Tuesday, October 31, 2017

Bumilib ang Prime Minister ng Japan na si PM Abe sa Pangulong Duterte sa pagharap sa Marawi Crisis.


Napabilib ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa katatagan ng kanyang disposisyon sa pagharap sa hamon ng Marawi crisis matapos sakupin ng mga terorista ang Marawi City sa loob ng limang buwan.

Sa kanyang pagbisita sa Tokto, Japan, sinabi ni Abe na labis itong humanga at inihayag ang respeto sa paraan ng pagharap ng Pangulo sa bakbakan sa Marawi City laban sa Maute terror group.

Ayon kay Abe, ipinakita ng Presidente na mayroon itong kamay na bakal nang labanan ang terorismo at ang pangakong ibabangon muli ang Marawi City .

Tiniyak ng Japanese Prime Minister na buo ang kanilang suporta sa hangarin ni Pangulong DUterte na maibalik ang kaayusan sa Marawi City at maibangon ang isang bago ay mapayapang lungsod.

“The government of Japan recognizes that rehabilitation and reconstruction of the city of Marawi is extremely important. We will provide maximum support to the restoration and reconstruction of Marawi City and we will strengthen support of Mindanao toward the establishment of an autonomous government,” ang pahayag ni Abe matapos ang mahalagang pulong nila ni Pangulong Duterte.

Source: ABANTE

Pansamantalang paglaya ni Cogie Domingo naudlot.


Hindi natuloy ang paglaya ni Cogie Domingo noong Lunes dahil may mga dapat iwasto sa mga impormasyon tungkol sa kaso niya at ayon ito sa kanyang ama, ang human rights lawyer na si Atty. Rod Domingo, Jr.

Dahil sa pag-aayos sa mga impormasyon, hindi nakahabol noong Lunes sa raffle ng Parañaque City Regional Trial Court ang kaso ni Cogie.
Holiday naman kahapon at ngayon.

Umaasa si Atty. Domingo na makakapagpiyansa sila para sa pansamantalang kala­yaan ni Cogie, bukas, Huwebes o sa Biyernes.

Mahigit sa P200,000 ang halaga ng piyansa para kay Cogie na ina­resto noong Biyernes, October 27, ng PDEA Region IV A agents sa isang drug buy-bust ope­ration sa Parañaque City.

May mga nasamsam na mga drug paraphernalia sa sasakyan ni Cogie kaya sinampahan siya ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.

Itinanggi ni Cogie na siya ang may-ari ng mga drug paraphernalia dahil hindi raw siya drug user at buo ang kanyang paniniwala na set up ang nangyari.

Source: ABANTE

Monday, October 30, 2017

PLDT, SMART, GLOBE tatapatan ng Pangulong Duterte


Magpapapasok na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong telecommunications provider para gumanda-ganda ang signal at serbisyo at bumilis ang internet connection sa bansa.

Sinabi kahapon ni incoming Presidential Spokesman Harry Roque, batid ni Pangulong Duterte na palpak ang serbisyo ng telecommunications company na kasalukuyang namamayagpag sa bansa kaya kailangang may ibang magbibigay ng mas internet connection sa mga Filipino.

Mismong si Roque ay nagkuwento na nakaranas siya ng kapalpakan sa kanyang service provider dahil hirap aniyang makapasok ang signal at kung masagot man ay hindi magkaintindihan o magkarinigan sa telepono.

“Alam n’yo ho gusto ko sanang tanggapin lahat ng calls ng media kaya lang palpak po ang ating mga telecoms company.

‘Pag nasa bahay po ako talagang suwerte-swertehan kung makapasok ang tawag,” ayon kay Roque.

“Mabuti na lang ang ating Presidente magpapapasok na ng pangatlong telecoms provider na hindi na tayo ganito ang buhay sa telepono,” ang pahayag ni Roque.

Gayunman, hindi tinukoy ng Kalihim kung anong kompanya ang papasok sa bansa para maging pangatlong telecoms provider para sa mga Filipino.

Matatandaang noong nakalipas na linggo ay bisita ni Pangulong Duterte sa Malacañang ang Chinese business magnate na si Jack Ma na ang negosyo ay sa telecommunications at nagsabing mabagal ang internet sa Pilipinas.

Sa ngayon ay mono­polyo ng PLDT, Smart at Globe ang internet connection subalit inire­reklamo ng kanilang mga subscribers ang mabagal na serbisyo ng mga ito.

Ang Smart ay subsi­diary ng PLDT. Ang Globe ay pangunahing shareholders naman ang Ayala Corporation at Singapore Telecom.

Source: ABANTE

GOOD NEWS! Donald Trump napabilib ng PNP patungkol sa War on Drugs . PNP Director General Ronald "Bato" Dela Rosa gusto nyang kunin dahil sa crisis ng kanilang bansa.


Sunday, October 29, 2017

Kiko Pangilinan "Oposisyon hindi titigil sa banat sa Duterte admin"


TINIYAK ng oposisyon sa Senado na hindi sila titigil sa pagpuna sa mga kamalian ng Administrasyon sa kabila ng paninira sa ilang miyembro nito.

Ito ay may kaugnayan sa alegasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sangkot sa operasyon ng droga sina dating Secretary Mar Roxas at Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Kalokohan at gawa-gawa lang ito ng administrasyon para ilihis ang usapin sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan nito tulad ng Customs P6.5 billion na shabu smuggling at araw-araw na patayan dala ng tiwali at abusadong PNP,” diin ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Iginiit ni Pangilinan na kung nais ng administrasyon na habulin ang tunay na nasa likod ng mga sindikato ng droga ay unahin nila ang mga nagpuslit ng shabu sa Bureau of Customs (BOC).

Inakusahan din nito ang administrasyon na patuloy sa pagtatanim at paggawa ng mga ebidensiya upang idiin silang nasa hanay ng oposisyon.

“Nagtatanim o gumagawa ng ebidensya para idiin ang mga katunggali at dinodoktor ang ebidensya para makalaya at makalusot ang kakampi,” dagdag ni Pangilinan.

Ipinagtanggol naman ni Senador Panfilo Lacson sina Roxas at Drilon sa pagsasabing hindi kayang gawin ng mga ito ang alegasyon.
“I know Sens Drilon and Roxas too well, but also it is hard to believe the words of a rival drug lord of Odicta who cannot anymore confirm or deny the statement,” ani Lacson.

Una nang inihayag ni Aguirre na tinukoy ng self-confessed paymaster na si Ricky Serenio ng Berya drug cartel sina Drilon at Roxas bilang protektor ni Melvin Odicta Sr., ang umano’y drug lord sa Iloilo na napatay noong Agosto 2016 sa Aklan.

Source : ABANTE

Friday, October 20, 2017

Itinanggi ni Trillanes na inuudlot nya ang pagbisita ni Trump sa Pilipinas


Aminado si Senador Antonio Trillanes sa ibinulgar ng Malakanyang na nasa United States of America siya ngayon at nag-ikot siya sa mga opisyal doon.

Pero mariing itinanggi na misyon nya roon na pigilan si US President Donald Trump na bumisita sa Pilipinas.

Nakatakdang dumalo si Trump sa ika-31 pulong ng Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN) sa Nobyembre.

Ayon kay Trillanes, matagal na pinaplano ang pagbisita ng pangulo ng America at hindi iyon basta mapipigil ng isang senador lamang ng Pilipinas.

“To be clear, I did not try to stop the state visit of Pres. Trump since these things are carefully planned and cannot be stopped on the mere say so of a Philippine senator,” diin ni Trillanes.

Nakipag-usap umano siya sa ilang senior official ng US government kabilang si US Senator Marco Rubio.

Gaya ng sinabi sa twitter account ni Rubio, sinabi ni Trillanes nap nag usapan nila ang pagpapalakas ng RP-US relations, ang katiwalian at human rights situation sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng senador na katotohanan lang kaniyang ibinahaging impormasyon sa US officials at ang kapakanan ng bansa ang kaniyang isinulong.

“Unlike the officials of the Duterte administration, I presented only factual information. Besides, you cannot fool the US government, they know what’s happening in our country,” ani Trillanes.

“Be assured that I pushed for the interest of our country. But let me emphasize that the interests of our country are not necessarily the same as the interests of Mr. Duterte,” dagdag nito.

Source: ABANTE

MGA SUNDALONG NAKIPAGBAKBAKAN SA MARAWI, MAINIT NA SINALUBONG NG KANILA-KANILANG PAMILYA. Panoorin !!


MGA SUNDALONG NAKIPAGBAKBAKAN SA MARAWI, MAINIT NA SINALUBONG NG KANILA-KANILANG PAMILYA. Panoorin !!

Source: GMA

Wednesday, October 18, 2017

"Ibabagsak ako ni Lucio Tan" Pres. Duterte


Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinayuhan siya ng kanyang mga adviser na huwag babanggain ang business tycoon na si Lucio Tan dahil posibleng gumanti ito sa pamamagitan ng pagpondo sa grupo ng mga oposisyon para patalsikin siya sa Malacañang.

Sinabi ito ni Duterte sa panayam ng PTV-4 kaugnay ng binigay niyang 10-araw na deadline para bayaran ang utang na P7.3 bilyon sa navigational fees at iba pang bayarin ng Philippine Airlines na pag-aari ni Tan dahil kung hindi ay kanyang ipasasara ang operasyon ng kompanya.

“Itong si Lucio Tan, hindi siya nagbabayad. Matagal na ‘yan. Panahon pa ni – I think four presidents away. Hindi siya nagbabayad ng – pag-landing mo pati pag-take off mo, may bayad ‘yan,” pahayag ni Duterte.

Wala aniyang nagkaroon ng lakas ng loob sa nagdaang apat na administrasyon na galawin o singilin si Tan dahil sa takot na baka sumama ito sa mga puwersa na gustong mapatalsik ang nakaupo sa Malacañang.

Pero hindi natatakot si Pangulong Duterte sa posibilidad na gantihan siya ng mga negosyanteng siningil niya ng malaki dahil sa hindi pagbabayad­ ng kanilang atraso sa gobyerno ng matagal na panahon.

Sa harap na rin ito ng mga ulat na kasama umano ang ilang mayayamang negosyanteng hinabol sa kanilang buwis sa mga nagpopondo para ibagsak ang gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, handa siyang mamatay para sa bansa at hindi siya magtataka kung pagplanuhan ang asasinasyon sa kanya.

Pero titiyakin niya na hindi magtatagumpay ang destabilisasyon dahil kapag maramdamang ta­gilid ang gobyerno ay agad siyang magdedeklara ng revolutionary government.

“I am ready to die for my country. Kung patayin nila ako dito sa opisina, okay lang.

Assassinate ako nila, okay lang. Pero kung makita ko, sabi ko, ‘yung mag — bayan ko na magti-tilt into chaos at ma-destabilize talaga, mag-declare na nga ako ng revolutio­nary government,” pahayag ng Pangulo.

Nagbabala ang Pangulo na ipaaaresto at ipakukulong ang mga magtatangkang magpabagsak sa gobyerno kasama na rito ang Communist Party of the Philippines.

“You can start to criticize, but just remember, ‘pag nag — gumanon ito, the shift of state tilts or tilting, I won’t have the qualms. I was elected by the people… Hindi ko kayo tinatakot pero huhulihin ko kayo lahat, and I will declare a full-scale war against the New People’s Army. At lahat sila, walang kulu­ngan. Diyan sila sa Luneta magtindig lahat,” pahayag pa ni Pangulong Duterte.

Source: ABANTE

Sunday, October 15, 2017

Buhay party-list Rep. Lito Atienza "Bistek aral-aral din ng batas"


Pinayuhan ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza si Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na magbasa ng Konstitusyon bago panggigilan ang mga mambabatas na mahuhuling lumalabag sa batas-trapiko.

Nag-ugat ang usapin makaraang magbitaw ng pahayag si Bautista na sino mang maaaktuhan sa traffic violations ay dapat lamang na hulihin.

Kumpiyansa si Bautista na ang hirit ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na mabigyan ng immunity ang mga kongresista sa traffic violations ay hindi aaprubahan ng Metro Manila Council (MMC).

Binuweltahan naman ng senior deputy minority leader na si Atienza ang mga sinabi ng alkalde.

“Sabi nga ni Mayor Bautista… the law is the law. We must all respect it, tama po ‘yun. Pero hindi ko lang maintindihan mukhang hindi siya nagbabasa ng Constitution,” ayon kay Atienza sa isang panayam.

“‘Yun pong provision that members of the Se­nate and the Lower House are exempted from arrest, from offenses not punishable by not more than six years while the Congress is in session…eh ‘yun po ay provision ng Constitution… 1935 Constitution, 1973 Constitution meron po nu’n, 1987 Constitution… Section 11, Article 8… basahin naman n’ya ‘yun… provision ng Constitution ‘yan,” pagpapaliwanag ng kongresista.

Iginiit ni Atienza na tila nagpapapansin si Bautista. Umapela rin ang kongresista sa alkalde na huwag mag-grandstand sa nasabing usapin.

“Hindi pakiusap ‘yan ng sino mang congressman at hindi pakiusap ‘yan ni Majority Leader Fariñas. It’s not his desire or wish… it is a provision of the Philippine Constitution kaya huwag naman silang mag-grandstand d’yan sa isyung ‘yan,” pagdidiin ni Atienza

WATCH | Pangulong Duterte, posible umanong magdeklara ng Revolutionary Government



WATCH | Pangulong Duterte, posible umanong magdeklara ng Revolutionary Government


    

Saturday, October 14, 2017

'Yung akala mo eh matapang na Pangulo, duwag naman pala,' - De Lima

'Yung akala mo eh matapang na Pangulo, duwag naman pala,' - De Lima


Tinawag ni Senador Leila De Lima si Pangulong Duterte na duwag sa hindi pagharap nito sa mga akusasyon na nakatalaga sa kanya, lalo na ang kontrobersya na nakapalibot sa kanyang mga account sa bangko.

Sa isang sulat na binasa sa isang protesta na tinawag na "Pirma Hindi Porma" sa University of the Philippines sinabi ni De Lima na maaaring maging matigas ang Pangulo sa kanyang mga kritiko, ngunit nagiging tahimik pagdating sa kanyang mga kontrobersiya.

'Yung akala mo eh matapang na Pangulo, duwag naman pala,' -matapang na pahayag ni De Lima kay Pangulong Duterte.

Patuloy pa rin ang Senadora sa pambabatikos nito sa Pangulo, kasabay nito ang panawagan na pirmahan na nito ang bank secrecy waiver.

"Ginoong Duterte: 'Wag kang magkubli sa kasinungalingan mo. Kung talagang wala kang itinatago sa Pilipino: Pirma, hindi porma," -pahayag ni De Lima.

Iginiit nito at ng kanyang mga kaalyado na ang kasong may kinalaman sa droga na isinampa laban sakanya ay walang katotohanan. Ito ay upang patahimikin lamang ang Senadora, na pinakakilala bilang numero unong kritiko ng Pangulo.

“Kung gaano kadaldal si Duterte sa pagbibintang, pagbabanta at pananakot sa kanyang mga kritiko, ganoon naman siya katahimik sa pagsagot sa mga akusasyon laban sa kanya ng katiwalian. 'Yung akala mo eh matapang na Pangulo, duwag naman pala,”.-pahayag n De Lima 



“Duwag na pirmahan ang waiver para maisapubliko ang kanyang bank accounts, at malaman ang totoo. Duwag na tanggapin na palpak ang kanyang war on drugs na pumatay na ng mahigit 13,000 na mahihirap na Pilipino, at dinamay pa ang mga inosenteng bata. Duwag na harapin ang kanyang mga kritiko, kaya umaasa sa pambabastos at pag-iimbento ng kuwento para malihis ang atensyon ng mga Pilipino,”. -dagdag pa ni De Lima.

Matatandaan na ibinasura ng Korte Suprema kamakailan ang petisyon ni De Lima laban sa kanyang arrest order dahilan upang s'ya ay manatili sa loob ng selda. Sinabi ni De Lima na maghahain siya ng motion for reconsideration, kahit na pinasalamatan niya ang 6 na mahistrado na bumoto sa kanya.

Binatikos din nito ang Pangulo tungkol sa pag atake nito kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Carpio Morales, at Commission on Human Rights Chair Chito Gascon.

“Nasosobrahan na yata sa paglanghap ng Fentanyl itong si Duterte,” -ayon kay De Lima.

Sumunod na batikos ni De Lima sa Pangulo ay ang kanyang kamakailang mga pahayag, na ginawa sa maling pahayag nito laban sa mga Ambassador ng European Union at ng United Nations.

"Sayang ang inilobong bilyon-bilyong intel funds ng Malacañang, kung mali-maling impormasyon lang din pala ang naibubulong kay Duterte," -dagdag pa ni De Lima.

Ayon kay De Lima na ang pagpuna at mga komento laban sa kasalukuyang administrasyon ay hindi katumbas ng destabilisasyon.

“Sagutin na lang niya ang pinanggagalingan ng kritisismo, hindi puro pagmumura, pananakot at pagbabanta ang paborito niyang gawin." -pahayag ni De Lima.

Source: Rappler.com

Wednesday, October 11, 2017

Petisyon ni De Lima ibinasura ng SC


Ibinasura kahapon ng Supreme Court (SC) ang petisyon ni Sen. Leila de Lima na ipawalang-bisa ang arrest warrant na inisyu laban sa kanya ni Judge Amelita Fabros-Corpuz ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205.

Kasabay nito, ibinasura rin ng SC ang ‘prayers’ ng senadora na ma-dismiss ang kasong illegal drugs na isinampa laban sa kanya sa sala naman ni Judge Patria Manalastas-De Leon ng Muntinlupa RTC Branch 206.

Sa botong 9-6, mana­natili sa Custodial Center ng Philippine National Police si De Lima at ang Muntinlupa Regional Trial Court pa rin ang may hurisdiksyon sa kanyang mga kaso.

Nakulong si De Lima matapos isangkot sa umano’y talamak na illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang Kalihim ng Department of Justice.

Nauna nang kinuwestyon ng mga mahistrado ang pagpapasaklolo ni De Lima sa SC para sa kanyang mga kaso gayung dapat ay dumaan muna siya sa Court of Appeals at saka na lang sa high tribunal sakaling mabigo siyang makumbinsi ang appellate court na pumabor sa kanyang petisyon.

PDu30 makakabawi rin sa ratings -Ex.Pres.Gloria Arroyo



Normal lang na tumaas at bumaba ang approval ratings, ayon kay dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na bumaba ng 18 puntos ang satisfaction rating kay Pangulong ­Rodrigo Duterte.

“The rise and drop in a President’s approval ra­tings are bound to happen in the course of his/her term. It is part of the territory.

It reflects the pulse of the people at a particular time. A drop though does not mean erosion of public support but merely a sentiment on particular policies,” ayon sa pahayag ni Arroyo kahapon.

Hindi aniya tungkulin ng isang pangulo na gumawa ng puro popular na desisyon.

Sinabi pa ni Arroyo na maging siya ay nakaranas at nagkaproblema rin sa ganitong pagbaba ng ra­ting sa survey.

“During my term, I too suffered even more serious problems with my ratings, precipitated by the same kind of vicious opposition now working to bring down President Duterte,” ani Arroyo.

Naniniwala si Arroyo na makakabawi rin ang ra­tings ni Pangulong Duterte lalo pa’t isinusulong nito ang mga pagbabago na kagaya ng comprehensive tax reform, infrastructure build up, charter change at pagbangon ng Marawi City.

-Abante News Online

Tuesday, October 3, 2017

Tito Sotto itunuro ang Liberal Party sa mga Fake News

Tito Sotto itunuro ang Liberal Party sa mga Fake News



Tinukoy ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto ang Libe­ral Party na nasa likod ng fake news hinggil sa kontrobesyal na resolusyon sa Senado kaugnay sa extrajudicial killings.

Ayon kay Sotto, natukoy na ng NBI-Cybercrime Division ang mga taong nasa likod ng mga blog gayundin ang kanilang mga website na hinahawakan.

Pinangalanan ni Sotto ang isang Cocoy Dayao na direktang sangkot sa fake news na anya’y ­dating konektado sa ­Presidential Communications and ­Operations Office (PCOO) sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Dahil dito, ipatatawag aniya sa pagdinig bukas (Miyerkules) ang mga bloggers kasama ang mga nakatuklas ng mga nasa likod ng fake news na kinabibilangan ni Thin­king Pinoy.

Tiniyak ni Sotto na kakasuhan niya ang mga nasa likod ng kontro­bersyang ito lalo na kung may mga senador na mapatunayang sangkot dito.

“Libel yan, hindi ko patatawarin yan nagkamali sila. Sa dami ng titirahin nila kinana nila ako ng false na balita,” paha­yag ni Sotto.

Naniniwala rin si Sotto na posibleng bahagi ito ng destablization plot laban sa pamahalaan.

“Palagay ko dahil pa­punta kay Duterte rin un dahil pinalalabas mga sipsip kami, pinalalabas lapdog kami,” dagdag ni ­Sotto.
Hontiveros maaring expulsion ang ipataw.

Hontiveros maaring expulsion ang ipataw.

Tiwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na expulsion ang maaaring ipataw ng Senado kay Senador Risa Hontiveros kaugnay sa kanyang ethics complaint.
“Ang prayer dun either she be suspended or expelled from the senate,” pahayag ni Aguirre.
Sinabi ni Aguirre na malinaw ang pagsuway ng senador sa konstitus­yon nang kunan ng lara­wan at isapubliko nito ang kanyang pribadong mensahe.
“Yan ang pinakagrabeng ginawa ng isang senador na habang andun siya sa loob ng Senate nag-violate siya ng konstitus­yon at sinasalaula niya ang Senado nang ilang beses,” saad ni Aguirre.
Inihain kahapon ni Aguirre ang ethics complaint laban kay Hontiveros makaraan itong magsampa ng kasong pag­labag sa Anti-wiretapping Law sa Pasay City Prosecutor’s office.
Nag-ugat ang paghahain ng kaso ni Aguirre ng inilabas ni Senador Hontiveros ang larawan ng kalihim na may ka-text habang nasa loob ng Senate hearing.
Sa larawan, mababasang ka-text ni Sec. Aguirre ang isang dating Congressman Jing Paras at pinamamadali ng kalihim ang mga kaso laban kay Hontiveros.
Ayon kay Aguirre, 3 counts ng violation sa Anti-wiretapping Law ang isinampa niya laban kay senadora.
Una dito ang pagkuha ng kanyang larawan, ikalawa sa pagpapa-examine ni Hontiveros sa ilang eksperto na authentic ang larawan at cellphone ni Aguirre.
Ang ikatlo naman dahil sa pagpresenta ng senadora ng larawan sa kanyang privilege speech na napanood sa buong mundo.

Sunday, October 1, 2017

"Bawiin mo na ang paratang mo sa akin!" - De Lima sa mahal na Pangulo


Pinababawi ni Senador Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paratang nito na kurakot ang senador.

Kasunod ito ng pahayag ng Ombudsman na iniimbestigahan na nila ang sinasabing bank accounts ng punong ehekutibo.

Inihayag ni De Lima na halos isang taon na ang nakalilipas nang ipangalandakan nina Pangulong Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kanilang ibubunyag ang rekord ng Anti Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa kanyang bank transactions na umaabot sa P10 bilyon.

Gayunman, hanggang ngayon anya ay walang inilalabas ang Malacañang sa kanyang bank records at sa halip ay ang P1 bilyong yaman ng punong ehekutibo ang inilabas.

Binigyang-diin ni De Lima na mahirap pekehin ang AMLC records kung saan kung wala anyang tagong yaman ay walang mailalabas kahit pa ang Pangulo at Kalihim ng DOJ.

“Ngayon Ginoong Duterte sino kamo ang kurakot? Sana bawiin mo na ang mga pekeng paratang mo sa akin,” giit ni De Lima.

Source: Abante