Thursday, January 18, 2018

Apat na miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Mati City Davao Oriental


Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army matapos ang naganap sagupaan sa Mati City Davao Oriental.

Ayon kay Captain Andrew Linao ang tagapagsalita ng 7th Infantry Division ng Philippine Army nakatanggap ng report ang mga sundalo sa lugar mula sa mga residente ng Brgy. Marayag Mati City sa ginagawang pangongotong ng mga miyembro ng NPA.


Dahil dito agad na rumesponde sa lugar ang tropa ng 28th Infantry battalion pero papalapit pa lamang sila sa lugar ay agad silang pinagbabaril ng nasa 20 mga miyembro ng NPA.

Nagtagal ng sampung minuto ang sagupaan na naging dahilan ng pagkasawi ng apat na mga communist terrorist.

Narekober rin ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang apat na mga low powered firearms at isang pampasabog.


Sa ngayon nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakasagupang mga terorista.

Source: RMN

Related Articles

Apat na miyembro ng NPA, patay sa sagupaan sa Mati City Davao Oriental
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email