Wednesday, January 17, 2018

Halos P12-M halaga ng shabu, nasabat sa Dumaguete City


Nasa 11.8-Milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa isang bahay sa barangay Mangnao, Dumaguete City.

Arestado naman ang high-value target sa probinsya na si Orson Villegas, 38-anyos.
Narekober sa bahay ni Villegas ang mahigit-kumulang isang kilo ng shabu at cash money na P27,670.
Giit naman ng suspek, hindi siya drug pusher at hindi kanya ang nasabat na droga.

Ayon kay PDEA Agent Jason Cabataña, matagal na nilang sinusubaybayan ang suspek.
Galing sa maynila ang suplay ng droga ni Villegas na pinalulusot sa pagsakay sa barko.

RMN

Related Articles

Halos P12-M halaga ng shabu, nasabat sa Dumaguete City
4/ 5
Oleh

SUBSCRIBE

Like the article above? Please subscribe for free via email