Thursday, November 30, 2017

Plunder case, pinababasura ni Bong Revilla sa Sandigan


Muling humirit si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa Sandiganbayan na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Laman ang mga argumentong ito sa kahilingan ni Revilla, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si dating Solicitor General Estelito Mendoza, na payagan siyang mag-leave para makapaghain ng demurrer at mapalaya sa kulungan.

Sa 57-pahinang mosyon, iginiit ni Revilla sa anti-graft court First Division na base sa mga ebidensiyang nakalap ng Office of the Ombudsman, tanging ang kanyang chief of staff na si Richard Cambe at negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang magka-transaksiyon sa P224.5-million na pork barrel scam.

Inakusahan ang dating senador na tumanggap ng kickbacks sa pamamagitan ni Cambe, kapalit ng pag-endorso sa mga non-government organizations ni Napoles para sa mga proyektong pinondohan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Revilla, ang tanging responsable sa ghost projects ay si Benhur Luy at iba pang whistleblowers na nasa ilalim ng pamamahala ni Napoles.

Binigyang-diin nito na walang anumang ebidensiya na magpapatunay na sangkot siya sa scam o tumanggap ng kickbacks na sinasabing kinuha ni Cambe para sa kanya.

Matatandaang sa pagtestigo ni Leigh Von Santos, bank officer ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ay kinumpirma nitong may P87.6 milyon na mga deposito sa bank accounts ng pamilya Revilla mula 2006 hanggang 2010 na ginawa sa loob ng 30 araw mula sa mga petsa kung kailan tinanggap umano ng dating senador ang mga komisyon base sa nakalista sa ledger ni Luy.

Pero sagot ni Revilla, walang naging hakbang ang AMLC para hilingin sa Court of Appeals na i-freeze ang bank accounts niya o kanilang pamilya patunay na walang kahina-hinala sa mga deposito.

Source: ABANTE

Paggamit ng dengue vaccine, delikado


“Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had a prior infection. For those not previously infected by dengue virus, however…more cases of the severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection,” ayon sa statement na ipinalabas ng Sanofi Pasteur, ang maker ng nasabing dengue vaccine na Dengvaxia.

Inamin ng manufacturer ng kauna-unahang dengue vaccine sa mundo na nakakasama ang paggamit nito lalo na sa mga taong hindi pa naman tinamaan ng dengue.

Naalarma naman si Newly appointed Health Secretary Fransisco Duque sa pahayag na ito ng Sanofi Pasteur at agad na inatasan ang Dengue Technical and Management Committee na makipagpulong sa mga expert para malaman kung ang dapat nilang susunod na aksiyon tungkol dito.

“The safety of the children vaccinated is paramount, and the Health Department will need to do surveillance of those given Dengvaxia with no prior infection. It’s really a big task,” ani.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa Asya na nag-apruba sa paggamit ng dengue vaccine para sa edad na 9 hanggang 45 anyos noong 2015.

Bumili pa ang gobyerno ng P3 bilyong halaga ng Dengvaxia para sa bakuna ng halos isang milyong mag-aaral sa mga pampublic paaraan sa bansa na may mataas na bilang ng dengue.

Pinakamaraming naturukan ay mga mag-aaral as National Capital Region, Region 3, at Region 4A. Ang vaccine ay ginawa ng 3 beses kada anim na buwan simula noong 2016.

Ngayon pa lang inamin ng Sanofi Pasteur ang Dengvaxia ay hindi dapat gamitin sa mga taong hindi tinatamaan ng dengue.

Source: ABANTE

Leni naitsa-puwera sa Bonifacio Day celebration


Mistulang na-out of place si Vice President Leni Robredo sa selebrasyon ng Bonifacio Day kanina sa Monumento, Caloocan City dahil hindi ito pinaakyat sa entablado.
Agad na dumepensa naman si Presidential Spokesman Harry Roque at sinabing may opisyal na kinatawan si Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na okasyon.
Hindi nakadalo kahapon ang Pangulo at humalili sa kanya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na siyang nag-alay ng bulaklak kasama si Mayor Oscar Malapitan sa rebulto ni Bonifacio.
“May official representative si Pangulong Duterte” ang maikling sagot ni Roque.
Batay sa orihinal na schedule, si Roque sana ang dadalo at maging kinatawan ni Pangulong Duterte, subalit napuyat ito dahil late na nakabalik ng Metro Manila mula sa biyahe sa Sual, Pangasinan noong Miyerkules.
Kasama ang kalihim na dumalo sa send-off ceremony sa limang mangingisdang Vietnamese pabalik ng sa kanilang bansa.
Walang inilabas na official schedule ang Pangulo sa selebrasyon ng Bonifacio Day.
Source: ABANTE

Monday, November 27, 2017

Noynoy sinisisi si Gloria sa kapalpakan ng MRT-3



Isinisi ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kay dating dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang palpak na serbisyo ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Sabi ni Aquino, hindi umano pinabayaan ni Arroyo ang MRT-3 hindi sana nagdurusa ang libo-libong Pinoy na sumasakay dito araw-araw.
Ayon sa dating pangulo, noong 2008 ay nakaiskedyul sa overhaul ang MRT subalit hindi ito ginawa kaya’t lumala ang problema ng mga ten.

“Natandaan ko mayroon dapat nangyaring overhaul diyan sa MRT. Alam mo pag overhaul hindi tune up tune up lang major yung pag-aayos. Ang tanda ko 2008 hindi ginawa yun, parang malaki nang sabihin na minor overhaul pero masasabing halos walang ginawa,” pahayag ni Aquino sa isang ambush interview nang dumalaw sa puntod ng amang si dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park.

“So yung lifespan na dapat inabot ng MRT, na curtail nabawasan dahil hindi ginawa yung overhaul at that time,” dagdag pa nito.

Binanggit pa ng dating pangulo na hindi kakasya sa isang ‘sentence’ lang ang problemang dinatnan niya sa MRT nang maupo ito sa puwesto noong Hunyo 2010 dahil ginawang kumplikado ng dating administrasyon ang pamamahala sa tren.

Nang makipagnegosasyon umano ang Sumitomo para sa maintenance ng MRT, humirit sila ng malaking presyo at wala pang warranty dahil sa bugbog na ang tren

“Dumating yung punto na sinabi ng Sumitomo na ‘alam nyo sobra ang pagamit dito sa MRT, luma na yung signaling sytem etc so kung itutuloy namin yung maintenance nito kailangan naming taasan ang presyo at pagkatapos namin tinaasan ang presyo dahil sobra sobra ang paggamit nyo din a rin namin kayo bibigyan ng warranty, ’”kuwento ng dating pangulo hinggil sa dinatnan niyang problema sa MRT.

Isinisisi ng mga kapanalig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating kalihim ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang problema ngayon ng MRT.

Naghain pa ng plunder case sa Ombudsman ang Department of Transportation (DOTr) laban sa siyam na miyembro ng gabinete ni Aquino dahil sa umano’y maanomalyang kontrata sa Busan Universal Rail Inc.(BURI), ang sinipang maintenance contractor ng MRT-3. (Tonite Reportorial Team)

News by: Abante News Online

Sunday, November 26, 2017

Vitaliano Aguirre II tetestigo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Tatayong testigo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa impeachment proceedings laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House justice committee chairman Reynaldo Umali, haharap si Aguirre sa pagdinig sa Martes.

“Nagpasabi si Secretary Vit Aguirre na sa Martes pa siya available kaya ini-move na rin namin ang kaniyang testimonya,” sabi ni Umali.

Tetestigo ang kalihim sa alegasyong minanipula umano at inupuan ni Sereno ang kahilingan ng DOJ na mailipat ang mga kaso ng mga miyembro ng teroristang Maute sa labas ng Mindanao dahil sa isyu ng seguridad.

Base sa akusasyon ng complainant na si Atty. Larry Gadon, sumulat si Aguirre kay Sereno para hilihinging mailipat ang paglilitis sa Maute suspects sa Luzon o sa Visayas, pero inilipat lamang ito sa Cagayan de Oro City.

Kinailangan pa umanong sumulat ulit ng kalihim para sabihing masyadong malapit ang CDO sa Marawi at humirit na sa Taguig City na lamang ikulong ang mga ito.

Sa puntong ito pa lamang anya pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng DOJ kaya nailipat ang mga miyembro ng Maute sa Metro Manila.

Saturday, November 25, 2017

Jean Garcia on death penalty: Kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay,tumino ka!


Ayon sa ulat ng pep.ph pabor ang aktres na si Jean Garcia sa panukalang-batas na ibalik ang death penalty sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Jean kung bakit ganito ang opinyon niya.

Saad niya, “Honestly, yeah, yes!

“A, depende, ayoko masyado… pero ibig kong sabihin, yung grabe talaga na mga... iyon, sa drugs, killer…

“Kasi ako, ang feeling ko kasi, kailangan na talaga ng disiplina, kailangan ng takot ng tao, kailangan marunong tayong matakot.

“Kasi hindi naman tayo ano, maski mga bata ngayon, alam ang tama at mali, di ba?

“Para magkaroon ng disiplina, mas maging safe ang country natin, di ba?

“Mas makakalakad na tayo sa kalye nang hindi tayo natatakot.

“Di ba, pag nasa Japan ka, lakad ka lang. Taipei, ganun rin.

“Kahit mag-isa ka, lakad ka, punta ka ng 711, punta ka ng ano… very safe, kahit madaling-araw, di ba?

“And we want that for our country, di ba?”

Patuloy ni Jean, “Especially, like ako, nanay ako, meron akong mga anak, gusto ko safe ang mga bata.

“So, ang sa akin, pag gumawa ka ng katarantaduhan, pagdusahan mo.

“Ngayon, kung ayaw mo ng death penalty, ayaw mong mabitay or whatever, tumino ka!

“Gumawa ka ng tama, di ba?”

Ayon pa sa aktres, “So, nasa sa tao yun.

“Hindi naman yung kasi gobyerno or kasi iyon yung opinyon ko, it’s not that, e. It’s you want to have a safe country, di ba?

“Tsaka magkakaroon din yun ng effect din sa bawat isa kung lahat tayo disiplinado.”

Ano naman ang masasabi niya na ang mga krimen lang na may kinalaman sa drugs ang kasama sa death penalty, pero ang rape ay hindi?

Saad ni Jean, “Yun na nga actually, ako, yung rape dapat kasama.

“Kasi, unang-una… sorry ha, hindi ako nagmamarunong, ako opinyon ko lang po ito, maraming hindi mag-a-agree sa akin, wala naman din akong pakialam dahil opinyon ko yun, di ba?

“Hindi ko naman sinabing maging opinyon nila, so opinyon ko lang.

“Kasi, bakit ba may mga rape victims, bakit ba may mga nangre-rape?

“Drugs din, di ba? O, di pareho. E, di bitayin na rin ‘yang mga ‘yan! Di ba?

“Yun lang naman yung sa akin, opinyon ko lang po ‘yan.”

Pangulong Duterte pinarangalan ng San Beda, First Scout Ranger Regiment


Binigyan ng pagkilala ng kanyang alma mater si Pangulong Rodrigo Duterte bilang “Bedan of the Year” sa San Beda Law Alumni Homecoming sa The Peninsula sa Makati City.

Sa kanyang naging talumpati, hinikayat nito ang kanyang kapwa mga alumni na maging kabalikat ng mga Pinoy para sa pagbabago at pag-unlad.

“Together, let us join hands with the Filipino nation in leading the way for change and progress,” aniya.

Nakapagtapos ng kanyang kolehiyo si Duterte sa San Beda College of Law, taong 1972.

Kaugnay nito, binigyan din ng Honorary Scout Ranger Badge ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) ang Pangulo bilang pagkilala sa pagpapamalas nito ng suporta sa special operations command unit ng Philippine Army (PA) na ginanap sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan sa 67th Founding Anniversary ng FSRR.

Ang tsapa ay ibinigay ni FSRR commander Brigadier General Rene Glen Paje sa Commander-in-Chief, na dumating na naka-uniporme ng Scout Ranger.

“For invaluable support extended to the First Scout Ranger Regiment, President Duterte on many occasions manifested great concern for the welfare of Scout Rangers and inspired its officers and men to their mission,” ayon sa binasang pahayag.

Sa kanyang talumpati, sinabi naman ni Duterte na suportado niya ang tropa ng mga sundalo sa pagdepensa sa bansa laban sa mga banta tulad ng terorismo.

“Our people depend on the military and the government to give them the stable, orderly and prosperous nation that they desired for so long,” aniya.

Friday, November 24, 2017

Pangulong Duterte Ipapaaresto si Jose Maria Sison kapag nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas


Ipapaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kapag nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas mula sa The Netherlands.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa annual homecoming ng San Beda College of Law na ginanap sa isang hotel sa Makati City noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na kasamang aarestuhin ang mga lider komunista na pansamantalang pinalaya tulad ng mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na kasama sa mga nakipag-usap sa mga negosyador ng gobyerno noong bukas pa ang peace talks.

Pero pinayuhan ng Pangulo si Sison na mas mabuting huwag na siyang bumalik sa Pilipinas dahil matanda na ito at may karamdaman pa.

Ayon sa Pangulo, walang pinakamasakit kundi ang mamatay sa dayuhang lugar at hindi man lang makatuntong sa sariling bayan.

“If Joma comes here, I will arrest him or if I were him, huwag na siya bumalik dito. Better still, I will not allow him to enter his native land and that is a very painful experience especially if you are dying and you think you should be buried in your own cemetery, in your own town,” ang pahayag ng Pangulo.

Tiniyak ng Presidente na hahabulin at kakasuhan ang mga komunista batay sa mga krimen na kanilang ginawa sa bayan at sa mamamayan batay sa ilalabas na proklamasyon na magdedeklara sa CPP-NPA na mga terorista.

Nauna rito, inilabas ng Pangulo ang Proclamation 360 na nagdedeklarang tinapos na nito ang pakikipag-usap at negosasyon sa kilusang komunista.

Source: ABANTE

Thursday, November 23, 2017

Noynoy Aquino at 2 iba pa iimbestigahan sa maanomalyang DAP, PDAF


Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation na imbestigahan si dating Pangulong Benigno Aquino III at dalawang dating opisyal nito kaugnay ng kuwestiyonableng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang imbestigasyon ay mula sa reklamo na inihain ng Coalition for Investigation and Prosecution na pinamumunuan ni Greco Belgica.

“The NBI, through Director Dante A. Gierran, is hereby directed and granted authority to investigate the complaint filed by Coalition for Investigation and Prosecution represented by Greco Belgica, et al. against former President Benigno Aquino III et al. for malversation,” ayon sa department order 749 na inilabas kanina ng DOJ.

Inatasan ni Aquirre si Gierran na bumuo ng special task force na magsisiyasat sa reklamo at isusumite ang reports kay Justice Undersecretary Antonio T. Kho Jr.

Layunin ng imbestigasyon na magsagawa ng case build up laban sa mga sangkot sa PDAF at DAP scam.

Nauna nang tinukoy ni Aguirre na hindi naman lahat ng mga nabunyag sa pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) ay naipagharap ng kaso.

Source: ABANTE

Wednesday, November 22, 2017

DOTr Usec. Cesar Chavez, nag-resign sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng MRT-3.


Department of Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez has tendered his "irrevocable" resignation amid problems hounding the Metro Rail Transit system.

In his resignation letter to President Rodrigo Duterte dated November 23, Chavez said that he is quitting his post to give an "opportunity for the appointment of person better qualified to perform the duties and responsibilities of the subject office."


Source: GMA

Monday, November 20, 2017

9 na gabinete ni Noynoy Aquino, kinasuhan ng plunder ng Department of Transportation (DOTr)


Sinampahan ng Department of Transportation (DOTr) kanina ng reklamong plunder sa Office of the Ombudsman ang siyam na opisyal ni dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng maanomalyang kontrata sa maitenance ng (MRT3).
Ang mga ipinagharap ng reklamo ay sina dating Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya at former Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na naging DOTC chief bago pinalitan ni Abaya.
Kasama din sa reklamo sina dating Budget and Management secretary Florencio Abad, dating Finance secretary Cesar Purisima, dating Energy secretary Jericho Petilla, dating Science and Technology chief Mario Montejo, dating Defense secretary Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways secretary Rogelio Singson, at former National Development and Economic Administration secretary Arsenio Balicasan.
Ang iba pang isinama sa reklamo ay sina dating DOTC undersecretaries Edwin Lopez, Rene Limcaoco, at Catherine Gonzales.
Isinama din charge sheet sina ang isang Marlo dela Cruz, bids and awards committee members, at mga opisyal ng dating MRT3 maintenance contractor, Busan Universal Rail Inc. (BURI).
Ito ang pangatlong reklamong inihain laban kay Abaya sa Ombudsman kasama ang BURI.
Source: ABANTE

Saturday, November 18, 2017

Pangulo Rodrigo Duterte Binantaan ang (NPA) New Peoples Army at tinawag na patay gutom dahil sa patuloy na pamemerwisyo sa mamamayan


Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New Peoples Army at tinawag na mga patay gutom ang mga ito dahil sa patuloy na pamemerwisyo sa mamamayan.
Hindi maitago ng Pangulo ang ngitngit sa mga rebeldeng komunista dahil sa patuloy na opensibang ginagawa laban sa puwersa ng gobyerno at pamemerwisyo sa mga tao at mga negosyo.
Sinabi ni Pangulong Duterte na kaya mahal ang bilihin ay dahil sa ginagawang nagongotong ng mga NPA sa mga magsasaka at mga negosyo kaya para makabawi sa pagkalugi ay ikinakarga sa mga tao.
Isa aniyang malaking kalokohan ang palusot ng mga NPA na para sa mga mamamayan ang kanilang ipinaglalaban kaya ayaw na niyang makipag-usap sa mga ito.
“Pretenting to be …speaking for the people, iyong mga quasi ano ninyo diyan, legitimate kunwari and yet you are continuing the depredations, putting industries down and making it hard for the people to make a living. Mahal ang pagkain kasi kayo nga humihingi pa. Mga patay gutom bakit hindi kayo magtrabaho?” ang pahayag ng Pangulo.
Hindi rin pinalagpas ng Punong Ehekutibo ang huling insidente ng opensiba ng mga NPA kung saan napatay ang isang apat na buwang bata kayat mag-iisyu aniya ito ng proklamasyon at ihahanay ang mga ito sa kategorya ng mga terorista gaya ng ginawa ng Amerika.
Source: ABANTE

Friday, November 17, 2017

RENATO REYES NABUNYAG ANG NAPAKALAKI NIYANG ARI-ARIAN ALAMIN MO DITO!



SALN stands for Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. It is a declaration of assets (i.e., land, vehicles, etc) and liabilities (i.e., loans, debts, etc), including business and financial interests, of an official/employee, of his or her spouse, and of his or her unmarried children under 18 years old still living in their parents’ households. The submission of a SALN is required by law under Article XI Section 17 of the 1987 Constitution and Section 8 of Republic Act No. 6713, the “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” It includes a waiver authorizing the Ombudsman or his authorized representatives to attain documents that may show assets, liabilities, net worth, business interests, and financial connections from all appropriate government agencies.
All public officials and employees, whether regular or under temporary status, are required to file a SALN.
Art. XI Sec. 17 of the 1987 Philippine Constitution
“A public officer or employee shall, upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth.
“In the case of the President, the Vice-President, the Members of the Cabinet, the Congress, the Supreme Court, the Constitutional Commissions and other constitutional offices, and officers of the armed forces with general or flag rank, the declaration shall be disclosed to the public in the manner provided by law.”
Administrative Code of 1987, Book 1, Chapter 9, Sec. 34
“A public officer or employee shall upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth.”
RA 6713, Sec. 8
“Statements and Disclosure — Public officials and employees have an obligation to accomplish and submit declarations under oath of, and the public has the right to know, their assets, liabilities, net worth and financial and business interests including those of their spouses and of unmarried children under eighteen (18) years of age living in their households.”
Public officials and employees under temporary status are also required to file under oath their SALNs and Disclosure of Business Interests and Financial Connections in accordance with the guidelines provided under these rules.
According to our source, this is Renato Reyes’ latest SALN based on what he submitted to Ombudsman last Aquino Administration.

KIND ASSESSED VALUE CURRENT MARKET VALUE
LAND P52,410 P5.1M
HOUSE P16,870 P2M
MOTOR VEHICLES P1.1M
CASH AND INVESTMENTS 2.7M


 
MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) units filed a case against former Bayan Muna representative Teddy Casiño, Bayan secretary general Renato Reyes, and protester Neil Legaspi over a rally during the 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
The Manila Police District (MPD) announced on Tuesday, November 14, that the case was filed before the Manila City Prosecutor the previous day.
The complainants include the MPD, the PNP Metro Manila Public Safety Battalion, and the Northern Criminal Investigation and Detection Group.
According to the police complaint, Casiño, Reyes, and Legaspi allegedly violated the Public Assembly Act of 1985 by committing breach of peace, assault, and disobedience and resistance to authorities.
Legaspi was captured last Sunday, November 12, during a rally along United Nations Avenue corner Mabini Street in Manila. The demonstration was meant to oppose the visit of United States President Donald Trump, one of the world leaders who came to the Philippines for the ASEAN Summit.
The police earlier claimed that Legaspi was arrested for throwing stones at cops. (READ: 20 cops or 20 protesters injured? Even claims clash in ASEAN protests)
In their complaint, however, police gave a different reason for arresting Legaspi.
According to the complaint, Legaspi was indeed driving a van, as protesters claimed. Legaspi, according to cops, “bumped” and “ran back and forth” towards the police line, barring them from moving beyond their designated area.
Senior Superintendent Lemuel Obon, the battalion commander at the time, supposedly ordered him to stop.

MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) units filed a case against former Bayan Muna representative Teddy Casiño, Bayan secretary general Renato Reyes, and protester Neil Legaspi over a rally during the 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

The Manila Police District (MPD) announced on Tuesday, November 14, that the case was filed before the Manila City Prosecutor the previous day.


The complainants include the MPD, the PNP Metro Manila Public Safety Battalion, and the Northern Criminal Investigation and Detection Group.

According to the police complaint, Casiño, Reyes, and Legaspi allegedly violated the Public Assembly Act of 1985 by committing breach of peace, assault, and disobedience and resistance to authorities.

Legaspi was captured last Sunday, November 12, during a rally along United Nations Avenue corner Mabini Street in Manila. The demonstration was meant to oppose the visit of United States President Donald Trump, one of the world leaders who came to the Philippines for the ASEAN Summit.

The police earlier claimed that Legaspi was arrested for throwing stones at cops. (READ: 20 cops or 20 protesters injured? Even claims clash in ASEAN protests)

In their complaint, however, police gave a different reason for arresting Legaspi.

According to the complaint, Legaspi was indeed driving a van, as protesters claimed. Legaspi, according to cops, “bumped” and “ran back and forth” towards the police line, barring them from moving beyond their designated area.

Senior Superintendent Lemuel Obon, the battalion commander at the time, supposedly ordered him to stop.

Thursday, November 16, 2017

Watch: GOOD NEWS!!! Japan, Nag-Donate Ng 40 SUVs Para Sa PNP!


Nagbigay ang pamahalaan ng Japan ng 40 na sports utility vehicles (SUV) sa Philippine National Police (PNP). Nobyembre 10 para raw naibigay ang mga sasakyan na nagsilbing patrol vehicles sa ASEAN summit. Ang (NCRPO) raw ang nabigyan ng 30 SUV, 4 naman ang naibigay sa Highway Patrol Group (HPG), 3 sa police security protection office at 3 din sa kapulisan natin sa Mindanao.




Ayon sa ulat ng PTV, ang modelo ng mga SUVs ay Mitsubishi Montero, ngunit sa ilang larawan ay makikita rin na may mga Mitsubishi Strada pick-up trucks. Ang mga nasabing modelo na ito ay maaasahan dahil kilala sa pagiging matibay ang Montero at Strada ng Mitsubishi. Ikinatuwa naman ng mga kababayan natin ang kabutihang loob ng Japan sa Pilipinas. Basahin ang mga reaksyon ng mga netizens sa balitang ito.

Maria Isabel Lopez, naiihi raw kaya niya napasok ang ASEAN lanes


Sa pagharap niya sa Land Transportation Office (LTO), ipinaliwanag ng aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez na naiihi siya at kailangan na niyang magbanyo kaya napilitan siyang pasukin ang ASEAN lanes noong nakaraang Sabado ng gabi.


Nagtungo ang aktres sa LTO para sagutin ang show cause order ng ahensiya kung bakit hindi dapat sususpindihin o kakanselahin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho dahil sa ginawang paglabag sa patakaran na huwag gumamit ng ASEAN lanes sa South bound ng Edsa-Mandaluyong noong Sabado.

Ipinaliwanag ni Isabel na naiihi na siya at matindi ang bigat sa dalay ng trapiko nang sandaling iyon kaya napasok niya ang ASEAN lanes.

Hihintayin daw muna ng LTO na isumite ni Isabel ang written position letter at saka magdedesisyon ang Assistant Secretary Edgar Galvante kung sususpendihin o kakanselahin ang lisensya ng aktres base sa probisyon ng Republic Act 4136 at Section 27 ng Batas Pambansa.

Maari din umanong pagmultahin ng tig-P1,000 si Isabel dahil sa reckless driving at disregarding traffic sign nang magtanggal ng traffic cone sa Edsa .

Maaari umanong pagmultahin ang aktres ng P3,000 dahil sa paglabag sa anti-distracted driving act nang kunan pa ng video at ipost sa social media ang kanyang pagmamaneho sa ASEAN lane.

Umaasa naman ang aktres na ikokonsidera ng LTO ang malinis daw niyang record sa pagmamaneho dahil hindi raw siya lumabag sa anumang traffic rules.

Kasabay nito, nakiusap siya sa mga basher na huwag nang idamay ang kaniyang anak.
Source: GMA

WATCH: GOOD NEWS!!! President Rodrigo Duterte Binansagang Pinakamagaling na Presidente sa buong mundo ayon sa Foreign Media


Wednesday, November 15, 2017

Cynthia Villar buwisit na kay Trudeau: Ipahakot mo ang basura n’yo!


Puro lang umano gimik at walang solusyon si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa itinapon nilang basura sa Pilipinas.

Ito ang mensahe ni Senadora Cynthia Villar kay Prime Minister Justin Trudeau na nakadalawang beses nang bumisita sa bansa pero wala pang solusyon sa basurang itinapon dito ng isang kumpanyang Canadian noon pang 2013.

Nainis si Villar dahil sinabi ni Trudeau sa isang news conference dito noong Martes na isyu pa kung sino ang gagastos sa paghakot ng basura pabalik sa kanilang bansa dahil pribadong kumpanya ang nagpadala nito sa Pilipinas.

Idiniin ng senadora na mayamang bansa ang Canada at kayang-kaya nilang gastusan ang paghakot ng basura.

“Ibalik na lang niya yung basura. Maraming gimik-gimik. Ang yaman-yaman nila e, kunin na lang nila pabalik, di ba?” Pahayag ni Villar.

Source: ABANTE

DE LIMA " PAPEL NI GLORIA ARROYO SA ASEAN SUMMIT, LABAG SA PROTOCOL"


Tinuligsa ni Senadora Leila de Lima ang pagkakaroon ng malaking papel ni Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa idinaos na ASEAN Summit.

Malaki umano itong paglabag sa protocol dahil isinali ng mga ASEAN summit organizers si Arroyo habang hindi kasama sa mga programa si Vice President Leni Robredo.

Si Arroyo ang nagsilbing host sa welcome ceremonies para sa mga delegado sa ASEAN Summit na dumating noong Linggo kung saan dumalo sina Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.

Nagtalumpati rin si Arroyo sa ASEAN Business and Investment Summit kung saan pinuri niya nang husto ang China na maituturing daw na “new world leader.”

Sinabi ni De Lima na si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at mga organizer lang ang makakaintindi kung bakit ganito ang naging sitwasyon.

Samantala, siya na rin ang nagsabi na ipinakikita ng mga pangyayari na malakas si Arroyo sa administrasyon dahil tumulong sa pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumida rin umano si Arroyo dahil pareho sila ng Pangulo na may kompromiso sa China.

Inungkat nito ang NBN ZTE deal, ang Manila-Clark railway project at joint oil exploration project sa Spratlys -mga kontrata noong Arroyo administration na ipinatigil dahil binalot ng kontrobersya at katiwalian.

Nagbabala si De Lima na maaring matuloy ang mga ito at isama sa “build, build, build”program ng administrasyon kaya maari nitong ibaon ang bansa sa utang sa China.

“Loaning our future to China, as avidly endorsed by Duterte and Arroyo, is not the way forward. It is the path to national suicide.” Diin ni De Lima.

Source: ABANTE

Sunday, November 12, 2017

Pilipinas ‘open’ sa pagiging negosyador ni Trump sa South China Sea o West Philippine Sea.


Nagpasalamat si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa alok ni US President Donald Trump na magsilbing tagapamagitan sa mga bansang nag-aagawan sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sinabi ni Cayetano na napakabuti ng alok ni Trump dahil kilala ito na mahusay na tagapamgagitan at master ng kasunduan.

“We thank him for it. It’s a very kind and generous offer because he is a good mediator, he is the master of the art of the deal,” ani Cayetano.

Pero hindi aniya maaring basta payagan ng Pilipinas na maging negosyador si Trump dahil hindi lang ang Pilipinas ang naghahabol sa South China Sea.

Nag-aangkin din sa mayamang teritoryo ang Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan.

“But of course, the claimant countries have to answer as a group or individually and not one country can just give an instant reply because mediation involves all claimants and non-claimants,” paliwanag ni Cayetano

Ang alok ni trump na maging mediator ay ginawa sa pagdalo niya sa APEC Summit sa Vietnam na mahigpit na kabanggaan ng China sa West Philippine Sea.

Sa ngayon, ayon kay Cayetano, may malaki nang hakbang ukol sa South China Sea dahil maayos ang ugnayan ng Pilipinas at China habang mag-uumpisa na ang negosasyon sa susunod na taon para sa pagbuo ng Code of Conduct na paiiralin sa pinag-aagawang teritoryo.

Idiniin na nananatili ang problema bagaman hindi na kasing tindi gaya ng dati kaya kailangang mag-usap lalo na hindi na makakaya ng bansa at ng buong mundo na magkaroon ng giyera.

“The world cannot afford a bigger war, a new war, not even a cold war. So the Code of Conduct is very important,” dagdag ng kalihim.

Source: ABANTE

Friday, November 10, 2017

Noynoy, Erap, Gloria taob lahat kay President Duterte


Ikinagalak ng Malacañang ang positibong pulso ng publiko sa resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan pinakamataas pa rin ang nakuhang marka ni Pangulong Rodrigo Duterte sa trust at approval rating kumpara sa tatlong dating pangulo ng bansa.

Batay sa inilabas na Comparative Performance and Trust Ra­tings of Presidents ng Pulse Asia, si Pangulong Duterte ang may pinakamataas na nakuhang puntos sa kanyang approval rating na 80% at trust rating na 80%.

Ibinase ang paghahambing simula May 1999 hanggang September 2017 mula sa administrasyon nina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na natutuwa sila sa pananaw at suporta ng publiko kay Pangulong Duterte at malugod niyang tinatanggap ito.

Gayonman, sinabi ni Roque na ano man ang maging resulta ng survey ay magpapatuloy ang Pangulo at ang kanyang gabinete sa kanilang trabaho para maitaguyod ang interes ng samba­yanang Filipino.

“We are pleased with the people’s verdict gi­ving President Rodrigo Roa Duterte 80% approval rating and 80% trust rating – the highest since the time of former President Joseph Ejercito Estrada.

The President accepts this public appreciation with all humility, but regardless of survey results, PRRD and the members of his Cabinet would continue to work and advance public inte­rests and build, as he said in numerous occasions, a nation worthy of the Filipinos,” ayon pa kay Roque.

Source: ABANTE

Tuesday, November 7, 2017

Kakasuhan ng libel ni Trillanes si RJ Nieto ng Thinking Pinoy,


Puntirya ni Senador Antonio Trillanes IV na maipakulong para sa kasong libelo ang Thinking Pinoy blogger na si RJ Nieto.

Ayon kay Trillanes, kakasuhan niya si Nieto dahil sa pagpapakalat ng fake news na tinawag siya ni US President Donald Trump na “little narco.”

Malaking kasinungalingan aniya ang ipinamalita ni Nieto at ng iba pang kolumnista na gumaya sa sinulat nito.

“Ipini-prepare nang abogado ko yung libel case. Kakasuhan naming siya ng libel. Nagkalat siya ng fake news na tinawag daw ako ni President Trump na little narco. Maliwanag na sa US government website on presidential pronouncements and interviews, wala talaga doon,” diin ni Trillanes.

“Kasinungalingan talaga ‘yan. It’s a propaganda operation na sasalubungin ko,” dagdag ng senador.
Hindi mapalagpas ni Trillanes ang paninira ni Nieto na aniya ay masamang tao dahil humihikayat na kuyugin ng publiko ang mga lehitimong mamamahayag.

“Itong si RJ Nieto, evil talaga. Nag-eencourage ng lynch mob mentality. Kapag anti-Duterte ang report, titirahin ang reporter,” ani Trillanes.

Kakasuhan din ni Trillanes ang kolumnista ng Manila Times na si Yen Makabenta dahil nagsulat din na tinawag siyang little narco ni Trump.

Kasama rin sana sa kanyang kakasuhan dahil nagkaroon din ng ganung artikulo ang beteranong mamamahayag na si Al Pedroche ng Philippine Star pero hindi na ito tutuluyan dahil humingi ng paumanhin at umamin na fake news ang report ukol sa sinabi umano ni Trump laban kay Trillanes.

Source: ABANTE

Sunday, November 5, 2017

Militanteng grupo, tutol sa pagbisita ni Trump sa Pilipinas


Malalagay umano sa kapahamakan ang Pilipinas sa nakatakdang pagdalaw sa bansa ni US President Donald Trump bilang bahagi ng kanyang Asian tour at pagdalo sa ASEAN Summit.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, ngayon pa lamang ay matingkad na ang pag-alma ng mga samahan at kilusan sa ilalim ng Bayan dahil sa makakaladkad lamang ang bansa sa hidwaan ng Estados Unidos at North Korea.
Dahil dito, gagamitin ng mga militanteng grupo sa kanilang kampanya ang #bantrumpPH bilang pagpapahayag ng pagtutol sa pagtungo sa bansa ni Trump at laban sa mga dikta nito sa bansa.
Wala aniyang kalaban-laban ang mga Pinoy sakaling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Amerika at ng North Korea.
Tinuran pa ni ka Reyes na hindi malayong magtayo muli ng mga military base camp ang Amerika sa bansa kapalit ng tulong sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at suporta sa kampanya ng Duterte government laban sa iligal na droga.
Source: ABANTE

Biyahe ni Jinggoy sa Singapore hinarang


Tutol ang proseku­­s­yon sa mosyon na inihain ni dating Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makapagbiyahe para samahan ang kanyang amang si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada patungong Singapore para kanyang medical treatment.

Inihayag ito ni Assistant Special Prosecutor Peter Jodd Boco sa pagdinig ng 5th Division ng Sandiganbayan sa mosyon ni Estrada na hindi naman dumalo sa pagdinig kahapon.

Binigyan ng anti-graft court ang prosekusyon ng limang araw para ihain ang kanilang written opposition.

Sa tatlong pahinang mosyon ng dating senador, hiniling nitong payagan siyang makapagbiyahe mula sa Nobyembre 11 hanggang 20 ng taong kasalukuyan.

Nakasaad sa mosyon na nakakuha umano ng appointment ang ama ng dating senador kay Dr. Premkumar Pillay, isang practicing neurosurgeon sa Singapore Brain-Spine Nerves Center sa Mount Elizabeth Hospital para sa kanyang medical exa­mination at posibleng surgery.

Kinakailangan ng batang Estrada na hu­mingi ng permiso sa pag­lalakbay sa labas ng bansa dahil sa nakabinbin nitong plunder at graft case.

Noong Setyembre lang ito nakapagpiyansa matapos ang tatlong taon na pagkakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

Source: ABANTE

KARMA! CONCHITA MAIIMPEACH NA! VACC INIHAHANDA NA ANG MGA EBIDENSYA. PAMILYA NG SAFF 44 HUMIHINGI NG KATARUNGAN. PANOOIN


      

Saturday, November 4, 2017

Walang sukuan! De Lima humirit ulit sa SC


Muling nakiusap si Senador Leila de Lima sa Supreme Court (SC) kahapon na payagan siyang makalaya kasabay ng panalangin na sana ay huwag umanong hayaan ng mga mahistrado na paikutin ng mapang-abusong administrasyon ang sangay ng hudikatura.

Sa 24-pahinang motion for reconsideration, hiniling ni de Lima sa SC na ikonsidera ang nauna niyang petisyon na ipawalang-bisa ang inisyung warrant of arrest laban sa kanya ng Muntinlupa regional trial court kaugnay sa mga kaso ng iligal na droga.

Giit ng senadora, dapat lang siyang makalaya dahil kahit ang mga mahistrado ng SC ay hindi magkasundo kung ano ang dahilan ng mga paratang sa kanya.


“If the members of the majority could not even agree on the nature of the accusation reflected in the Information, such fact is an objective indicator that respondent judge could not possibly have had probable cause to issue the warrant of arrest against petitioner,” katuwiran ng senadora sa kanyang mosyon.

Sa botong 9-6 noong Oktubre 10, ibinasura ng SC ang petisyon ni de Lima na humihiling na ipawalang-saysay ang arrest warrant na ipinalabas ni Muntinlupa City RTC branch 204 Judge Juanita Guerrero.

Nanindigan ang SC na may hurisdiksyon ang mababang korte upang dinggin ang kaso ng nakakulong na senadora sa iligal na droga noong siya ang kalihim ng Department of Justice (DoJ).

Samantala, aminado si De Lima na naalarma siya sa takbo ng kanyang kaso dahil sa nakikita niyang pagpayag umano ng Mataas na Korte na maging instrumento ng kawalang katarungan.

Source: ABANTE