Thursday, January 18, 2018

Duterte administration, nasungkit ang record-high satisfaction rating – SWS


Nakakuha ang Duterte administration ng pinakamataas na excellent net satisfaction rating kumpara sa mga nakalipas na administrasyon sa nakalipas na 28 taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagagalak sila sa inilabas na resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na excellent net satisfaction rating +70 sa 4th quarter ng 2017 survey.

Ayon kay Roque, indikasyon lamang nito na sinusuportahan ng mga Filipino ang mga isinusulong na pagbabago sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magsisilbi rin aniyang barometro ang resulta ng survey para mas lalo pang pagbutihin ng mga opisyal ng gobyerno ang trabaho para hindi masira ang kumpiyansa ng publiko sa Duterte administration.

“We are elated with the latest SWS survey showing an excellent net satisfaction rating of the Duterte administration at plus 70. December 2017 figure is at 12 point rise from September 2017, which was at +58.

“It is worth mentioning that the current administration’s 70 net satisfaction rating is considered record-high by the SWS. It is also the highest net satisfaction rating received by any administration in the last 28 years,” ani Roque.

Nagbigay ng malaking marka sa Pangulo ang pagsisikap na labanan ang terorismo, matulungan ang mga mahihirap at mamantine ang public works at pagbibigay ng trabaho sa mga Filipino.

Sinabi ni Roque na magsisilbing inspirasyon sa administrasyon ang ipinakitang tiwala at kumpiyansa ng mga Pinoy para lalo pang pagbutihin ang trabaho tungo sa mas mapayapa at masaganang bansa.

Source: ABANTE

Related Articles

Duterte administration, nasungkit ang record-high satisfaction rating – SWS
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email