President Duterte tinanghal na 2017 Person of the Year


Sa kabila ng mga inaning kritisismo sa bansa at maging sa abroad sa kanyang anti-drug war, tinanghal si Pangulong Rodrigo Duterte bilang 2017 Person of the Year.

Ang titulo ay mula sa isang American non-profit organization, ang Organized Crime and Corruption Reporting Project (OCCRP) na kumikilala sa mga indibiduwal na nakagawa ng kakaiba para labanan ang organisadong criminal activity.

Tinalo ni Panguloglng Duterte sina South African President Jacob Zuma at ang napatalsik na Pangulo ng Zimbabwe na si Robert Mugabe.

Napili si Pangulong Duterte ng mga hurado dahil sa maigting nitong kampanya kontra droga kahit na inakusahan ito ng extrajudicial killings.

Runner-up lamang si Pangulong Duterte noong 2016 subalit ngayong taon ay siya ang nakasungkit sa titulong Person of the Year.

Dahil dito, sinabi ng OCCRP na kahanay na ni Pangulong Duterte ang iba pang popular na lider sa buong mundo na may katulad na titulo partikular nina Russian President Vladimir Putin, Venezuelan President Nicolas Maduro at ang Romanian Parliament.

Source: ABANTE
Previous
Next Post »
0 Comment