Sunday, December 17, 2017

Mga drug lords, planong ilipat ni PNP Chief dela Rosa sa building 14 ng maximum security compound ng NBP



Target ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na ibalik ang mga drug lord sa selda ng building 14 ng maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay dela Rosa, kabilang sa kanyang mga ililipat sina Peter Co at Sam Lee Chua.

Aminado si dela Rosa, hindi kayang kontrolin ng special action force ang mga drug lords at talamak pa rin ang transaksyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Pero nabigo naman ang mga drug lord na “suhulan” ang mga SAF member kaya tinarget ng mga itong makalipat sa ibang compound ng NBP.

Tiwala si dela Rosa na kapag nalipat muli sa building 14 ang mga drug lord ay matitigil na ang drug trading gayundin ang pagpasok ng ilang kontrabando.

Source: RMN

Related Articles

Mga drug lords, planong ilipat ni PNP Chief dela Rosa sa building 14 ng maximum security compound ng NBP
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email