Tito Sotto itunuro ang Liberal Party sa mga Fake News



Tinukoy ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto ang Libe­ral Party na nasa likod ng fake news hinggil sa kontrobesyal na resolusyon sa Senado kaugnay sa extrajudicial killings.

Ayon kay Sotto, natukoy na ng NBI-Cybercrime Division ang mga taong nasa likod ng mga blog gayundin ang kanilang mga website na hinahawakan.

Pinangalanan ni Sotto ang isang Cocoy Dayao na direktang sangkot sa fake news na anya’y ­dating konektado sa ­Presidential Communications and ­Operations Office (PCOO) sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Dahil dito, ipatatawag aniya sa pagdinig bukas (Miyerkules) ang mga bloggers kasama ang mga nakatuklas ng mga nasa likod ng fake news na kinabibilangan ni Thin­king Pinoy.

Tiniyak ni Sotto na kakasuhan niya ang mga nasa likod ng kontro­bersyang ito lalo na kung may mga senador na mapatunayang sangkot dito.

“Libel yan, hindi ko patatawarin yan nagkamali sila. Sa dami ng titirahin nila kinana nila ako ng false na balita,” paha­yag ni Sotto.

Naniniwala rin si Sotto na posibleng bahagi ito ng destablization plot laban sa pamahalaan.

“Palagay ko dahil pa­punta kay Duterte rin un dahil pinalalabas mga sipsip kami, pinalalabas lapdog kami,” dagdag ni ­Sotto.
Previous
Next Post »
0 Comment