Doktor na nagbunyag na mayroong mafia sa DOH, nakatanggap ng death threat


Handa umano si dating consultant ni dating Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial na si Dr. Francis Cruz na harapin kung anuman ang mangyayari sa kanyang buhay.

Ang pahayag ay ginawa ni Dr. Cruz matapos na makatanggap siya ng banta sa kanyang buhay o death threat noong December 22, 2017 kung saan mayroon umanong tumawag sa kanya at sinabihan siya na “Mr Cruz kamusta ka na mag ingat ka”.

Paliwanag ni Dr. Cruz, inireport na niya ito kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez ang naturang usapin at tini-trace na ng NBI kung kaninong cellphone ang ginamit sa pagtawag kay Cruz.

Giit ni Dr. Cruz na wala siyang dapat na katakutan dahil ang sinasabi lamang nito ay pawang katutuhanan na mayroon talagang Mafia sa loob ng DOH sa usapin ng Dengvaxia.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment