Wednesday, January 10, 2018

2 leader at logistics officer ng NPA, sumuko sa militar


Kusang loob na sumuko sa pamahalaan ang dalawang lider at logistic officer ng New People’s Army.

Ayon kay 1LT. China Celina Castro ang tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army ang mga sumukong lider ng NPA ay sina Randy Atong alyas Andikon, Finance and Logistics Officer ng Andoy and Basil Platoons at Renie Atenza alyas Ryan, team leader ng First Squad, Basil Platoon.

Sumuko ang mga ito sa tropa ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Davao Del Sur.

Inamin rin ng dalawang NPA leaders na may tatlong matataas na kalibre ng armas ang kanilang itinago Barangay Sibulan Toril District Davao City.

Ang mga ito ay isang M14 Rifle, isang M16 Rifle at M203 grenade launcher.

Bukod ditto, isang logistic officer rin ng NPA ang nagbalik loob sa pamahalaan na kinilalang si alyas Jaypee, 33-anyos, residente ng Pagadian City.

Si alyas Jaypee ay ang Logistic Officer ng Squad 3, Team Baking, SECOM-KARA ng Western Mindanano Regional Party Committee.

Isinuko niya rin ang isang AK 47 rifle at ibat ibang klase ng bala.

Source: RMN

Related Articles

2 leader at logistics officer ng NPA, sumuko sa militar
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email