Saturday, December 30, 2017

NPA, target pabagsakin si Pangulong Duterte sa 2018


Target ng Communist Party of the Philippines (CPP) na pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2018.

Sa ika-49 anibersaryo ng CPP, ikinasa ng New People’s Army (NPA) ang maigting na opensiba laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Pinatutugis din ng komunistang grupo ang mga tiwaling opisyal at umano’y “death squad” ng rehimeng Duterte.

Maliban dito, target din ng CPP na maitayo ang pinakamalawak na unyon para maialis ang US-Duterte regime at ang umano’y fascist terror nito.

Nagbabala rin ang komunistang grupo ang mas maraming kilos-protesta sa susunod na taon.

Source: RMN

Related Articles

NPA, target pabagsakin si Pangulong Duterte sa 2018
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email