Tuesday, December 19, 2017

Bagitong Pulis, Arestado matapos magnakaw ng motor at manutok ng baril


Arestado ang isang bagitong pulis matapos sapilitang tangayin ang isang motorsiklo at manutok ng baril sa Makati City kagabi.

Kinilala ang suspek na si PO1 Riles Buenaflor, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng NCRPO at residente ng Sta. Ana, Manila.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinangay ng suspek ang itim na yamaha na motorsiklo ng complainant na si Maybeline Mabala, 26-anyos na nakaparada sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Sacramento St., Barangay Olympia ng lungsod.

Tinutukan pa umano ng baril ng pulis ang tambay na nakakita sa insidente.

Nadakip si Buenaflor sa isinagawang follow up operation ng Makati City Police at kasalukuyang nahaharap sa kasong carnapping at grave threat.

Source: RMN

Related Articles

Bagitong Pulis, Arestado matapos magnakaw ng motor at manutok ng baril
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email