Big time scammer, arestado sa Davao City!


Arestado sa entrapment operation ang isang babaeng suspek sa modus na “double your money” sa Davao City.

Galing pa ng Maynila ang suspek na si Ma. Elma Grace Castillo Corona at bumiyahe sa Davao City para kumubra ng isang-milyong piso sa kanyang biktima.

Pero nang magkaabutan na ng pera, agad siyang pinosasan ng mga pulis.

Modus ng suspek na manghiram ng pera para gamitin sa kanyang lending company na ipinapautang naman daw sa mga empleyado ng Bureau of Customs.

Sa una at pangalawang bayaran, tumutupad umano si Corona pero sa pangatlo ay ide-delay na niya ang pangakong dobleng kita.

Pinapa-recruit pa umano ng suspek ang kanyang mga nautangan kapalit ng komisyon o referral fee.

Ayon sa pulisya, hindi bababa sa 400-milyong piso na ang nakulimbat ni Corona mula sa mga nabiktima niya sa buong bansa.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment