Friday, December 29, 2017

Nagkakahalaga ng P1.3M shabu, nakuha sa buy-bust sa Cebu


Nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 million sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation dito sa lungsod, Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Edison Bacalso, Roque Tejares, Miel Bajenting and Andrew Sumagang na nagbebenta ng droga sa Barangay Suba at Barangay Calamba.

"Noong huminto ang PNP sa operasyon kontra droga, nagsimula na naman sila magtinda," ani Supt. Glenn Mayam, hepe ng Cebu City Drug Enforcement Unit.

Base sa tala ng mga pulis, naaresto na sina Tejares, Bajenting and Sumagang noong 2016 sa mga kasong kaugnay sa iligal na droga.

Si Bacalso naman ay kilala bilang isang high-value target sa lugar.

Nakakulong ngayon ang mga suspect habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanila.

Source: ABS-CBN

Related Articles

Nagkakahalaga ng P1.3M shabu, nakuha sa buy-bust sa Cebu
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email