Monday, January 15, 2018

Holdaper na may baril, binigo ng matapang na kahera


Mistulang umalis na luhaan ang isang lalaki nang wala siyang nakuhang pera sa tindahan na tinangka niyang holdapin dahil nagmatigas ang kahera nito sa Pagadian City.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Lunes, nakunan ng CCTV camera ang suspek na dumating sa lugar sakay ng motorsiklo, may suot na bonnet at may bitbit na bag.


Ilang minuto muna siyang tumambay sa labas ng tindahan bago bumunot ng baril at pumasok sa loob kahit walang takip ang mukha.

Kaagad nitong nilapitan ang kahera at tinutukan ng baril para hingin ang pera ng tindahan.

Pero ayon sa ulat, hindi nagpatinag ang kahera at walang ibinigay na pera sa kabila ng pagbabanta ng suspek.


Wala nang nagawa ang lalaki kung hindi umalis na walang bitbit na pera at iniwan sa CCTV footage ang kaniyang mukha.

Naiulat na umano sa pulisya ang insidente at pinaghahanap ang lalaki.

Source: GMA

Related Articles

Holdaper na may baril, binigo ng matapang na kahera
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email