Friday, December 29, 2017

NPA, makikipagtapatan sa gobyerno


Tiniyak ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Southern Mindanao na nakahanda silang harapin ang ikinakasang “full-scale war” ng Duterte administration sa susunod na taon.

Ayon kay ka Joaquin Jacinto, tagapagsalita ng National Democratic Front-Southern Mindanao, magpapatuloy ang NPA na labanan ang mga pang-aabuso ng gobyerno.

Aniya, dumami pa ang kanilang bilang sa kabila ng kaliwa’t-kanang airstrikes ng militar sa Mindanao.

Iginiit pa ni Jacinto, laging handa ang mga rebelde na isakripisyo ang kanilang buhay para sa rebolusyon at sa mga tao.

Source: RMN

Related Articles

NPA, makikipagtapatan sa gobyerno
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email