Tuesday, January 16, 2018

Criminal liability ng Rappler, iimbestigahan ng DOJ


Ito ay makaraang kanselahin ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation ng Rappler dahil sa pagtanggap ng Rappler ng pondo mula sa Omidyar Network, isang investment firm na itinayo ng eBay feounder na si Pierre Omidyar at may tanggapan sa Estados Unidos, India, South Africa, United Kingdom at Singapore.

Iniutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre ang imbestigasyon hinggil sa posibleng kriminal na pananagutan ng online news site na Rappler.

Sa ilalim kasi ng 1987 Constitution, ang mass media ay kinakailangang 100-percent o buong pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng mga Pilipino.

Ayon kay Aguirre, iniutos na niya na pag-aralan ang lahat ng ligal na anggulo kaugnay sa kaso ng Rappler.

“I made a directive for DOJ Legal Staff to study all legal angles of the case,” saad ni Aguirre.

Samantala, sinabi naman ni Solicitor General Jose Calida na walang naging papel ang Malacanang sa kanyang kahilingan sa SEC na imbestigahan ang Rappler dahil sa investment na inilagak ng Omidyar Network at North Base Media sa nasabing online media outfit.

“Siguro kilala niyo naman ako. I do things on my own. I do not take orders from anyone,” paglilinaw ni Calida.

Ang DOJ na rin aniya ang bahala na mag-imbestiga kung may pananagutan ang Rappler sa Anti-Dummy Law.

Una rito, inihayag ni Calida na nakahanda ang kanyang tanggapan na ipagtanggol ang desisyon ng SEC saan man makarating ang kaso.

Naniniwala siya na ang desisyon ng SEC ay maituturing na pamamayani ng “rule of law” at ipinapakita lamang ng desisyon na kahit ang maimpluwensyang organisasyon ng media ay hindi maaring matakasan ang limitasyon o paghihigpit na itinakda ng Konstitusyon.

Source: ABANTE

Related Articles

Criminal liability ng Rappler, iimbestigahan ng DOJ
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email