Tuesday, December 19, 2017

Presyo ng kada kilo ng bigas, bababa ng P7


Sa isang pahayag sinabi ni Department of Finance (DOF) Usec. Gil Beltran, hihikayat sa mga pribadong mangangalakal ang 35% import tariff o taripa sa pag-aangkat ng bigas na wala nang paghihigpit sa rice import volumes o sa dami ng puwede nilang ipasok na bigas at dahil dito’y aagos umano ang mas murang presyo nito sa lokal na merkado, ayon sa SunStar.



Inaasahang bababa ng P7 kada kilo ang presyo ng bigas dahil sa pagtanggal ng quantitative restrictions (QR) sa pag-aangkat ng bigas.

Hindi na umano pinalawig pa ang pagpapatupad ng QR matapos mag-expire noong Hunyo.

Ayon pa kay Beltran, ang Pinas ang ika-apat sa lima pang bansa sa Asya na kinabibilangan ng Vietnam, Thailand, India, China at Indonesia sa larangan ng halaga ng produksyon ng palay.

Mas mataas ng 10 porsiyento sa karaniwang halaga ng paggawa ng palay sa iba pang bansa sa Asya ang Pilipinas.

Dahil umano ito sa paghihigpit sa dami ng puwedeng ipasok o i-import sa bansa na bigas na may taripa pang 35 porsiyento, na siyang naging batayan ng Pinas simula pa noong 1995.

Sakaling lumagpas pa sa itinalagang dami ng bigas na inangkat ay mas mataas na taripa rin ang katumbas nito.

Matutulungan umano nito ang mahihirap na pamilya na gumagastos ng malaking parte ng kanilang kita para sa bigas.

Source: ABANTE

Related Articles

Presyo ng kada kilo ng bigas, bababa ng P7
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email