Friday, December 29, 2017

Kris Aquino ininsulto, matanda na raw para kay Alden


NAGULAT at hindi inaasahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards na siya pala ang local celebrity crush ni Kris Aquino na ni-reveal nito sa isang interview. Pinag-uusapan nga ito ngayon.

Nang tanungin namin si Alden tungkol dito sa ginanap na Christmas thanksgiving lunch niya with entertainment press, sinabi niya na,

“Nagulat po ako. Hindi ko po ine-expect.

“Pero siyempre, nakakatuwa po, Ms. Kris Aquino na po ‘yun. Napanood ko po ang video, nasa Japan po ako.”

Magkakilala naman daw silang dalawa. Nagpakilala raw siya rito sa Little Bossing movie. Wala raw talagang idea si Alden dahil never naman daw itong nabanggit sa kanya ni Kris o napag-usapan man lang nila.

“Very pleasant po si Ms. Kris at saka parang tuwang-tuwa po siya kapag nakikita po niya ko. Nagulat po ako, pero parang I was taking it as a good compliment.”

Natuwa naman si Alden at natawa sa isa pang comment ni Kris sa kanya na ang bango-bango niya.

Sa isang banda, open din si Alden sa ideya kung sakali man at mabigyan sila ng pagkakataon na gumawa ng pelikula. Puwede ang konsepto na mother and son.

“Kung may chance naman po, why not,” saad nga niya.

Aware rin kami na ‘again’ hindi lahat ng fans, tinanggap positively ang pag-amin na ‘yun ni Kris sa kanyang video na ‘Merienda w/ Kris’ at ang dream niyang makasama ito sa pelikula at gumanap na Nanay ni Alden. May mga nabasa kaming comments na kesyo nag-iingay o nanggagamit lang daw si Kris para mapag-usapan.

Sinabihan pa si Kris ng basher na kesyo majonda (matanda) na raw ito.

Sinagot ni Kris ang basher na si @ruthsmith5327 na, “and you must really have low comprehension skills—I said my dream project was to PORTRAY HIS MOTHER. Please read before you bash me. Because I don’t mind intelligent criticism but I take offense at poor comprehensions.

Source: ABANTE

Related Articles

Kris Aquino ininsulto, matanda na raw para kay Alden
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email