Award ng UST kay Uson isinoli na


Isinauli na ni Presidential Communications Asec. Mocha Uson ang UST Alumni award na tinanggap nito.

Sinabi ni Uson, nagdesisyon siyang isauli ang award upang tantanan na ng mga bashers ang nagbitiw na pangulo ng UST Alumni Association na si Henry Tendero.

Aniya, dapat tigilan na nila si Tendero bagkus ay siya na lamang ang murahin at laitin ng mga bashers.

      

Sa isang statement, sinabi naman ni Tenedero na ang ginawa ni Uson ay maituturing na pagpapakumbaba.

Nauna nang nagbitiw si Tenedero sa kanyang pwesto sa alumni association dahil sa kontrobersiyang nilikha ng iginawad na pagkilala kay Uson.

               

Nadismaya naman si Uson sa naging post ni Sen. Joel Villanueva na tila nandidiri sa kanya.

“Wag siyang magmalinis kasi siya nga nagkakaso ng graft sa Ombudsman,” wika pa ni Mocha.
Previous
Next Post »
0 Comment