Abu Sayyaf, namugot ng ulo ng 2 katao sa Basilan


Sabi pa ni Muksan, ayon daw sa kwento ni Wahab, naka off-duty raw siya sa trabaho noong araw na iyon at nakarinig siya ng limang magkakasunod na putok ng baril malapit sa lugar ng Ismael Elementary School sa Diangan. Agad raw itong pinuntahan ni Wahab para alamin kung ano ang nangyari.

Pinugutan ng ulo ng miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang mag-asawang sina Abdurahim Kitoh at Nadzwa Bahitla sa isang liblib na lugar sa Basilan.

Ayon sa pahayag ni Basilan Police Director Senior Supt. Nickson Muksan kahapon (Biyernes), magkasunod na natagpuan ang bangkay ng dalawang biktima.

Ang katawan raw ni Nadzwa ay natagpuan ni Militiaman Ibrahim Wahab bandang 4:30pm noong Huwebes sa Sito Diangan, Barangay Mahatalang, Sumisip.

“Upon verification, he found a lifeless female body lying and decapitated,” ayon kay Muksan.

Sabi rin niya, ang bangkay naman ng asawa ni Nadzwa na si Abdurahim ay natagpuan din malapit sa eskwelahan bandang alas-7 ng gabi noon ring Huwebes.

Ayon daw sa imbestigasyon, lumalabas na ang suspek sa likod ng pagpugot sa ulo ng mag-asawa ay si Mahim Mustalim na miyembro ng ASG at half-brother ni Abdurahim.

Si Mustalim ay kasama sa grupo ni Usop Sandalan na sub-leader ng ASG leader na si Rhadsmil Janatul.

Dagdag pa ni Muksan, lumalabas sa mga impormasyong kanilang nakalap tungkol sa insidente ay gusto raw pigilan ng mga miyembro ang plano ng ilang miyembro ng ASG na sumuko sa lokal na gobyerno sa Sumisip.

Matatandaang noong nakaraang taon, halos isandaang miyembro ng ASG ang sumuko sa otoridad sa Basilan Province.

Source: NEWS5
Previous
Next Post »
0 Komentar