"Bawiin mo na ang paratang mo sa akin!" - De Lima sa mahal na Pangulo


Pinababawi ni Senador Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paratang nito na kurakot ang senador.

Kasunod ito ng pahayag ng Ombudsman na iniimbestigahan na nila ang sinasabing bank accounts ng punong ehekutibo.

Inihayag ni De Lima na halos isang taon na ang nakalilipas nang ipangalandakan nina Pangulong Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kanilang ibubunyag ang rekord ng Anti Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa kanyang bank transactions na umaabot sa P10 bilyon.

Gayunman, hanggang ngayon anya ay walang inilalabas ang Malacañang sa kanyang bank records at sa halip ay ang P1 bilyong yaman ng punong ehekutibo ang inilabas.

Binigyang-diin ni De Lima na mahirap pekehin ang AMLC records kung saan kung wala anyang tagong yaman ay walang mailalabas kahit pa ang Pangulo at Kalihim ng DOJ.

“Ngayon Ginoong Duterte sino kamo ang kurakot? Sana bawiin mo na ang mga pekeng paratang mo sa akin,” giit ni De Lima.

Source: Abante
Previous
Next Post »
0 Komentar