Sunday, December 24, 2017

Pangulong Duterte umiyak sa pamilya ng mga biktima ng sunog sa Davao


Bumisita si Duterte bandang alas-10:00 ng gabi sa New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Ma-a road, ng nasabing lungsod

Sa mga litratong ipinadala ng Palasyo, makikitang umiiyak si Duterte matapos mabalitaang naiwan sa loob ng mall ang 37 katao na sinabing walang tyansang mabuhay pa batay sa pahayag ng mga firefighters doon.

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pag-iyak nang bisitahin niya ang pamilya ng mga biktima na na-trap sa nasusunog na mall sa Davao City.

Kasamang bumisita ni Duterte si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, at mga anak nitong sina Davao City Mayor Sara Duterte, at Vice Mayor Paolo Duterte.
Ipinost pa ni Vice Mayor Duterte sa kanyang Facebook Page ang listahan ng mga naiwan sa nasusunod na NCCC mall.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte umiyak sa pamilya ng mga biktima ng sunog sa Davao
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email