Saturday, December 16, 2017

GOOD NEWS | Higit 100 libong contractual employees, na-regular ngayong 2017


Base sa year-end report ng Department of Labor and Employment (DOLE) nasa 125,352 ang mga manggagawa na na-regular sa kanilang trabaho ngayong 2017.

Dahil dito, naniniwala si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na nagtatagumpay ang ahensya sa kanilang kampaniya na alisin ang mga iligal na kontrakwalisasyon sa paggawa.

Gayunpaman, aminado ang kalihim na mas may magagawa pa sila sa susunod na taon upang mapataas pa ang bilang ng mga empleyado na mare-regular sa kanilang trabaho.

Matatandaang pansamantala munang sinuspinde ng DOLE ang kanilang mga labor inspections ngayong buwan, ito ay upang bigyang daan ang pagpaplano ng mas epektibong monitoring at inspeksyon sa darating na 2018.

Source: ABANTE

Related Articles

GOOD NEWS | Higit 100 libong contractual employees, na-regular ngayong 2017
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email