Dalagitang estudyante na dalawang araw nang nawawala, Hinihinalang ginahasa bago pinatay


Naging malungkot ang wakas sa paghahanap sa 14-anyos na estudyanteng babae matapos na makita ang kaniyang bangkay sa masukal na damuhan sa Davao del Sur. Nakasuot siya ng school uniform, halos wasak ang mukha at posibleng ginahasa pa.

Sa ulat ni John Paul Seniel sa GMA News "Balita Pilipinas" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Brenda Lyn Batuto, na hindi na raw nakauwi sa kanilang bahay noong Huwebes galing sa paaralan.


Nitong nakaraang Sabado, natagpuan ang kaniyang bangkay sa madamong bahagi ng Barangay Tiguman sa Digos City, na suot ang kaniyang school uniform pero walang underwear.

Nakita ang underwear ng biktima ilang metro ang layo sa kaniyang bangkay.

May nakita rin ang mga pulis na isang polo shirt sa crime scene.

"The investigator found out na severely damaged yung mukha so parang inundayan ng matigas na bagay o bato. So yun ang initial na finding. Tapos yung anal area niya, lumabas siguro, kasi 'pag severely in pain may lumalabas," sabi ni Police Senior Inspector Emelda Escueta, spokesperson ng Digos Police.

Nasa kostudiya na ngayon ng Digos City Police sina Victor Lano, 32-anyos, may-ari ng nakitang polo shirt sa crime scene, at ang kapitbahay niyang si Alfonso Ignacio.

Itinanggi ni Lano na may kinalaman siya sa krimen at sa halip ay idiniin si Ignacio.

Pero depensa ni Ignacio, hindi niya nakita o nakasama si Lano nang mangyari ang krimen.

Mahaharap si Lano sa kasong rape with homicide, samantalang itinuturing "person of interest" pa rin si Ignacio habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Source: GMA
Previous
Next Post »
0 Comment