Nanggantso sa mga OFWs sa HK, arestado na


Nadakip na ang Pilipinang kasosyo umano sa travel agency na nanloko sa may 1,000 OFW sa Hongkong na hindi nakauwi ngayong Kapaskuhan.

Ang inaresto ay kinilala sa pangalang Rhea Donna Boyce, co-owner ng mister na si Peter Bryan Boyce sa Peya Travel Agency at posible rin umanong arestuhin.

Sa report ng South China Morning Post, sinabing dinakip si Rhea kahapon, araw ng Pasko, na ipaghaharap ng kasong conspiracy to defraud.

Inireklamo ang Peya Travel dahil hindi tinanggap ng mga airline company sa paliparan ang inisyu nito na ticket sa eroplano ng may 1,000 OFWs.

Lumilitaw umano na hindi binayaan ng Peya Travels ang mga plane tocket..

May 650 OFWs na umano ang mga Piliponong nagharap ng reklamo laban sa PEYA.

Iniutos na ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na sampahan ng kaso ang Peya Travel.

Iniutos ding tulungan ang mga OFW na makauwi at sasagutin ng Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment ang pamasahe ng mga OFWs.

Nagkusa na ang ilang airline company na sagutin ang pamasahe ng ilang OFWs.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Komentar