Sunday, December 17, 2017

Pangulong Duterte Sisibakin ang Tatlong Police Superintendents at tinatayang 60-90 Police Scalawags



Sisimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘purging’ o ‘paglilinis’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ng Pangulo na nakatakda nitong sibakin sa Miyerkoles ang tatlong police superintendents at tinatayang 60-90 police scalawags.

Marami aniyang gangster na pulis at sanay sa kalokohan kaya panahon na para seryosohin ang paglilinis sa hanay ng PNP.

Matatandaang nagtatanong na si Pangulong Duterte sa pamunuan ng PNP kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pa ring nahuhuling ‘ninja cops’ sa kabila ng alok nitong P2 milyon na patong sa ulo ng mga ito.

Ang ‘ninja cops’ ang nagre-recycle ng mga nasasamsam na shabu sa kanilang anti-drug operations at ibinebenta rin sa labas.

“I am starting the purging. Huwag kang mainsulto kung hindi ka naman tinatamaan, huwag kang magagalit kasi ako galit na sa dati eh. I’m just warning itong mga pulis na kurakot o ‘yung mga may — it could be the Mayor’s office or it could be — talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo!” ang galit na pahayag ng Pangulo.


Tinitiyak ng Presidente na mawawalan ng trabaho ang mga pulis na gumagawa ng kalokohan dahil isa sa pinaka-ayaw nito ay ang paggawa ng katiwalian.

“Yan ang hanapbuhay n’yo eh, nasanay kayo sa kalokohan, maaalis kayo sa kalokohan, mawawalan kayo ng trabaho, maghanap kayo, eh kayo ‘yan eh!” dagdag pa ng Presidente.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte Sisibakin ang Tatlong Police Superintendents at tinatayang 60-90 Police Scalawags
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email