Friday, December 29, 2017

Paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal, pangungunahan ni Pangulong Duterte


Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa ika-121 taong kamatayan ni Gat. Jose Rizal.

Ang tema ng programa ngayong taon ay “Mabuting Kaisipan, Susi Sa Kaunlaran”.

Alas-7:00 ngayong umaga, sisimulan ang flag raising sa bantayog ni Rizal sa Luneta kasama ang ilang myembro ng gabinete tulad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana gayun din si Manila Mayor Joseph Estrada.

Kasunod nito ay mag-aalay din ng bulaklak sa monumento ni Rizal si Pangulong Duterte.

Nasa okasyon din sina AFP Chief General Rey Leonardo Guerrero, PNP Chief Ronald dela Rosa, Dierctor Rene Escalante ng National Historical Commission at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Source: RMN

Related Articles

Paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal, pangungunahan ni Pangulong Duterte
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email