Saturday, December 23, 2017

Hindi bababa sa 29 na tao, na-trap sa nasusunog na mall sa Davao


Patuloy ang search and rescue operations na ginagawa ng Bureau of Fire Protection para iligtas ang 29 na taong na-trap sa loob ng nasusunog na NCCC Mall sa Davao City, Sabado.

Ayon kay City Fire Marshall F/Supt. Honee Fritz Alagano, naririnig pa ng mga rescuers ang mga boses ng mga na-trap na tao sa loob na patuloy na humihingi ng tulong.

"Nasa 30 sila pero 1 pa lang ang nakita. Ang 29 hinahanap pa. Nahirapan tayo na i-rescue sila dahil sa kapal ng usok pero ginagawa natin ang lahat para mailigtas sila,” ani Alagano.

Nangangamba naman ang mga kaanak ng mga na-trap na empleyado ng isang call center na nasa loob ng nasusunog na gusali.



          

Halos 9 na oras na mula nang mag-umpisa ang sunog sa NCCC Mall, pero hanggang alas-6 ng gabi ay patuloy pa rin ang pag-apula ng mga bumbero sa apoy.

Ayon sa BFP pahirapan ang pag-apula sa sunog lalo na’t halos combustible materials ang nasa ikatlong palapag ng gusali kung saan nag-umpisa umano ang apoy. Nasa nasabing palapag ang mga panindang kasangkapan sa bahay, tela at damit, at school supplies.

"Nag-collapse na ang third floor tapos ang buong building nasusunog na," sabi ni Alagano.

General alarm na ang ipinatupad ng BFP mula kaninang umaga dahil hindi na kaya ng mga bumbero sa Davao City ang pag-apula sa sunog. Nag-reinforce na ang ibang units ng BFP mula sa karatig na mga probinsya tulad ng Panabo, Tagum at Digos City.

Source: GMA and ABS-CBN

Related Articles

Hindi bababa sa 29 na tao, na-trap sa nasusunog na mall sa Davao
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email