Sunday, January 28, 2018

Habambuhay na kulong sa bank hackers, lusot sa Kamara


Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa card skimming sa mga bangko.

Sa ilalim ng House Bill No. 6710 na iniakda nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Cebu Rep. Ramon “Red” Durano VI, mahaharap sa habambuhay na pagkakulong at multang hanggang 5 milyong piso ang sinumang magnanakaw ng mga impormasyon sa bank systems at ATM o credit card.


Ayon kay Evardone, chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, layon ng panukala na protektahan ang mahigit 80 milyong ATM at credit card holders laban sa pananabotahe.

“The Lower House recognized the urgency of the need for a tougher law against criminals preying on the unsuspecting public and acted accordingly. This bill seeks to protect holders of more than 80 million ATM/credit cards currently in circulation,” ani Evardone.

“Losses from ATM fraud have surged alarmingly from P175 million in 2012 to more than P600 million in 2016 – a 250 percent increase in just four years. Add to this the reported P500 million stolen through fraudulent credit card transactions in 2016 alone and one starts to get the scary picture. This has to stop,” dagdag ng kongresista.

Nakasaad sa panukala na ituturing na economic sabotage ang card skimming at walang piyansa ang nasabing krimen.

Ang sinumang mahuhuling nag-iingat ng card skimming device o anumang gadget na ginagamit sa pagkuha ng account data kahit walang aktuwal na pagnanakaw ay papatawan rin ng kulong na hanggang 12 taon at multang hanggang kalahating milyong piso.

Source: ABANTE

Related Articles

Habambuhay na kulong sa bank hackers, lusot sa Kamara
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email