Saturday, December 16, 2017

CLAUDINE BARRETTO, INIREKLAMO NG MAID KAY TULFO DAHIL SA KULANG NA SUWELDO



INIREKLAMO si Claudine Barretto ng isang bago lang niyang kinuhang kasambahay sa Wanted Sa Radyo nina Raffy Tulfo at Nina Taduran sa Radyo Singko.

Ang nakapaloob sa reklamo, dalawandaang piso, kulang daw ang ibinayad sa kanya ni Claudine nang umalis na ito. Ang dami-daming nag-text sa programa, dalawandaang piso lang, hindi pa makakayang bayaran ng aktres?

Natural, umani ng pagpuna sa social media ang nagrereklamo, meron ding mga nam-bash kay Claudine, dahil hindi raw marunong humawak ng kan­yang mga tao ang aktres.

Nakaospital pala si Claudine nu’ng mga sandaling ‘yun, hindi na kinuha ng staff ng Wanted sa Radyo (sa pangunguna ng mga ever loyal staff na sina Carol at Odette) ang kanyang panig, si Kuya Raffy na lang ang nagbigay ng halagang hinahabol ng kasam­bahay kay Claudine.

Isa pang reklamo ng umalis na kasambahay ay yaya raw ang kanyang trabaho, hindi tagapagbantay sa ospital na ginawa sa kanya ni Claudine, maraming kuwento ang humingi ng tulong sa malaganap na programa.

Kesyo naninigarilyo raw si Claudine sa banyo ng ospital, kesyo masungit daw ang aktres at mahirap pakibagayan ang ugali, at kung anu-ano pang kesyo.

Mahirap ang sitwasyon ng mga kilalang artista. Kailangang mag-ingat sila sa pagkuha ng mga kasam­bahay at driver. Kadalasan ay sa mga ito nag-uugat ang mga kuwentong nakapaninira sa imahe ng mga artista.

Tulad nu’ng isang driver na inis na inis sa isang female personality kaya umalis na lang. Kain daw nang kain ang kanyang boss sa sasakyan, dumidighay pa raw, pero ni hindi man lang sila inaalok ng kasama nitong alalay.

Sabi pa ng piloto sa kan­yang kakuwentuhang driver din ng isang artista, “Maramot siya, pati sa pagkain namin, ganu’n siya karamot. Wala kaming food allowance, uma­asa lang siya sa pagkain ng catering ng show nila.

“Ibangga ko kaya ang sa­sakyan, tapos, kapag tina­nong ako ng pulis kung ano’ng nang­yari, eh, sabihin ko na hindi ako nawalan ng preno, nawalan ako ng lakas, dahil hindi ako pina­kakain ng amo ko?” tawa nang tawa ang driver na pinagsum­bungan ng piloto ng kuripot na female personality.

Mas maganda kung ang makukuha nilang alalay, driver o kasambahay ay re­ko­mendado ng mga kaibigan, hindi galing sa ahensiya, para mas ligtas sila sa kung anu-anong kuwento.

Sino naman ang maniniwala na dalawandaang piso lang ay hindi pa maibibigay ni Claudine Barretto? Ang dalawang libo nga ay hindi pa rin kapani-paniwala, ang two hundred pesos pa kaya, OA ang reklamo ng kasambahay.


Source: Bulgar and TV5

Related Articles

CLAUDINE BARRETTO, INIREKLAMO NG MAID KAY TULFO DAHIL SA KULANG NA SUWELDO
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email