Globe, Smart may kalaban na sa Marso – DICT



Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkakaroon na ng ikatlong telecommunications company sa bansa sa darating na Marso.

Ito umano ang babasag ng “duopoly” ng Globe Telecom at Smart Communications.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni DITC officer-in-charge Eliseo Rio Jr. na binabalangkas na ang terms of reference para sa pagpili ng ikatlong kumpanya na papayagang pumasok sa telecom industry.

Matatandaan na noong Disyembre 2017, inihayag ni Pangulong Duterte ang imbitasyon sa China na pumasok sa telco rito at inasahan ito na mag-uupisa sa unang quarter ng 2018.

Napili ng Chinese Government ang China Telecom Corporated Ltd. upang maging ikatlong layer sa telecom industry.

Hindi naman ito pwedeng agad mag-umpisa dahil kailangan nitong makipag-partner sa isang Pilipinong kumpanya batay sa Konstitusyon.

Nakatadha rito na hanggang 40 porsiyento lang ng pagnenegosyo ang puwedeng maging pagmamay-ari ng mga dayuhan. (Isaac Mendez)

News: Abante News Online
Previous
Next Post »
0 Comment