Accomplishments ng Duterte administration, bida sa year end report ng Duterte admin


Ipinagmalaki ng Malacañan ang mga nagawa ng pamahalaan sa “The Duterte Administration Year-End Report, 2017 key accomplishments.”

Sa 63 pahinang year end report, ibinida ang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga kung saan 1.3 milyong drug users ang sumuko sa mga alagad ng batas, mahigit 118 libong mga nasakoteng drug personalities sa halos 80 libong anti-drug operations.


Ang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga ang nangunguna sa accomplishment ng Duterte administration sa inilabas nilang year end report ngayong taong ito.

Halos apat na libo naman ang mga napaslang sa anti-drug operations taliwas sa ipinagpipilitan ng mga kritiko na umabot sa walong libo hanggang sampung libong biktima umano ng extra judicial killings.

Mahigit apat na libong barangay ang idineklarang drug free mula sa higit 42 thousand barangays sa buong bansa.

Sa aspeto naman ng kriminalidad, nakasaad sa year end report ng Palasyo ang bumabang porsiyento ng kaso ng mga nakawan na naitala sa 23.61% kumpara noong nakalipas na taon.

Ang pagsasabatas ng libreng edukasyon ang isa rin sa maituturing na accomplishment ng Duterte administration kung saan mahigit 200 mga state universities and colleges ang magpapatupad nito sa buong bansa.



Bukod sa libreng edukasyon, ipinagmalaki ng Department of Education ang mahigit 36,000 na silid aralan at halos 500,000 na silyang nadagdag, bukod pa rito ang 30,000 na gurong na-hire para sa K-12 program.

Isa rin sa mahalagang accomplishment ng Duterte administration ang pagbabayad ng bilyon bilyong pisong buwis ng Philippine Airlines , Mighty King at ang pagbawi ng gobyerno sa Mile Long sa Makati City na dating pag-aari ng mga Prieto.

Sa loob ng 2017 ay mahigit sampung foreign trips ang ginawa ng Pangulo na nag-uwi naman umano ng multi-billion pesos na investments para sa Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Sa 63 pahinang year-end report, ibinida ng palasyo na mahigit 1.3 milyon na mga drug user ang sumuko sa pamahalaan habang nasa 118,287 tao ang naaresto sa 79,193 na operasyon ng mga otoridad.



Nasa 3,967 naman na mga sangkot sa droga ang napatay habang papalo sa P19 billion na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng PNP, PDEA, NBI at BOC.

Kasama rin sa ibinida ng pamahalaan ang 2.32 percent na paglago sa sektor ng agrikultura sa ikatlong quarter ng 2017 at 4.64 percent na pagtaas ng agricultural production hanggang noong buwan ng Setyembre.

Sa larangan ng edukasyon, mahigit 36,000 classrooms at kalahating milyong silya ang naidagdag sa mga paaralan.

Hindi rin nakaligtaan ang pagsasabatas sa libreng edukasyon hanggang sa kolehiyo.

Ibinida rin sa report ang paghahabol ng pamalahan sa tax liabilities ng Philippine Airlines (PAL) at ng Mighty Corporation.

Nakapag-uwi rin ang Pangulong Rodrigo Duterte ng multi-billion pesos na investment para sa “Build, Build, Build” Program ng pamahalaan sa kanyang mahigit 10 foreign trips.

Bukod pa rito ang economic gain at pagpapalakas ng diplomatic relations ng Pilipinas sa ibang bansa.

Source: RMN and ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment