Saturday, December 30, 2017

NPA, target pabagsakin si Pangulong Duterte sa 2018


Target ng Communist Party of the Philippines (CPP) na pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2018.

Sa ika-49 anibersaryo ng CPP, ikinasa ng New People’s Army (NPA) ang maigting na opensiba laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Pinatutugis din ng komunistang grupo ang mga tiwaling opisyal at umano’y “death squad” ng rehimeng Duterte.

Maliban dito, target din ng CPP na maitayo ang pinakamalawak na unyon para maialis ang US-Duterte regime at ang umano’y fascist terror nito.

Nagbabala rin ang komunistang grupo ang mas maraming kilos-protesta sa susunod na taon.

Source: RMN

P40 milyong halaga ng imported na smuggled na alak, nasabat sa Subic


Aabot sa apatnapung milyong pisong halaga ng mga imported na alak ang nasabat ng mga SBMA Freeport Police Operatives sa loob ng Subic Bay Freeport.

Ayon sa ulat, mula sa SBMA law enforcement department, isang libo tatlong daan at dalawampu’t isang kahon ng mga mamahaling alak ang natagpuan sa isang 40 footer container van na naka-parked sa Subic Seaport Terminal.


Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, ilang mga tiwaling traders ang nais sanang magsamantala nitong panahon ng holidays.

Ani Eisma, ayon sa SBMA led, isang tip ang natanggap nila na may grupong may balak maglabas ng smuggled na kontrabando lulan ng isang Nissan Patrol SUV at Fuso 40 footer container van na minamaneho ni Julio Flores, 41 anyos kasama ang helper na si Marvin Arcega, 46 years old.

Kabilang sa mga nasabat ang 54 bote ng Remy Martin Louis XIII na nagkakahalaga ng 170 thousand pesos bawat bote at walong boxes ng Remy Martin Centaure De Diamant na may market value na P60,000 kada bote at iba pang klase ng mga imported wines.

Ang mga nasabat ay nai-turn over na sa Bureau of Customs ng Port of Subic para sa proper documentation at disposition.

Source: RMN

President Duterte tinanghal na 2017 Person of the Year


Sa kabila ng mga inaning kritisismo sa bansa at maging sa abroad sa kanyang anti-drug war, tinanghal si Pangulong Rodrigo Duterte bilang 2017 Person of the Year.

Ang titulo ay mula sa isang American non-profit organization, ang Organized Crime and Corruption Reporting Project (OCCRP) na kumikilala sa mga indibiduwal na nakagawa ng kakaiba para labanan ang organisadong criminal activity.

Tinalo ni Panguloglng Duterte sina South African President Jacob Zuma at ang napatalsik na Pangulo ng Zimbabwe na si Robert Mugabe.

Napili si Pangulong Duterte ng mga hurado dahil sa maigting nitong kampanya kontra droga kahit na inakusahan ito ng extrajudicial killings.

Runner-up lamang si Pangulong Duterte noong 2016 subalit ngayong taon ay siya ang nakasungkit sa titulong Person of the Year.

Dahil dito, sinabi ng OCCRP na kahanay na ni Pangulong Duterte ang iba pang popular na lider sa buong mundo na may katulad na titulo partikular nina Russian President Vladimir Putin, Venezuelan President Nicolas Maduro at ang Romanian Parliament.

Source: ABANTE

Friday, December 29, 2017

NPA, makikipagtapatan sa gobyerno


Tiniyak ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Southern Mindanao na nakahanda silang harapin ang ikinakasang “full-scale war” ng Duterte administration sa susunod na taon.

Ayon kay ka Joaquin Jacinto, tagapagsalita ng National Democratic Front-Southern Mindanao, magpapatuloy ang NPA na labanan ang mga pang-aabuso ng gobyerno.

Aniya, dumami pa ang kanilang bilang sa kabila ng kaliwa’t-kanang airstrikes ng militar sa Mindanao.

Iginiit pa ni Jacinto, laging handa ang mga rebelde na isakripisyo ang kanilang buhay para sa rebolusyon at sa mga tao.

Source: RMN

Paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal, pangungunahan ni Pangulong Duterte


Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa ika-121 taong kamatayan ni Gat. Jose Rizal.

Ang tema ng programa ngayong taon ay “Mabuting Kaisipan, Susi Sa Kaunlaran”.

Alas-7:00 ngayong umaga, sisimulan ang flag raising sa bantayog ni Rizal sa Luneta kasama ang ilang myembro ng gabinete tulad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana gayun din si Manila Mayor Joseph Estrada.

Kasunod nito ay mag-aalay din ng bulaklak sa monumento ni Rizal si Pangulong Duterte.

Nasa okasyon din sina AFP Chief General Rey Leonardo Guerrero, PNP Chief Ronald dela Rosa, Dierctor Rene Escalante ng National Historical Commission at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Source: RMN

President Duterte declares December 8 a special non-working holiday in PHL


The House of Representatives has already approved the house bill 5241 declaring December 08 as a Special Non-Working Holiday.

December 08 has been declared as a special non-working holiday in celebration of the Feast of the Immaculate Conception of Mary.

The holiday has been declared after the House of Representatives approved the house bill 5241 considering December 8 as a special non-working holiday every year.


The Majority Leader and Ilocos Congressman Rodolfo Fariñas who is the author of the bill said that the holiday was declared to give time to devotees in commemorating the Blessed Virgin Mary.

“December 8 was declared a holy day of obligation by Pope Clement XI in 1708 for Catholics all over the world, in honor of the holiness and purity of the Blessed Virgin Mary,” Fariñas said quoted by RMN.



Foreign countries including Guam and Malta were also commemorating Feast of the Conception of the Blessed Virgin Mary wherein devotees take a day off from their classes and work to observe the date.
However, the house bill might still need the President and Senate’s approval in order to become a law.

Source: PhilNews

Kris Aquino ininsulto, matanda na raw para kay Alden


NAGULAT at hindi inaasahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards na siya pala ang local celebrity crush ni Kris Aquino na ni-reveal nito sa isang interview. Pinag-uusapan nga ito ngayon.

Nang tanungin namin si Alden tungkol dito sa ginanap na Christmas thanksgiving lunch niya with entertainment press, sinabi niya na,

“Nagulat po ako. Hindi ko po ine-expect.

“Pero siyempre, nakakatuwa po, Ms. Kris Aquino na po ‘yun. Napanood ko po ang video, nasa Japan po ako.”

Magkakilala naman daw silang dalawa. Nagpakilala raw siya rito sa Little Bossing movie. Wala raw talagang idea si Alden dahil never naman daw itong nabanggit sa kanya ni Kris o napag-usapan man lang nila.

“Very pleasant po si Ms. Kris at saka parang tuwang-tuwa po siya kapag nakikita po niya ko. Nagulat po ako, pero parang I was taking it as a good compliment.”

Natuwa naman si Alden at natawa sa isa pang comment ni Kris sa kanya na ang bango-bango niya.

Sa isang banda, open din si Alden sa ideya kung sakali man at mabigyan sila ng pagkakataon na gumawa ng pelikula. Puwede ang konsepto na mother and son.

“Kung may chance naman po, why not,” saad nga niya.

Aware rin kami na ‘again’ hindi lahat ng fans, tinanggap positively ang pag-amin na ‘yun ni Kris sa kanyang video na ‘Merienda w/ Kris’ at ang dream niyang makasama ito sa pelikula at gumanap na Nanay ni Alden. May mga nabasa kaming comments na kesyo nag-iingay o nanggagamit lang daw si Kris para mapag-usapan.

Sinabihan pa si Kris ng basher na kesyo majonda (matanda) na raw ito.

Sinagot ni Kris ang basher na si @ruthsmith5327 na, “and you must really have low comprehension skills—I said my dream project was to PORTRAY HIS MOTHER. Please read before you bash me. Because I don’t mind intelligent criticism but I take offense at poor comprehensions.

Source: ABANTE

Nagkakahalaga ng P1.3M shabu, nakuha sa buy-bust sa Cebu


Nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 million sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation dito sa lungsod, Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Edison Bacalso, Roque Tejares, Miel Bajenting and Andrew Sumagang na nagbebenta ng droga sa Barangay Suba at Barangay Calamba.

"Noong huminto ang PNP sa operasyon kontra droga, nagsimula na naman sila magtinda," ani Supt. Glenn Mayam, hepe ng Cebu City Drug Enforcement Unit.

Base sa tala ng mga pulis, naaresto na sina Tejares, Bajenting and Sumagang noong 2016 sa mga kasong kaugnay sa iligal na droga.

Si Bacalso naman ay kilala bilang isang high-value target sa lugar.

Nakakulong ngayon ang mga suspect habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanila.

Source: ABS-CBN

Mas epektibong war on drugs, ipatutupad sa 2018


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matapos na magtagumpay ang programa ng gobyerno sa paglaban sa iligal na droga ay marami pa ring mga natutunan ang pamahalaan para mas mapaganda pa ang pagpapatupad ng war on drugs.

Naniniwala si Roque na dahil sa mga leksyon dito ay maipapatupad ng mga otoridad ng mas epektibo at mahusay ang kampanya kontra iligal na droga.

Sa 2017 year-end report ng Duterte administration, isa ang war on drugs sa sinasabing malaking nagawa ng gobyerno maliban pa sa pagsugpo sa kurapsyon at paglaban sa kriminalidad.

Source: RMN

Thursday, December 28, 2017

GOOD NEWS | Halos P34 milyon, binigay ng EU para sa mga nabiktima ng Bagyong Vinta


Aabot sa halos P34 milyon o 570,000 euros ang ibinigay na pledge ng European Union (EU) para sa mga nabiktima ng Bagyong Vinta.

Ayon kay eu Commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides, gagamitin ang naturang pondo para sa relief efforts at mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang mga pamilyang naapektuhan ng naturang bagyo.

Kabilang sa paglalanaan ng pondo mula sa EU ang emergency shelter, mga pangunahing gamit sa loob ng bahay, malinis na tubig, at hygiene kits.

Kasabay nito, nagpaabot si Stylianides sa pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Vinta.

Source: RMN


GOOD NEWS | Chinese President Xi Jinping, nag-alok ng emergency assistance para sa mga nasalanta ng Bagyong Vinta


Nag-alok ng emergency assistance si Chinese President Xi Jinping para sa relief at rescue efforts sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Vinta.

Kasabay nito ay nagpaabot din si Xi ng pakikiramay at simpatya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami ng nasawi at sa tindi ng pinsalang idinulot ng bagyo.



Una rito nagpahayag din ang pamahalaan ng Japan ng kahandaang tumulong sa Pilipinas nitong Lunes.


Sabi naman ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, bibigyan ng P10,000 financial aid ang mga kaanak ng mga namatay dulot ng paghagupit ng bagyong Vinta at Urduja habang P5,000 na tulong pinansyal naman para sa mga nasugatan.

May ilalaan ring pera ang gobyerno bilang tulong sa mga nasiraan ng mga bahay dulot ng kalamidad.

Sa pinakahuling datos aabot sa mahigit 200 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta habang 170 pa ang nawawala.

Source: RMN

Mayor sa Palawan, kulong ng 140 years sa kasong graft


Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula 85 hanggang 140 taon ang alkalde ng Narra, Palawan dahil sa kasong katiwalian.

Kaugnay ito nang pagpabor sa kumpanya ng kanyang anak sa biniling P93,521 na halaga ng office supplies noong 2000.

Sa 32-pahinang desisyon, napatunayang guilty ng anti-graft court Third Division si Mayor Lucena Demaala sa 14 na bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Inakusahan si Demaala ng pagpasok sa 14 na transaksyon sa ADB Trading and Services na pagmamay-ari ng kanyang anak na si Arleen Barquilla-Cabando.

Labingdalawa sa mga kontrata ay nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P8,000. Mayroon ding printing contract na nagkakahalaga ng P19,765 at P25,615 naman ang bayad sa mga biniling tropeo at sports supplies.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Demaala na wala ng interes ang kanyang anak sa ADB Trading dahil naipagbili na ito sa kaibigan noong 1998, bagay na hindi binigyang bigat ng korte.

Walang dokumento na nagpapatunay ng bentahan dahil verbal lamang umano ang pag-uusap ni Cabando at ng kanyang kaibigan na si Maila Garcia.

“The Court finds it simply incredible that Cabando would sell her business to her friend Garcia without any written agreement. Moreover, she failed to present proof that Garcia paid for her stocks,” saad ng desisyon.

Ipinunto rin ng korte na ang ginagamit na sales invoice ng ADB ay nakapangalan pa rin kay Cabando at hindi kay Garcia.

Source: ABANTE

Wednesday, December 27, 2017

CHR, may duda sa inilabas na year-end report ng Malacañan tungkol sa WAR ON DRUGS


Duda ang Commission on Human Rights (CHR) sa inilabas na report ng Malacañan na apat na libo lang ang namatay sa mga anti-drug operation ng pamahalaan.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, marami sa mga namatay sa mga operasyon sa war on drugs ang hindi isinama sa bilang ng pamahalaan.

Umaasa naman ang CHR na muli nilang mapag-uusapan ng Philippine National Police ang pagbuo ng task force na bubusisi kung sino ang may kagagawan ng mga pagpatay.

Pero giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maging independent ang CHR.

Source: RMN

WATCH | Press briefing ni Mayor Inday Sara Duterte tungkol sa nasunog na NCCC mall sa Davao City


HIGHLIGHTS:

Mayor Duterte-Carpio: There are 2 persons in the missing list
Mayor Duterte-Carpio: We are still talking to the families, we still have one body unidentified
Mayor Duterte-Carpio: May isang pamilya na nag-submit for DNA test
Mayor Duterte-Carpio: There will be an interagency investigation, magkakaroon din ng task force para rito


Mayor Duterte-Carpio: BFP is calling on all the SSI employees na nandun noong umaga na 'yun to report to central fire station para ma-take down ang kanilang statements
Mayor Duterte-Carpio: Nagkaroon kami ng meeting kahapon with NCCC at SSI tungkol sa assistance sa families
Mayor Duterte-Carpio: Expenses from the mall, to the hospital, funeral parlor and cash assistance will be shouldered by Davao City gov't
Mayor Duterte-Carpio: SSI will give cash assistance and will match the families to appropriate livelihood programs under DTI
Mayor Duterte-Carpio: NCCC will take the children of fire victims as their scholars
Mayor Duterte-Carpio: Representatives from China will come after new year to give assistance for the victims of the fire and those affected by floods
Mayor Duterte-Carpio: BFP will take care of the investigation which is better para 'di masabi na bias ang Davao City fire
Mayor Duterte-Carpio: We offered to shoulder expenses (professional fees) of third party private investigator sa side ng families
Mayor Duterte-Carpio: Centralized ang relief operations pero minove namin sa Task Force Davao
Mayor Duterte-Carpio: Ang ating housing may criteria para mag-qualify sa relocation, if hindi ka qualified, the most that we can give is cash assistance
Mayor Duterte-Carpio: I'm not part of the investigation for the fire though I requested the city gov't to form part in the task force but only for us to have access sa information

Video Courtesy: News 5

Duterte slams NPA for supposed ceasefire violation


Duterte hit out at communist rebels Speaking at the National Disaster Risk Reduction and Management Council's briefing in Sagada, Tubod on the effects of cyclone Vinta in the Lanao province. The Armed Forces of the Philippines (AFP) has accused the New People's Army (NPA) of violating its own holiday ceasefire when it "harassed" a military patrol base in Compostela Valley on Christmas Day.


On Wednesday, President Rodrigo Duterte lambasted members of the New People's Army for allegedly violating their own ceasefire declaration.

"Itong mga komunistang ito hambugero. Kung mag-salita, kala mo sino. Sabi ko, 'Kaya ikaw, mga terorista kayo.' Tingnan mo, ceasefire, may—saan ba ‘yun? May inatake na naman sila. Walang honor talaga itong mga p— inang ‘to. L—," said Duterte, who had previously declared the CPP-NPA a terrorist organization.

"But I did not declare war with them. Akin, unilateral ‘yung akin. Hindi kasi—hindi naman lahat ng… There was not… no, no agreement between us and the NPA. Kaya ang forces of government are free to operate. Eh inumpisahan nila eh," he added.

The government has declared a holiday ceasefire from 6 p.m. of December 23 to 11:59 p.m. of December 26, and from 6 p.m. of December 30 to 11:59 p.m. of Jan. 2, 2018.

The Communist Party of the Philippines (CPP), in return, declared its own ceasefire from 6 p.m. of December 23 to 6 p.m. of December 26, and from 6 p.m. of December 30 to 6 p.m. of Jan. 2, 2018. —JST, GMA News

Tuesday, December 26, 2017

Accomplishments ng Duterte administration, bida sa year end report ng Duterte admin


Ipinagmalaki ng Malacañan ang mga nagawa ng pamahalaan sa “The Duterte Administration Year-End Report, 2017 key accomplishments.”

Sa 63 pahinang year end report, ibinida ang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga kung saan 1.3 milyong drug users ang sumuko sa mga alagad ng batas, mahigit 118 libong mga nasakoteng drug personalities sa halos 80 libong anti-drug operations.


Ang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga ang nangunguna sa accomplishment ng Duterte administration sa inilabas nilang year end report ngayong taong ito.

Halos apat na libo naman ang mga napaslang sa anti-drug operations taliwas sa ipinagpipilitan ng mga kritiko na umabot sa walong libo hanggang sampung libong biktima umano ng extra judicial killings.

Mahigit apat na libong barangay ang idineklarang drug free mula sa higit 42 thousand barangays sa buong bansa.

Sa aspeto naman ng kriminalidad, nakasaad sa year end report ng Palasyo ang bumabang porsiyento ng kaso ng mga nakawan na naitala sa 23.61% kumpara noong nakalipas na taon.

Ang pagsasabatas ng libreng edukasyon ang isa rin sa maituturing na accomplishment ng Duterte administration kung saan mahigit 200 mga state universities and colleges ang magpapatupad nito sa buong bansa.



Bukod sa libreng edukasyon, ipinagmalaki ng Department of Education ang mahigit 36,000 na silid aralan at halos 500,000 na silyang nadagdag, bukod pa rito ang 30,000 na gurong na-hire para sa K-12 program.

Isa rin sa mahalagang accomplishment ng Duterte administration ang pagbabayad ng bilyon bilyong pisong buwis ng Philippine Airlines , Mighty King at ang pagbawi ng gobyerno sa Mile Long sa Makati City na dating pag-aari ng mga Prieto.

Sa loob ng 2017 ay mahigit sampung foreign trips ang ginawa ng Pangulo na nag-uwi naman umano ng multi-billion pesos na investments para sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Sa 63 pahinang year-end report, ibinida ng palasyo na mahigit 1.3 milyon na mga drug user ang sumuko sa pamahalaan habang nasa 118,287 tao ang naaresto sa 79,193 na operasyon ng mga otoridad.



Nasa 3,967 naman na mga sangkot sa droga ang napatay habang papalo sa P19 billion na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng PNP, PDEA, NBI at BOC.

Kasama rin sa ibinida ng pamahalaan ang 2.32 percent na paglago sa sektor ng agrikultura sa ikatlong quarter ng 2017 at 4.64 percent na pagtaas ng agricultural production hanggang noong buwan ng Setyembre.

Sa larangan ng edukasyon, mahigit 36,000 classrooms at kalahating milyong silya ang naidagdag sa mga paaralan.

Hindi rin nakaligtaan ang pagsasabatas sa libreng edukasyon hanggang sa kolehiyo.

Ibinida rin sa report ang paghahabol ng pamalahan sa tax liabilities ng Philippine Airlines (PAL) at ng Mighty Corporation.

Nakapag-uwi rin ang Pangulong Rodrigo Duterte ng multi-billion pesos na investment para sa “Build, Build, Build” Program ng pamahalaan sa kanyang mahigit 10 foreign trips.

Bukod pa rito ang economic gain at pagpapalakas ng diplomatic relations ng Pilipinas sa ibang bansa.

Source: RMN and ABANTE

Nanggantso sa mga OFWs sa HK, arestado na


Nadakip na ang Pilipinang kasosyo umano sa travel agency na nanloko sa may 1,000 OFW sa Hongkong na hindi nakauwi ngayong Kapaskuhan.

Ang inaresto ay kinilala sa pangalang Rhea Donna Boyce, co-owner ng mister na si Peter Bryan Boyce sa Peya Travel Agency at posible rin umanong arestuhin.

Sa report ng South China Morning Post, sinabing dinakip si Rhea kahapon, araw ng Pasko, na ipaghaharap ng kasong conspiracy to defraud.

Inireklamo ang Peya Travel dahil hindi tinanggap ng mga airline company sa paliparan ang inisyu nito na ticket sa eroplano ng may 1,000 OFWs.

Lumilitaw umano na hindi binayaan ng Peya Travels ang mga plane tocket..

May 650 OFWs na umano ang mga Piliponong nagharap ng reklamo laban sa PEYA.

Iniutos na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na sampahan ng kaso ang Peya Travel.

Iniutos ding tulungan ang mga OFW na makauwi at sasagutin ng Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment ang pamasahe ng mga OFWs.

Nagkusa na ang ilang airline company na sagutin ang pamasahe ng ilang OFWs.

Source: ABANTE

MRT-3 muling tumirik dahil sa electrical failure




Tila araw-araw nang nasisira ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at kahit bisperas, araw ng Pasko at pagkatapos ng Pasko ay muli na namang nairita ang mga commuters ngunit inalala pa rin ang matinding trapik sa EDSA kaya tiis pa rin sila sa tren.

Kanina ay muling tumirik ang tren bandang alas-5:48 ng umaga kung saan kakabiyahe pa lang ng unang tren sa southbound ng Shaw Boulevard Station dahil umano sa ‘electrical failure’.

Nagkaaberya naman sa araw ng Pasko kung saan tumirik ang tren sa Quezon Avenue Station bandang alas-4:33 ng hapon dahil naman umano sa overloading. Posible umanong nasira ang tren sa pagdagsa ng mga pasahero.

Bisperas naman ng Pasko ay naantala at nagpababa ng mga pasahero sa North Avenue station bandang alas-6:50 ng gabi dahil pa rin sa technical problem.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng MRT at ng DOTr sa mga naantalang biyahe ng tren at sinabing asahan umano ang pagbabago ng sistema sa 2018.

Source: ABANTE

Monday, December 25, 2017

Bus, nasunog habang bumabaybay sa NLEX


Nasunog ang isang pampasaherong bus habang binabagtas ang kahabaan ng North Luzon Expressway, Martes ng madaling araw.

Malapit na sa Bocaue Toll Plaza ang bus nang magsimulang lumiyab ang likurang gulong nito at hindi kalaunan ay kumalat na ang apoy sa ibang bahagi ng sasakyan, ayon sa mga awtoridad.

Wala namang nasaktan mula sa 40 pasahero na agad nakababa mula sa nasusunog na bus.

Naramdaman na ng ilang pasahero na may sira ang sinasakyan habang nasa Dau, Pampanga pa lamang sila ngunit giniit ng driver na si Rodrigo Manlapaz na hindi malaki ang sira at babagalan na lamang niya ang pagpapatakbo, kuwento ng ilang sakay ng bus sa ABS-CBN News.

"Akala ko maliit lang ang sira ng propeler," sabi ni Manlapaz sa isang panayam.

Nang mapansin ang sunog, itinabi ni Manlapaz ang bus at sinubukang apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher ngunit hindi ito sapat.

Tuluyan lamang napatay ang apoy bandang alas-3 ng madaling araw sa tulong ng isang firetruck na idinispatsa ng NLEX sa lugar.

Bagamat walang nasaktan dahil sa insidente, dismayado ang mga pasahero dahil hindi na nila nagawang makuha ang kanilang mga bagahe mula sa nasunog na sasakyan.

Source: ABS-CBN News

Higanteng parol, nasunog sa gitna ng mall sa Taguig


Nagkagulo sa loob ng isang mall sa Taguig matapos masunog ang isang parol na nakasabit sa itaas ng activity center sa gitna ng gusali, Lunes ng gabi.

Bigla na lang umusok ang malaking parol sa loob ng Market! Market! at umapoy bago bumagsak sa activity area kung saan may nagaganap na sale ng mga damit, ayon sa saksing si Caesar Pagulayan.



"Yung iba nag-panic, nagsitakbuhan lahat. Katulad sa resto na pinuntahan namin, nawala na yung mga umoorder," kuwento ni Pagulayan.

Natupok ang ilang panindang damit habang agad na pinalabas ng mga guwardiya ng mall ang mga tao at itinabi ang ilang mga damit mula sa activity area bago tuluyang bumagsak ang parol. 

                                           

Naapula rin agad ang apoy ng mga tauhan ng mall gamit ang mga fire extinguisher.

Ayon sa Southern Police District, 2 tao ang nasaktan sa insidente at inasikaso ng rescue team ng mall.

Bumalik din sa normal ang sitwasyon sa mall pagkatapos ng sunog at nagsara sa normal na oras.\

Source: ABS-CBN

Pangulong Duterte tutulungan ang pamilya ng mga biktima ng sunog sa Davao


Tiniyak ng pangulo na gagawin ng gobyerno ang lahat para tulungan ang biliran na makabangon.

Sa interview ng RMN kay Presidential Spokesperson Harry Roque – tutulungan din ng gobyerno ang mga magsasaka na lubos na nasalanta ng bagyong Urduja.

Inatasan na rin ng pangulo ang DPWH na agad na itayo ang mga nasirang imprastraktura.


Siniguro ng palasyo na puspusan ang mga kinauukulang ahenya ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa apektadong residente.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos makausap ng Pangulo ang mga pamilya ng mga 37 katao na na-trap sa nasusunog NCCC mall sa nasabinng lungsod.

Naging emosyonal pa ni Duterte nang makaharap nito ang pamilya ng mga nasunugan noong Sabado.

Personal nitongipinabatid sa mga naghihintay na kaanak ng 37 pinaniniwalaang na-trap sa sunog na “zero”ang tsansang may nakaligtas sa insidente.

Kilala ang Pangulong Duterte bilang “strongman” at matigas subalit hindi nito ikinubli sa publiko ang pag-iyak sa nangyaring trahedya.

Nagpaabot agad ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng mga patuloy pa ring nawawala sa sunog na mga call center staff ng isang american firm.

Source: ABANTE and RMN News


Sunday, December 24, 2017

Pangulong Duterte umiyak sa pamilya ng mga biktima ng sunog sa Davao


Bumisita si Duterte bandang alas-10:00 ng gabi sa New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Ma-a road, ng nasabing lungsod

Sa mga litratong ipinadala ng Palasyo, makikitang umiiyak si Duterte matapos mabalitaang naiwan sa loob ng mall ang 37 katao na sinabing walang tyansang mabuhay pa batay sa pahayag ng mga firefighters doon.

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pag-iyak nang bisitahin niya ang pamilya ng mga biktima na na-trap sa nasusunog na mall sa Davao City.

Kasamang bumisita ni Duterte si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, at mga anak nitong sina Davao City Mayor Sara Duterte, at Vice Mayor Paolo Duterte.
Ipinost pa ni Vice Mayor Duterte sa kanyang Facebook Page ang listahan ng mga naiwan sa nasusunod na NCCC mall.

Source: ABANTE

Saturday, December 23, 2017

37 feared dead in Davao City mall blaze – Paolo Duterte


Thirty-seven people were believed killed in a fire that engulfed a shopping mall in Davao City, local Vice Mayor Paolo Duterte said on Sunday.

A Bureau of Fire Protection commander at the scene said the chances of the 37 surviving were "zero", Duterte, who is also the president's son, wrote in a Facebook post.


Let us pray for them.
Awhile ago, the ground commander of BFP already announced that their chances of survival is zero.
List of Missing Persons re NCCC Fire (updated)
1. Jessica Solis
2. Gantioco Celestial Jr
3. Ian Kiem Adlawan
4. Regine Generales
5. Christen Joy Garzon
6. Apple Jane Celades
7. Iana Apalacio
8. Jonas Basalan
9. Jim Benedict Quimsing
10. Kurtchin Angela Bangoy
11. Mary Joy Daluro
12. Randy Balcao
13. Rosyl Montanez
14. Missy Rose Artiaga
15. Analiza Penarejo
16. Christine Joy Ferraren
17. Ivan Roble
18. Christine Alviola
19. Alexandra Moreno Castillo
20. Hongijangjian- family not interviewed
21. Desiree Gayle Zacarias
22. Jesseca Samontina
23. Mary Louielyn Bongcayao
24. Nancy Loyd Abad
25. Jeffrey Sismar
26. Johani Matundo
27. Joyne Pabelonia
28. Elyn Joy Yorsua
29. Shiela Mae Bacaling
30. Mark Entera - family not interviewed
31. Charlyn Liwaya
32. Mikko Demafeliz
33. Roderick Antipuesto
34. Rhenzi Nova Muyco
35. Roderick Constantinopla
36. Venus Joy Kimpo
37. Janine Joy Obo

The blaze started at the 4-story NCCC Mall on Saturday morning and people were trapped inside, including in a call center on the top floor, Ralph Canoy, a police officer in the district, told AFP.

Canoy said the fire was still going before dawn on Sunday morning.

"The fire started on the third floor, which houses products like fabrics, wooden furniture and plastic ware, so the fire quickly spread and it's taking a long time to put out," he said.

He said investigators believed some of those likely killed had been trapped in the call center, which operated 24 hours a day.

"It's possible that while they were working, they did not immediately notice the fire spreading," Canoy said of the call center workers.

President Rodrigo Duterte, who served as Davao mayor for about 2 decades and continues to live in the city, visited the mall on Saturday night to comfort relatives of the victims, one of his aides told AFP.

Davao, about 1,000 kms south of capital Manila, is the biggest city in southern Philippines.

Source: GMA and ABS-CBN

Hindi bababa sa 29 na tao, na-trap sa nasusunog na mall sa Davao


Patuloy ang search and rescue operations na ginagawa ng Bureau of Fire Protection para iligtas ang 29 na taong na-trap sa loob ng nasusunog na NCCC Mall sa Davao City, Sabado.

Ayon kay City Fire Marshall F/Supt. Honee Fritz Alagano, naririnig pa ng mga rescuers ang mga boses ng mga na-trap na tao sa loob na patuloy na humihingi ng tulong.

"Nasa 30 sila pero 1 pa lang ang nakita. Ang 29 hinahanap pa. Nahirapan tayo na i-rescue sila dahil sa kapal ng usok pero ginagawa natin ang lahat para mailigtas sila,” ani Alagano.

Nangangamba naman ang mga kaanak ng mga na-trap na empleyado ng isang call center na nasa loob ng nasusunog na gusali.



          

Halos 9 na oras na mula nang mag-umpisa ang sunog sa NCCC Mall, pero hanggang alas-6 ng gabi ay patuloy pa rin ang pag-apula ng mga bumbero sa apoy.

Ayon sa BFP pahirapan ang pag-apula sa sunog lalo na’t halos combustible materials ang nasa ikatlong palapag ng gusali kung saan nag-umpisa umano ang apoy. Nasa nasabing palapag ang mga panindang kasangkapan sa bahay, tela at damit, at school supplies.

"Nag-collapse na ang third floor tapos ang buong building nasusunog na," sabi ni Alagano.

General alarm na ang ipinatupad ng BFP mula kaninang umaga dahil hindi na kaya ng mga bumbero sa Davao City ang pag-apula sa sunog. Nag-reinforce na ang ibang units ng BFP mula sa karatig na mga probinsya tulad ng Panabo, Tagum at Digos City.

Source: GMA and ABS-CBN

Friday, December 22, 2017

“Pasikatin ang gustong sumikat....magpakasawa kayo mga dilawan. Hahaha," - Paolo Duterte


The controversy over Isabelle Duterte's photo shoot in Malacañang has yet to blow over but her father Davao City Vice Mayor Paolo Duterte may have started yet another with a Facebook post publicly scolding her on Friday.

President Rodrigo Duterte's eldest son responded to tweets by his daughter. He included screenshots of the tweets on his Facebook post.

“I won’t keep quiet after that person pimped you twice! And if your mom and stepdad don’t care about you, I’m not like them! Not because I’m a Duterte but because I am a father!!! Change your last name if you want to! You don’t know how to respect! You are a disgrace,”Paolo said mostly in Visayan.

Duterte did not elaborate on what he meant exactly by that “bugaw” line in his post.

“Go to school first so your brain won’t be empty. You no longer know how to listen because you’re supposedly popular? Popular on what Belle? Popular on disrespecting your father??! Just wait for my death so you will be free from me! Pray for it, woman," Paolo said.

Paolo appeared to be quite aware of the gravity of his post. He said making the issue public was the only way to make his daughter listen to him.

In fact, the post received almost 6,000 reactions and was shared 3,000 times three hours after it was posted.

“I know all of us will be humiliated because of this post. But this is what you want! Let’s talk here because you’re a supposed millennial. You only listen to your number of likes,” Paolo said.

“Well, I don’t care if I have a position or I will be humiliated, you are my daughter! I don’t care of other people if this is the only way you will learn from your actions,” he added.

Attached to the post are two screenshots of Isabelle’s supposed tweets. Isabelle's Twitter account is not public.

Her first tweet was about a powerful Duterte who beat up a child.

“Even if you have a position in the city, you can’t beat up a person! Even if you have power, you can’t hurt another person!!! You are hurting a human being!!! Not just human being, but a child!!! Even if you have a name, you can’t do things like that!!! Even if you’re a Duterte, that is not acceptable,” she said.

But in the second tweet Duterte posted, Isabelle mentioned her dad.

“My dad f— up my christmas every year. What a time to be alive,” she tweeted.

Before ending his post, Duterte told her daughter: “FIX YOUR F— LIFE FIRST before i will stop “f— up” your christmas every year.”

Duterte continued to lecture his daughter in the comment section of his post.

“Nagkatawa ko sa iyang tweet oi!! Every year gyud unsa kaha iyang Christmas atong 1 year old siya ataya oi [Her tweet really makes me laugh!!! Really every year[?] I wonder what was her Christmas like when she was one year old.],” Paolo said.

He even urged the Yellows to chime in.

“Pasikatin ang gustong sumikat....magpakasawa kayo mga dilawan. Hahaha," Paolo said.

Paolo also reminded his followers to like his post so he would win over his “millennial” daughter.

“PAHINUMDUM: AYAW MO KALIMOT UG LIKE PARA MAKADAUG KO SA PADAGHANAY UG LIKES SA AKONG MAAYUHONG MILLENIAL NGA ANAK. SALAMAT,” Paolo said.

Source: GMA

SAP Bong Go, to the rescue sa mga na-trap ng flashflood sa Davao City


Dahil sa lagpas tao na lalim ng baha ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa para tumulong si Special Assistant to the President Bong Go sa isinasagawang rescue operation para masagip at mailikas ang mga residente ng Jade Valley Subdivision, Davao City.

Sakay ng jet ski si Bong Go, kung saan tinutulungan nito ang mga na-trap na residente sa loob ng kanilang mga bahay papalabas ng nasabing subdivision.

Ayon sa mga residente, nagulat na lamang sila ng biglang nagka-flash flood sa kanilang lugar.

Dahil dito, pinagbawal muna ng mga awtoridad ang mga sibilyan na pumasok sa subdivision habang nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations.

Source: RMN

Thursday, December 21, 2017

2 Bayan sa Isabela, Wala Nang droga


Ideneklarang drug free na ang dalawang bayan dito sa Lalawiga ng Isabela.

Ito ay ang mga bayan ng Maconacon at Divilacan, Isabela.

Ito ang pahayag ni PDEA Regional Director Laurefel Gabales sa isinagawang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council Meeting (RPOC) na ginanap sa Lungsod ng Cauayan kahapon ng Disyembre 21, 2017.


Ayon sa naturang opisyal tumaas na rin umano ang halaga ng shabu na ibinebenta dito sa lambak ng Cagayan mula dating P 7,000 kada gramo ay umaabot na ngayon sa P 13, 000.00.

Nangangahuligan na bumaba ang supply ng ipinagbabawal na gamot dito sa rehiyon dos dahil narin sa pagkakalansag ng ilang kilalang personalidad na sangkot sa droga at dahil din sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan.

bahagi pa ng kanyang report sa RPOC ang pagkakalansag ng Uclos Brothers sa Ballesteros, Cagayan na dekada nang untouchable sa naturang lugar sa kanilang pangangalakal sa droga.

Sabi pa ng direktor na marami nang mga drug personalities ang takot at nagtatago na dahil sa kampanyang ito.

Bagamat aminado na kulang ang kanilang mga tauhan ay naniniwala siyang tuluyan ding masusugpo ang illegal na droga sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga mamayanan nito.

Source: RMN

Mga Susukong NPA, Bibigyan ng Trabaho?


Cauayan City, Isabela – Kahirapan at kakulangan ng maayos na pagkakakitaan, dahilan kung bakit patuloy pa rin ang operasyon at pag-anib ng ilan sa mga rebeldeng grupo sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan sa katatapos na Cagayan valley Regional Peace and Order Council 4th Quarter Regular Meeting na ginanap kahapon Disyembre 21, 2017.

Ayon sa Gobernador hindi pera kundi trabaho ang pinaka mainam na solusyon upang mapababa at tuluyang magbalik-loob sa pamahalaan ang mga miyembro ng mga rebeldeng grupo na kanilang tinawag na CNN o (Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF)


Naniniwala umano siyang natugunan na ng gobyerno ang marami sa dating ipinaglalaban ng mga rebelde kung kaya’t ang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan ang kanyang nakikitang dahilan na lamang kung bakit may mga grupo pang pinipiling labanan ang pamahalaan at mangikil sa mamamayan.

Sa talumpati ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Director Adonis Bringas sa parehong okasyon, hiniling ni Mamba na bukod sa mga proyekto sa pagsasaayos ng mga daan at mga tulay, makabubuti din umano kung makapaglalaan ang OPAPP ng tulong mula sa kanilang programang “PAyapa at MAsaganang PamayaNAn” (PAMANA), upang maisakatuparan ang layuning pagbibigay ng trabaho sa mga magbabalik loob na miyembro ng CNN.

Ikaw Kasama, trabaho nga ba ang magtutuldok sa mga rebeldeng grupo sa bansa?

Source:RMN

Doris Bigornia, sugatan sa aksidente sa Mandaluyong


Sugatan ang field reporter ng ABS-CBN na si Doris Bigornia matapos magkarambola ang limang sasakyan sa northbound lane ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa ABS-CBN News, sinabi umano ng isang MMDA enforcer na nagtamo umano si Bigornia ng sugat sa ulo at agad itong dinala sa ospital.

Bukod kay Bigornia ay may dalawa pang dinala sa ospital.
Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang aksidente ng isang pick-up truck, dalawang sports utility vehicle (SUV), dalawa pang sasakyan at isang motorsiklo.

Kasama umano ang isang sasakyan ng ABS-CBN News sa naaksidente.
Nag-abiso naman umano ang MMDA sa mga motorista na humanap ng alternatibong daan dahil pansamantala na munang isinara ang EDSA-Shaw tunnel.
Source: ABANTE

Wednesday, December 20, 2017

12 taong gulang na babae binugbog at ginahasa matapos magsimbang gabi


A 12-year-old girl who attended Simbang Gabi in Malilipot, Albay was rushed to the hospital on Wednesday morning with a damaged skull and other injuries indicating she had been raped.

After an examination, doctors said she might have been hit in the head by a hard object. An injury in her genital area indicated possible rape as well.


According to a QRT report by Susan Enriquez, the minor was found unconscious in a secluded area.

The victim's mother had allowed her young daughter to attend the Simbang Gabi thinking she would be accompanied by friends. She began to worry when the child had still not returned at 7 a.m., and later learned that the girl had been taken to the hospital.


Police have yet to identify a suspect.

Source: GMA News