Friday, December 15, 2017

Halos 1.2M OFWs ang natulungan ng DOLE para makauwi at nabigyan ng ayuda ngayong 2017


Nasa 1.2 milyong overseas Filipino workers ang natulungan umano ng Department of Labor and Employment para sa repatriation at reintegration program sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administrator ngayong 2017.

Ayon sa DOLE, umabot sa 1,170,514 OFWs ang naipasok sa welfare and protection programs ng OWWA at DOLE regional offices at mga attached agency.

Sa 36,438 OFWs na natulungan makauwi mula July hanggang October 2017, 19,258 ang nanggaling sa Middle East at nakatanggap ng P20,000 financial aid on-site; 9,513 ang nabigyan ng dagdag na cash grants na P6,000; at 13,245 ang nabigyan ng food and hygiene kits.

Samantala, nasa 10,011 ng 15,839 OFWs na tumanggap ng 90-day amnesty program for undocumented and stranded foreign nationals mula sa Saudi Arabia ang natulungang makauwi sa Pilipinas.

Nakapagkaloob naman ng post-repatriation services sa 14,165 OFWs; 4,343 OFWs ang nabigyan ng medical, psychosocial counseling, stress debriefing, transport, at accommodation; 1,630 ang naitala para sa employment facilitation o training; at 2,625 ang nabigyan ng livelihood assistance.

Nakapagkaloob naman ng legal assistance sa 4,829 OFWs; habang 354 OFWs ang nabigyan ng suporta sa kanilang planong small and medium enterprise na negosyo; at nabigyan ng educational assistance ang 384 OFWs.

Natulungan naman umano ng reintegration program ng DOLE ang 54,470 OFW returnees at kanilang mga pamilya, kung saan 28,256 ang sumailalim sa skills training at 26,214 ang nakatanggap livelihood assistance.

Umabot umano sa P514,412,350 ang nailabas ng DOLE para sa iba't ibang ayuda sa mga OFW tulad ng pagkakaloob ng pagkain at hygiene kits, legal counseling, stress debriefing, medical and psychosocial services, at training assistance.

Source: GMA

Related Articles

Halos 1.2M OFWs ang natulungan ng DOLE para makauwi at nabigyan ng ayuda ngayong 2017
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email