AGOT ISIDRO: ABS-CBN, NEXT NA IPAPASARA! After ng Rappler


KINUNAN ng reaksiyon si Agot Isidro tungkol sa isyung ipapasara diumano ng SEC ang Rappler. Very vocal kasi si Agot sa pagbibigay ng opinyon sa nang­yayari sa gobyerno natin.

“I’ll stand by with press freedom,” sambit niya nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikula niyang Changing Partners.

Iniugnay niya ito sa paggawa ng movie na kailangan ng feedback.

“Dapat on guard tayo. Kung nagaga­wa nila ‘yan sa media outfit, puwedeng mangyari sa atin ‘yan. Siguro, I’m thinking of long-term na baka pati tayo, hindi na tayo puwedeng magsalita,” sey pa niya.

Sa palagay niya, ano ang magi­ging effect kung sakaling matuloy ang pagpa­pasara sa Rappler?

“Eh, di maraming masasara. Eto,” sabay turo sa ABS-CBN.

“Wala nang Probin­syano, paano ‘yan?” tu­ma­tawa niyang pahayag.

Positibo naman si Agot at ayaw niyang isi­pin na baka sumunod di­u­ma­no ang ABS-CBN 2.

“I don’t think so. Hin­di naman. I still have high hopes. I’m hoping that things will be better. Papa­yag ba ang mga tao na hindi sila makapa­nood ng Ang Probin­syano? Ha! ha! ha!” deklara pa niya.

Ano naman ang ma­­sasabi niya kay Mocha Uson na open daw ang office nito para sa mga bloggers at subjected to the accreditation pro­cess ang gaya nina Maria Ressa kung gusto nilang mag-apply sa opisina nito.

“Ewan ko, hindi ako blogger, artista ako,” sey niya.

“‘Di ba, siya ‘yung nasa PCOO (Presidential Communications Operations Office)? Dapat… alam niya ang ginagawa niya, ‘di ba? So, ‘yun, dapat alam niya ang ginagawa niya,” bulalas pa ni Agot.

Anyway, naging Best Actress si Agot Isidro sa pelikulang Changing Partners sa 2017 Cinema One Originals na may regular showing simula ngayong January 31.

Kasama rin sina Jojit Lorenzo, Anna Luna at Sandino Martin.

Mapangahas ang role ni Agot sa peli­kulang ito dahil nakipagrelasyon siya sa kapwa babae.

Ito ay mula sa musicale play sa PETA na likha ni Vincent De Jesus.

Tumang­gap ito ng walong tropeo tulad ng Best Director (Dan Villegas), Best Actress (Agot Isidro), Best Actor (Jojit Lorenzo), Best Editing para kay Marya Ignacio, Best Music para kay Vincent De Jesus, isang Special Citation for Ensemble Acting, Audience Choice Award at Champion Bughaw Award for Best Film.

Source: BULGAR

Previous
Next Post »
0 Comment