Tuesday, December 19, 2017

P3.767-T budget para sa 2018 nilagdaan na ni Pangulong Duterte


Ganap nang batas ang dalawang panukalang batas ng administrasyon matapos pirmahan kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2018 General Appropriations Act (GAA) at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ang P3.767 trilyong ang pangalawang national budget na ipinasa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Pinakamalaking nakuhang share ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may P637.86 bilyon.

Ang inaprubahang budget ng DPWH ay mas mataas ng P11 bilyong mas mataas sa naunang ipinanukala ni Department of Budget and Management (DBM).

Nadagdagan ang pondo ng ahensiya sa kabilang ng panukala ni Senador Panfilo Lacson na tapyasan ng P50 bilyong pondo para sa road right-of-way projects.

Pumangalawa naman sa malaking nakuhang pondo ang Department of Education (DepEd) na may P553.31 bilyon at pangatlo ang Department of Interior and Local Government na may P170 bilyon.

Sumunod ang Department of National Defense na may P149 bilyon at P141 bilyon naman sa Department of Social Welfare and Development.

Source: ABANTE

Related Articles

P3.767-T budget para sa 2018 nilagdaan na ni Pangulong Duterte
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email