AFP, handa na sa operasyon kontra NPA


Itutuloy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang combat operation laban sa New Peoples Army (NPA) simula mamayang hating gabi.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong dahil matatapos na mamayang 11:59 ng gabi ang ipinatupad na Suspension of Military Operation (SOMO) kaya magpapatupad na sila ng combat operation.

Pero aniya kung ipaguutos ng Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang SOMO ay kanila itong ipapatupad.

Sa kabuuan aniya naging matagumpay ang ipinatupad na ceasefire kahit na may ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang hindit tumupad dito.

Nakapagpahinga rin daw kahit papaano ang mga sundalo.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment