President Duterte," Mabilog said.

Mabilog also denied getting involved in the illegal drug trade.

"I've never been into drugs. I'm not a user, not even a pusher or neither am I a protector, so wala talaga. Kung nadawit man ang pangalan ko, hindi ko po alam, but I still respect the announcement of the President, probably because of the existence of drug lords here po, sa lungsod ng Iloilo before, when I became mayor," he said.

According to Mabilog, he has done everything he can to follow Duterte's order to eliminate illegal drugs.

"When I became mayor in 2010, these drug personalities were already there. I did everything that I could do to extend assistance to our police and the PDEA, even since 2010," he said.

He also apologized to Duterte, if his efforts had not been good enough.

"If it is not enough, that's why po humihingi ako ng paumanhin kay Pangulong Duterte at sa mga Ilonggo ng Iloilo City, but whatever po ng sinasabi sa akin ay talagang ginagawa ko naman po," he said.

Mabilog said he will fully cooperate with Espenido, and is ready for any investigation on his alleged drug links.

"Ipapakita ko po sa kanya (Espenido) what we have done, kung nasaan na po kami. We will let him be the judge to see what have we actually done. Kung hindi po siya satisfied, then bahala na po siya," Mabilog said, adding he is willing to undergo a drug test if needed.

Duterte on Monday confirmed that he is sending Espenido to Iloilo, which the chief executive once described as the “most shabulized” city in the country.

The President said he decided to assign Espenido to Iloilo City after the police official said he wants to go after the city’s mayor.

Source: ABS-CBN

Sunday, August 27, 2017

Maaapektuhang manggagawa sa tax reform paghandaan.


Panawagan ni Senador Sonny Angara sa pamahalaan na siguraduhin ang job security ng mga manggagawang maaapektuhan ng itinutulak nitong tax reform package.

Ayon kay Angara, maaring tumaas nga ang mauuwing sahod ng mga manggagawa ngunit wala namang katiyakan kung patuloy silang may hanapbuhay oras na maipatupad ang panukalang tax reform.

“Oo nga’t mababawasan ang buwis para mas malaki ang maiuuwing sweldo ng ating mga kababayan, pero mahalaga na tiyakin ng gobyerno na mayroon pa rin silang hanapbuhay sakaling mawalan man sila ng trabaho bunga ng panukalang tax reform,” ayon kay Angara, chairman ng ways and means committee.

Partikular na tinukoy ni Angara ang pahayag ng Beverage Industry Association of the Philippines sa pagdinig ng Senado ukol sa tax reform bill na sina­sabing mahigit sa 130,000 trabaho sa beverage industry ang maaapektunan ng panukalang pagpapataw ng excise tax on sugar-sweetened beverages (SSB).

Magugunitang, bahagi ng tax reform package ay ang pagpapataw ng P10-excise tax sa kada litro ng sugar-sweetened beverages tulad ng sweetened juice drinks, tea at kape gayundin ang lahat ng carbonated beverage na may asukal; flavored water; energy drinks; sports drinks; powdered drinks na hindi classified na gatas, cereal at grain beverages; at iba pang non-alcoholic beverages na may asukal.

May pangamba pa si Angara na ang higit pa rin matatamaan sa sugar tax ay ang maliliit na sugar farmers kung kaya’t mahalagang paghandaan ito ng pamahalaan.

News Source. Abante Tonite

De Lima humiling ng 'vindication'' para sa kanyang birthday

A policewoman guards Philippine Senator Leila De Lima as she gestures a sign that means "Laban" (Fight) sign after appearing at a court on drug related charges in Muntinlupa, Metro Manila, Philippines February 24, 2017. Erik De Castro, Reuters

MANILA - Detained senator Leila de Lima wishes for nothing less than "vindication" as she celebrated her birthday on Sunday.
De Lima, in a statement, said her wish is not simply to walk free from detention but to be free from the accusations leveled against her by the Duterte administration.
“Tulad ng nauna ko nang nabanggit, ang birthday wish ko po: vindication. Paglaya hindi lamang mula sa di-makatarungang pagpapakulong sa akin ng rehimeng Duterte, kundi pati na rin ang paglaya mula sa mga kasinungalingan at paninira sa aking pagkababae at pagkatao,” she said.
The former justice secretary maintained her innocence in the drug charges against her and added that she wants to clear her name.
“Gusto ko pong malinis ang pangalan ko, hindi lang para sa aking sarili. Para ito sa aking pamilya—sa aking ama at ina, na pinalaki kaming magkakapatid nang marangal," she said.
"Inosente po ako. Malinis ang aking konsensya. Hindi ko po pinangarap na maging abogado at maging lingkod-bayan para sirain lang ang aming pangalan," she added.
A staunch critic of President Duterte, De Lima has been detained at the PNP Custodial Center in Camp Crame since February due to her alleged links to the illegal drug trade in the national penitentiary.

Saturday, August 26, 2017

Mayor Sarah kinantiyawan ni Pangulong Duterte.



Missing-in-action si Davao City Mayor Sarah Duterte sa launching ng Azuela Cove sa pinamumunuan nitong lungsod noong Biyernes, dahilan upang hanapin ito ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte na naroon sa okasyon.

“Mayor (Sarah Duterte) has sent her regrets that she cannot attend. But you failed to answer my question. Why is she not here?” paghahayag ng pangulo nang magbigay ng talumpati sa harapan ng mga bisita sa nasabing okasyon.

“Why is — baka nanuntok na naman ng she­riff sa labas,” dagdag ng pangulo patungkol sa hindi pagdalo ng anak dahil minsan na itong nasangkot sa pananakit ng isang sheriff sa Davao City.

Kaugnay nito ay pinuri ng pangulo ang Aviana Development Corporation na joint venture company ng Ayala Land, Inc. at Alcantara Group of Companies dahil sa kanilang pangakong magsulong ng economic development sa ilang bahagi ng bansa.

Dumalo ang pangulo sa soft launching ng Azue­la Cove sa Davao City na inaasahang lalong magpapalakas ng komersiyo at lilikha ng trabaho para sa mga taga-Davao at karatig-lugar.

Binanggit din ng PDu30 sa kanyang talum­pati na ipinakikita ng joint venture ang matibay na ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor.

Source. Abante Tonite

UN rapporteur Agnes Callamard to PHL: Make Kian's death the last.



"My heart-felt condolences to #kian family and to all families victimized by this cruel war. #Makehisdeaththelast #Philippines.


Ito ang malungkot na mensahe ng kontrobersyal na si United Nations Special Rapporteur on Extra-Judicial Executions Agnes Callamard sa kanyang Twitter account kahapon, kung kailan inihatid sa kanyang huling hantungan si Kian Loyd delos Santos na napatay sa police anti-illegal drug ope­ration sa Barangay 160 sa Caloocan City noong Agosto 16.

Kasunod nito ay hinikayat ni Callamard ang gobyerno ng Pilipinas na ang kamatayan ni Kian na sana umano ang huli sa war on drugs nito.

Ayon pa kay Callamard, maituturing na murder ang pagpatay kay Kian. At lahat umano ng ‘labag sa batas na pagkamatay ay marapat na imbestigahan.’

Inihatid ang 17-an­yos na biktima sa kanyang hu­ling hantungan sa apartment-type na nitso sa La Loma Cemetery sa Caloocan City kahapon ng hapon matapos ang ilang oras na funeral procession kasama ng daang-daang tagasuporta nito. At ang kanilang sigaw ay hustisya para sa napatay na Grade 11 na estudyante.

Ngunit bago pumunta sa Sta. Quiteria Church ay dumaan muna ang prosisyon sa Caloocan City Police Community Precinct (PCP) VII kung saan nakatalaga ang tatlong sangkot na pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda na silang nakapatay kay Kian.

Pagkatapos naman ng misa sa nasabing simbahan ay nagbigay ng kanyang eulogy ang ama ni Kian na si Saldy delos Santos kung saan ay isinalarawan nito ang anak na mabait, responsableng tao at isang batang ninanais lamang ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral upang maging isang pulis.

Hinamon din nito ang mga pulis sa nasa likod ng pagkamatay ng anak na magtungo sa misa at suriin ang kanilang konsensiya. Sinabi pa nito sa nabanggit na tatlong pulis na hindi pa umano huli ang makapagbago.

Magugunitang ayon sa mga alagad ng batas ay naglabas ng baril si Kian at pinaputukan sila habang tumatakas ito, kaya napuwersa silang gumanti ng putok. Drug runner din umano ang binatilyo, bagay na mahigpit namang itinanggi ng pamilya nito.

Subalit nakita sa CCTV footage na bitbit ng mga pulis si Kian, salungat sa sinasabi ng mga ito na tumakas.

Kasalukuyang nasa ilalim ng restrictive custody at nahaharap sa kasong murder ang mga sangkot na pulis na sina Police Officer 3 Oares at Police Officers 1 Pereda at Cruz, gayundin si Chief Inspector Amor Cerillo, ang kanilang commander­ sa Caloocan City Police Community Precinct Station 7.

Source. Abante Tonite

UN rapporteur to PHL: Make Kian's death the last.



United Nations Special Rapporteur on Extra-Judicial Executions Agnes Callamard on Saturday urged the Philippines to make the death of Kian Loyd delos Santos the last in the war on drugs.

"My heart-felt condolences to #kian family and to all families victimized by this cruel war. #Makehisdeaththelast #Philippines," Callamard wrote on her Twitter account.


Delos Santos was laid to rest on Saturday afternoon after hours of funeral procession attended by hundreds of his supporters, who called for justice for the Grade 12 student.

Delos Santos remains were buried in an apartment-type crypt at La Loma Cemetery in Caloocan City.

Delos Santos was killed in a police anti-illegal drug operation in Barangay 160, Caloocan City on August 16.

Callamard had said that the teenager's death was murder and said that "all unlawful deaths must be investigated."

Police claimed that Delos Santos drew a gun and fired at them while escaping, forcing them to fire back.

Police had claimed that the teenager was a drug runner.

Delos Santos' family, meanwhile, denied the police's allegations.

A CCTV footage also showed policemen carrying Delos Santos, belying their claim that the teenager took off during the operation.

Police Officer 3 Arnel Oares and Police Officers 1 Jeremias Pereda and Jerwin Cruz along with Chief Inspector Amor Cerillo, their commander at the Caloocan City Police Community Precinct Station 7, have been placed under restrictive custody and are now facing murder charges.

Caloocan City police chief Senior Superintendent Chito Bersaluna, on the other hand, has been placed under administrative relief to "preclude the possibility of his influence over the investigation of the incident."

Two of the three Caloocan cops admitted to police internal affairs investigators that they were the ones seen in the CCTV footage dragging Delos Santos on the day he was killed.

During the Senate hearing last Thursday, Cruz said that he and Pereda were indeed the ones caught on the CCTV footage. He, however, said that they were escorting a police asset and not Delos Santos.

During the week of Delos Santos' death, at least 90 drug suspects were added to the list of people killed in police anti-drugs operations.

The Senate has launched an investigation into the teenager's death and the killings of drug suspects during police operations.

Source. —ALG, GMA News

Friday, August 25, 2017

Bawal ng mag helmet ang mga Motorcycle Riders sa Dasma.



Ipinagbawal simula Biyernes ng pamahalaang lokal ng Dasmariñas, Cavite ang pagsusuot ng helmet ng mga motorcycle riders sa lungsod sa harap ng magkakasunod na pamamaslang na kagagawan ng mga naka-motorsiklong gunman.

Alinsunod sa Resolution 153 ng Sangguniang Panlalawigan, bawal na ang pagsusuot ng helmet, bonnet, ski mask at iba pang uri na kasuotang magtatakip sa mukha ng mga nagmamaneho at naka-angkas sa motorsiklo.

Nagtakda rin ang kautusan ng speed limit na 20 hanggang 40 kilometro kada oras at ipinagbawal ang mga sira at hindi mabasang plate numbers.

Saklaw ng kautusan ang lahat ng lansangan sa Dasmariñas maliban na lang sa Aguinaldo Highway, Governor's Drive, at Paliparan-Salawag-Molino Road.

Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Dasmariñas Mayor Elpidio Barzaga na batay ang resolusyon sa rekomendasyon ng Liga ng mga Barangay, Peace and Order Council at ng pulisya para masawata ang insidente ng krimen na kinasasangkutan ng "riding-in-tandem."

Ani Barzaga, ilan na ang namatay at nasaktan sa mga naturang insidente at karamihan sa mga biktima ay nakatambay lamang.

Source. ABS-CBN News

Risa kay Aguirre: Layuan mo ang Kian case; Aguirre kay Risa: Itigil mo ang drama


Pinadidistansiya ni Sen. Risa Hontiveros si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at sinabing hindi ito dapat lumahok sa imbestigasyon o anumang proseso kaugnay ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Pinai-inhibit ni Hontiveros si Aguirre, na ang ibig sabihin ay huwag itong lumahok o makialam sa kaso ni delos Santos.

Ayon kay Hontiveros nitong Biyernes, ang pagpapasailalim sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ) sa mga testigo sa pagpatay kay delos Santos ay tila 'paglalagay ng tupa sa tirahan ng leon'.

Inilagay ni Hontiveros sa kaniyang kostodiya ang mga testigo matapos diumano silang makatanggap ng mga banta sa kanilang buhay.

"In the spirit and interest of impartiality and the pursuit of justice, I demand that the Justice Secretary (Aguirre) inhibit himself from all investigations being conducted into the killing of Kian," ayon kay Hontiveros.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Aguirre ang kredibilidad ng mga testigo, at sinabing maaari umanong na-'brainwash' ang mga ito ng senadora.

Sinabi rin ni Aguirre na bukas siyang i-inhibit ang sarili basta't hindi rin aniya dapat dumalo ang senadora sa mga hearing ng Senado kung saan ang kaniyang pagiging patas ay kuwestiyonable.

"I have no problem with that. But she should also inhibit on Senate investigations and other matters where her fairness and impartiality are under question."

"Alin ang case na inareglo ko? Dapat itigil niya ang drama niya para 'di siya tawagin drama queen," dagdag ni Aguirre.

Bumanat din si United Nations special rapporteur Agnes Callamard sa pagpatay kay delos Santos at sinabing "murder" ang nangyari sa binata at dapat aniyang imbestigahan ang lahat ng patayan.

"Yes, Pres. [Rodrigo] Duterte, this is murder. All unlawful deaths must be investigated. To stop all murderers," ani Callamard.


Source. ABS-CBN News

Impeachment vs Bautista ‘wag agad ibasura



Umapela ang Makaba­yan bloc sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na huwag agad ibasura ang impeachment case laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista dahil seryoso, aniya, ang alegasyon laban sa opisyal.

Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing pana­wagan kasunod ng pormal na pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Bautista na agad na ­inendorso nina House de­puty speaker Gwen Garcia, Batangas Rep. Abraham Tolentino at Akbayan party-list Rep. Harry Roque.

Wala pang plano ang grupo ni Zarate kung ano ang magiging tayo ng mga ito sa impeachment complaint kaya hiniling nito na pag-aralang mabuti ang reklamo at huwag agad ibasura tulad ng ginawa sa impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Pag-aralan, tingnan dahil hindi puwedeng i-dismiss lang ito na purely harassment o away mag-asawa. Hindi ito usapin ng away mag-asawa. Mayroong alegation ng unexplain wealth, influence peddling,” ani Zarate.

Kabilang sa mga nilalaman ng reklamo ay ang ibinunyag ng misis­ ni Bautista na si Patricia na mayroong mahigit­ 30 bank accounts ang kanyang mister at aabot umano sa P1 billion ang kayamanan nito na malayo sa P176 million na idineklara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at umano’y pagtanggap ng Comelec chief ng pera sa isang law firm na nag-­aabogado sa Smartmatic.

Ayon kay Zarate, wala silang pakialam sa away mag-asawa ng mga Bautista dahil personal nila itong problema subalit kailangang tingnan kung saan galing ang pera at bakit hindi ito idineklara ng Comelec chairman sa kanyang SALN.

Hindi pa nagtatakda ang House committee on justice kung kailangang sisimulan ang pagdinig sa impeachment complaint subalit ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, agad itong ila­lagay sa kanilang agenda.

“Kung ano ang process, ‘yun ang susundin natin,” ani Umali, chairman ng nasabing komite subalit tumanggi itong magbigay ng personal na opinyon sa nasabing reklamo laban kay Bautista.

Source. Abante Tonite

2 pulis kumambyo sa Senado: ‘Di si Kian ang nasa CCTV




Humarap kahapon sa Senado ang tatlong Caloocan Police na inaakusahang responsable sa pagpatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian delos Santos.

Inamin ni PO1 Jerwin Cruz, na siya ang nakita sa CCTV footage kasama ang isa pang pulis na may kinakaladkad na lalaki ngunit nilinaw nitong hindi si Kian ang kanilang kinakaladkad kundi kanilang ‘asset’.

“Kami ‘yung dalawang­ nasa CCTV. ‘Yung sina­sabi na Kian, hindi si Kian ‘yun. ‘Yun ‘yung aming asset,” ayon kay Cruz kasabay ng pagtukoy kay PO1 Jeremiah Pereda na kanyang kasama.

Nang tanungin naman kung bakit nila kinaladkad ang naturang asset nila sagot naman ni Cruz, “Kasi ‘yung asset, ayaw niyang masunog. Ayaw niyang makilala na may kasamang pulis na ituturo… pinoprotektahan niya ‘yung sarili niya at ‘yun ang sinabi niya sa amin, na i-cover namin para ‘di makilala dahil may kasama siyang police.”

Giit pa ni Cruz, hindi nila kilala si Kian bago pa ito napaslang.

Ang pahayag ni Cruz ay taliwalas naman sa nauna nilang pahayag sa PNP Internal Affairs Service na kung saan inamin nilang si Kian ang kanilang kinaladkad na nakita sa CCTV footage.

Bukod dito, iginiit pa ng dalawang pulis na pinaputukan umano sila ni Kian habang ito’y nagtangkang tumakas kaya’t nabaril nila ito.

Narekober umano mula kay Delos Santos ang .45 pistol at dalawang sachets ng suspected shabu.

Lumitaw na kasama nina Cruz at Pereda sa kanilang drug operations si PO3 Ariel Oares na nagresulta sa pagkamatay ni Delos Santos.

Sa inisyal na testimonya ni Chief Insp. Amor Cerilo, ang police community precinct commander, sinabi nitong si Oares umano ang bumaril kay Delos Santos batay na rin sa ballistic examination ng mga slugs na narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Para kay Cerilo, luma­labas na sangkot sa tran­saksiyon sa ilegal na droga si Kian batay sa narekober na cellphone, social media at sa isang alias Nono.

Source. Abante Tonite

Thursday, August 24, 2017

Pangulong Duterte dinepensahan ni Pacquiao.



Dinepensahan ni Senador Manny Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing hindi nito kailanman ini­utos sa mga pulis na ila­gay sa kanilang mga ­kamay ang batas.

Kaalinsunod na rin ito ilang alegasyon na ang Pangulo mismo ang nagtutulak sa mga pulis na pumatay dahil sa pagtatanggol nito sa mga pulis na kasama sa mga isi­nagawang drug operations.

Paglilinaw ng senador, suportado niya ang kampanya ng Pangulo kontra droga ngunit mariin niyang kinokondena ang mga abusadong pulis.

“I fully support President Duterte’s war on drugs but I don’t support the senseless killings ng mga abusadong pulis na umaabuso sa kanilang kapangyarihan,” ayon kay Pacquiao.

Isa si Pacquiao sa lumagda sa inihaing reso­lusyon ng majority bloc na kumokondena sa pagpatay sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Delos Santos gayundin ang kahilingang imbestigahan ito ng Senado.

Sinabi pa ng senador, na maging ang Pangulo ay nagalit sa pagpaslang sa estudyante at ipina­ngako pa nitong ito mismo ang magdadala sa mga pumatay na pulis sa kulu­ngan kapag napatunayang guilty ang mga ito.

“Even President Duterte said, if police murdered Kian delos Santos, siya mismo ang maghahatid sa kulungan o magpapakulong at ‘yan ang malinaw na paninindigan ng Pangulo na nililinaw lang niya na ini-instruct-an niya ang police na gawin ang kanilang trabaho pero hindi naman in-instruct ng Pangulo na labagin nila ‘yung batas at i-violate nila ‘yung batas natin,” dagdag ni Pacquiao.

Ikinatuwa naman ni Senador Juan Miguel Zubiri ang pahayag ng Pa­ngulo na hindi niya kukunsintihin ang mga mapapatunayang abusadong pulis partikular na ang pulis na pumatay sa estudyante.

“I am happy. I am actually very happy with the statement …what he (Duterte) said is a step forward to the right direction which is basically he will not tolerate the shenanigans of the police and if proven that the law was broken that he will jail this erring policemen,” ayon kay Zubiri.

Source. Abante Tonite

RUMESBAK KAY LACSON | Nicanor Faeldon: Ito ang kinakatakutan mo Sir, kasi we are getting close to exposing you… you are also a smuggler!



Bumuwelta si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon mula sa mga alegasyon sa kanya ni Senator Panfilo Lacson tungkol sa umano’y natatanggap niyang “tara” sa Customs.

Sa isang press conference, mariing itinanggi ni Faeldon na tumanggap siya ng “tara” sa loob ng kanyang pamumuno sa Bureau of Customs. Giit niya, hindi raw siya kundi si Senator Lacson ang sangkot sa korapsiyon.

Ang kumpanya raw na “Buon Giorno” na pa-aari ng anak ng senador na si Panfilo Lacson Jr. ang umano’y numero unong smuggler ng semento sa bansa.

“Ang halaga nito in pesos, kapag ibinenta natin itong semento 34 million pesos, anong violation niya? Siyempre this is smuggling, 50% less ba naman yung babayaran mo sa duties mo under the Republic Act 7394, ano mang produktong iimport mo dapat yung labeling niya ay nakapangalan sayo. Yung kumpanya nila, iba, pangalawang violation yun! This is just 12 days after I assumed office. During my 13th day in the office, ni-recommend na i-alert ang another ship ng semento, ang violation ganun din. 2 days after that july 15, may isa na namang barko, yung pangatlo inalert ko na naman pumunta ulit the same person under same violation… ang total nung tatlong barko ay P600-M sa tatlong araw lang, may-ari nito is a senator today,” sabi ni Faeldon.

“Ang nagpakilalang may-ari ay si Panfilo Lacson Jr., yung company niya Buon Giorno, itong Buon Giorno ang capital lang niya noong 2015 ay P20,000 paano niya ma-afford ang P600-M nung tatlong barko in just 3 days? pinacheck ko sa system, when i assumed office, 67 na barko ang pinarating ni Lacson Jr.,” dagdag pa ni Faeldon.

Ayon pa kay Faeldon, ito raw ang dapat imbestigahan at may mga hawak siyang ebidensiya para patunayan ito sa korte.

“Tanungin niyo rin si Buon Giorno, magkano na ba binayaran niyong tax sa dami ng sementong ipinasok niyo? Iyong sinasabi ni Sen. Ping Lacson na may mga player, ito tanong ko sa’yo senator, player ka ba? Ito ang kinakatakutan mo Sir, kasi we are getting close to exposing you. Kapag hindi nagtugma yan, you are also a smuggler Sen. Lacson. Dapat Sen. Lacson, alam mo ang ginagawa ng anak mo,” ayon kay Faeldon.

“In any court dapat imbestigahan natin ito, because this is a smuggling of cement by the billions of a high-ranking official… I texted you several times that I want the truth to come out… according to the Cement Association of the Philippines, Buon Giorno is the no. 1 cement smuggler… you have to disprove that you own this, computer parts lang ini-import pero semento ini-import mo!” giit ni Faeldon.

Pakiusap rin ni Faeldon kay Sen. Lacson, huwag idawit ang kanyang pangalan at ang iba pang inosenteng tao para sa kanyang pansariling interes.

Samantala, naglabas naman ng isang statement si Senator Lacson sa mga ibinatong alegasyon sa kanya ni Faeldon lalo na ang tungkol sa pagiging smuggler umano ng semento ng kanyang anak na si Pampi.

“First, I have nothing to do with my son’s business activities; second, there is no smuggling of cement as it is not subject to customs tariff and duties but only subject to VAT, which my son said when I checked with him just now, they always pay; third, he should have filed charges against my son if he now says, he’s into smuggling; fourth, it doesn’t make sense that I will expose the shenanigans in the BOC, if my son is cheating on taxes as Faeldon is now accusing him of,” ayon kay Lacson.

“The logical thing for me to do is not to make the expose’ and just keep quiet. For the record, I have always reminded my son to be on the level in whatever business dealings he would have because if not, I’ll be the first one to castigate him and even initiate filing of charges against him,” dagdag pa niya.

Source. News 5

Monday, August 21, 2017

Duterte says he ordered Bato to arrest cops in Kian's killing

President Rodrigo Duterte on Monday night said agrees there should be an investigation into the killing of 17-year-old Kian delos Santos during a drug raid in Caloocan City.
He said he will not interfere in the probe by the National Bureau of Investigation (NBI) and gave assurances that there will no whitewash in the investigation.
Duterte said there should be prosecution and imprisonment should the investigation point to liability. 
He said those liable would be answerable and put in jail if rubout is proven. 
At the outset, Duterte said he ordered Philippine National Police (PNP) chief Ronald Bato dela Rosa to arrest the policemen involved upon seeing the CCTV footage showing Kian with the police. 
He said it is not part of the policeman's duty to murder those involved in drugs but only to arrest and overcome and neutralize resistance. 
Duterte said he will not visit the wake of Kian, saying it would put so much pressure on the police and can be interpreted as saying sorry. 
Duterte also announced that he is replacing Customs Commissioner Nicanor Faeldon with PDEA chief Isidro Lapeña. 
PNP Region 3 Director Aaron Aquino will be named as PDEA chief. 
Duterte said he wants Faeldon to remain in government because he needs the services of a good and honest man.
On the rejection of the Commission on Appointments on the designation of Judy Taguiwalo as social welfare chief, Duterte said he could not anything about it as the rejection was the discretion of Congress. 
He had only good words for Taguiwalo saying she was bright. He said he offered the position of DSWD secretary to ABS-CBN journalist Doris Bigornia, but said the latter declined the offer.

Dating Vice President dumalaw din sa burol ni Kian !!



Kabilang naman si dating Bise Presidente Jejomar Binay sa mga kilalang personalidad sa mga bumisita sa burol ni Kian.

Para kay Binay, kung sangkot man ang binatilyo sa pagtutulak ng droga, hindi pa rin daw makatwiran na basta na lang ito patayin.

"Kung sa palagay na natin na ito ay kasama sa drugs, hindi pa rin 'yun tama. That does not justify ang pagpatay," anang dating pangalawang pangulo.

Ayon sa mga awtoridad, nagsisilbing "runner" o tagabigay ng droga si Kian.

Sinabi naman ni Public Attorney's Office chief Persida Rueda-Acosta, na nagtungo rin sa burol ni Kian, tutulungan niya ang pamilya ng binatilyo na maghain ng reklamong murder sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay nito.

Batay umano sa paunang pagsusuri, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo si Kian at isa sa likod.



"Hindi ho kinukunsinti ng PAO kung may abuso," aniya.

Source. GMA News

Trillanes dumalaw din sa burol ni Kian Delos Santos !


Dumalaw si Sen. Antonio Trillanes IV sa lamay ni Kian Delos Santos sa Caloocan City nitong Lunes, August 21.

Nakiramay, nagdrama at binanatan ni Trillanes si Pangulong Duterte sa mismong Burol ni Kian Loyd.

Noong mga nakaraang araw ay dinalaw rin ito ni VP Leni Robredo, Risa Hontiveros at Dating Bise Presidente na si Binay.

Photo Credit. GMA News




Noynoy sa nangyari kay Kian: Kailangan ng imbestigasyon; Binay, bumisita sa burol



Naniniwala si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon sa nangyaring pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos sa kamay ng mga pulis sa Caloocan City.

Ang pahayag ay ginawa ni Aquino nang hingan ng komento nitong Lunes matapos dumalo sa 34th death anniversary ng kaniyang amang si dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

"Kailangan ng imbestigasyong kaukulan para hindi haka-haka ang mangyari," anang dating lider.

"Ang importante doon sa imbestigasyon, huwag namang umabot ng pagkatagal-tagal. Yung matagal na imbestigasyon, imbes na nagpapalinaw, nagpapalabo," dagdag niya.

Ayon kay Aquino, naalala niya ang sinabi ng kaniyang lola nang paslangan noon ang kaniyang amang si Ninoy, nang marinig niya ang sinabi ng ina ni Kian na masakit sa ina ang maglibing ng anak.

Si Kian ay binaril ng mga pulis noong nakaraang linggo dahil nanlaban umano sa mga awtoridad.

Itinanggi naman ng mga kaanak ng binatilyo ang alegasyon ng mga pulis na sangkot ito sa iligal na droga.

VP Binay sa burol ni Kian

Samantala, kabilang naman si dating Bise Presidente Jejomar Binay sa mga kilalang personalidad sa mga bumisita sa burol ni Kian.

Para kay Binay, kung sangkot man ang binatilyo sa pagtutulak ng droga, hindi pa rin daw makatwiran na basta na lang ito patayin.

"Kung sa palagay na natin na ito ay kasama sa drugs, hindi pa rin 'yun tama. That does not justify ang pagpatay," anang dating pangalawang pangulo.

Ayon sa mga awtoridad, nagsisilbing "runner" o tagabigay ng droga si Kian.

Sinabi naman ni Public Attorney's Office chief Persida Rueda-Acosta, na nagtungo rin sa burol ni Kian, tutulungan niya ang pamilya ng binatilyo na maghain ng reklamong murder sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay nito.

Batay umano sa paunang pagsusuri, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo si Kian at isa sa likod.

"Hindi ho kinukunsinti ng PAO kung may abuso," aniya. -- FRJ, GMA News

Trillanes: Si Pangulong Duterte ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Kian !!



Sinabi Senator Antonio Trillanes IV noong lunes, Agosto 21, 2017  na si Pangulong Rodrigo Duterte dapat ang sisihin sa pagkamatay ng binatilyong si Kian Delos Santos, dahil ang sinabi di umano nitong "policy statement" ay nagbigay ng batayan para pumatay.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag bago ito dumalaw sa lamay ni Kian Loyd Delos Santos.

"Yung policy statements ni Pangulong Duterte, maliwanag. Sabi niya patayin ninyo. Pagka walang baril, bigyan n'yo ng baril," saad ni Trillanes.

"Maliwanag ito sa kaniya ito nanggaling, walang ibang sisisihin dito," dagdag pa nito.

Ang senado ay pumasa sa isang resolusyon na kumokondena sa kamatayan ni Delos Santos, kung saan magsasagawa ng imbestigasyon sa Huwebes.

Ang pangulo ay dati ng binatikos ng kanyang mga kritiko at human rights groups hinggil sa paglaki ng bilang ng mga namatay sa kanyang war on drugs.

Source. GMA News

Sunday, August 20, 2017

Mga testigo sa pamamaril kay Kian, nakatatanggap ng banta sa buhay

















Ibinunyag ng ama ng binatilyong nasawi sa nakaraang Oplan 'Galugad' sa Caloocan na may mga nagbabanta sa buhay ng mga nakakita sa insidente. 
Sa kabila nito, hindi umano magpapagupo ang isa sa mga testigo sa pamamaril sa 17 anyos na si Kian Loyd delos Santos.
Nakatatanggap umano ng mga pananakot ang mga witness na nakakita sa pamamaril sa binatilyong Delos Santos, ayon sa ama nitong si Saldy delos Santos. 
Gayumpaman, tuloy pa rin ang suporta ng mga kapitbahay at kaanak sa pamilya. 
Isa sa mga kapitbahay ng pamilya ang nag-abot ng basyo ng bala sa ina ni Kian Loyd, dahil baka maaari umano itong gamitin bilang ebidensiya. 
Hindi rin umano natatakot si alyas 'Lisa', isa sa mga nakakita sa insidente. Aniya, kilala niya ang mga pulis at nakita niya mismo kung paano pinatay si Kian. 
Kuwento niya, dalawang pulis ang nagpaputok nang sunod-sunod kay Kian, habang nasa pader ang binatilyo. Nakatakip umano ang mukha nito, at nagmamakaawa pa sa mga pulis bago pinagbabaril. 
Subalit, muling iginiit ni Chief Inspector Amor Cerillo ng Caloocan police na hindi si Kian ang nakita sa CCTV na nakatalukbong at kasama ng mga pulis. 
Patuloy naman ang pagdagsa ng mga kamag-anak, kaklase, at mga guro sa burol ni Kian. Dumating din ang Department of Social Welfare and Development, pati na si Senador Risa Hontiveros. 
Bumuhos din ang suporta sa social media para sa pamilya Delos Santos. Nag-trending din ngayong umaga ang #JusticeForKian sa Twitter, kung saan pati celebrities ay nakiramay sa pamilya at nanawagan ng hustisya para sa binatilyo.
Kinondena rin ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption ang pagkamatay ni Kian.