Tuesday, January 9, 2018

Dagdag na suweldo ng mga guro, isusunod na ni Pangulong Duterte


Matapos dagdagan ang sahod ng mga pulis at sundalo, isusunod naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang sahod ng mga guro.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na hanapan ng pondo ang pagtataas sa sahod ng mga pampublikong guro sa buong bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang ang salary increase sa mga tinalakay sa unang cabinet meeting ng Pangulo ngayong 2018.

Ang dagdag-sahod para sa mga guro ay nakapaloob sa ikalawang reform package ng administrasyon ngayong taon.

“In connection with the second tax reform package, the President also stated that with the second tax reform package, he has instructed DBM and all other agencies to find means to increase the salary of teachers after the initial doubling of salaries for the AFP and the police. So the teachers will be next,” ani Roque.

Matatandaang matapos ihayag ni Pangulong Duterte ang dagdag sahod para sa mga pulis at sundalo ay humirit din ang mga pampublikong guro dahil hindi na umano sapat ang kanilang take home pay sa mataas na presyo na ng mga pangunahing bilihin.

Source: ABANTE

Related Articles

Dagdag na suweldo ng mga guro, isusunod na ni Pangulong Duterte
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email