Mayor sa Palawan, kulong ng 140 years sa kasong graft


Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng mula 85 hanggang 140 taon ang alkalde ng Narra, Palawan dahil sa kasong katiwalian.

Kaugnay ito nang pagpabor sa kumpanya ng kanyang anak sa biniling P93,521 na halaga ng office supplies noong 2000.

Sa 32-pahinang desisyon, napatunayang guilty ng anti-graft court Third Division si Mayor Lucena Demaala sa 14 na bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Inakusahan si Demaala ng pagpasok sa 14 na transaksyon sa ADB Trading and Services na pagmamay-ari ng kanyang anak na si Arleen Barquilla-Cabando.

Labingdalawa sa mga kontrata ay nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P8,000. Mayroon ding printing contract na nagkakahalaga ng P19,765 at P25,615 naman ang bayad sa mga biniling tropeo at sports supplies.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Demaala na wala ng interes ang kanyang anak sa ADB Trading dahil naipagbili na ito sa kaibigan noong 1998, bagay na hindi binigyang bigat ng korte.

Walang dokumento na nagpapatunay ng bentahan dahil verbal lamang umano ang pag-uusap ni Cabando at ng kanyang kaibigan na si Maila Garcia.

“The Court finds it simply incredible that Cabando would sell her business to her friend Garcia without any written agreement. Moreover, she failed to present proof that Garcia paid for her stocks,” saad ng desisyon.

Ipinunto rin ng korte na ang ginagamit na sales invoice ng ADB ay nakapangalan pa rin kay Cabando at hindi kay Garcia.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
1 Comment
avatar

WOWOWOWOWOOO HUSAY NAMAN NG JUDGE DITO SA PALAWAN. 85 YEARS TO 180 YEARS IN JAIL SA MALIIT NA HALAGANG IYON GRAFT AND CORRUPTIONS ? HOHOHOHOHOHOHHO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ETO ANG DAPAT GAWING JUDGE NG SANDIGAN BAYAN, SUPREME COURT OR OMBUDSMAN. MGA GANYANG JUDGES ANG KAILANGAN NATIN, TALAGANG MADUNONG MAGPARUSA SA NAGKASALA. EH ANG MGA JUDGES NATIN SA SANDIGAN BAYAN AT SUPREME COURT EH, KALIWAT KANAN NA ANG "BILYONES NA NINAKAW SUPORTED BY EVIDENCES EH IN BAIL NA EH JAILTIME LANG NG 12 MONTHS. AHAHAH HOHOHOHOHHOHOHOHO AHAHAHAHAHAHA BUT ITS TRUE. THESE ARE THE REALITIES DITO SA MANILA. PURO PALPAK ANG MGA JUDGES. PURO MGA NABABAYARAN NG MGA PUKINGINANG JUDGES DITO EH. HAHAHAHAHAHAH !

Balas