Sunday, December 17, 2017

Pangulong Duterte hindi aatras sa pederalismo


Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang isinusulong na pederalismo sa kabila ng malamig na pagtanggap ng mga Filipino lalo na ang mga nasa ibang bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nakausap niya ang Pangulo tungkol sa isyu ng pe­deralismo at sinabi nito na ituloy ang pagsulong sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Kailangan aniya ang pinaigting na information drive para maintindihan ng mamamayan ang layunin at bentahe ng pederalismo.

Sinabi ni Andanar, na kailangan ang tulong ng mass media para maipaabot at maipaintindi sa mamamayan kung ano ang pederalismo.

Binigyang-diin ng kalihim na ang pede­ralismo ay bahagi ng plataporma ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya kaya’t itutuloy ang pagsusulong nito.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte hindi aatras sa pederalismo
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email