Monday, January 22, 2018

HRM Student, Arestado sa Aktong Paggamit ng Marijuana


Arestado ang isang menor de edad na studyante matapos maaktuhang gumagamit ng Marijuana dakong alas dos ngayong araw, Enero 22, 2018 sa Northeastern College, Villasis, Santiago City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan News Team kay Police Chief Inspector Rolando L. Gatan ng PNP Station 1 Santiago City, nahuli ang suspek na itinago sa pangalang Ren-Ren sa tulong ng isang guro at security guard ng nasabing paaralan.


Ayon kay PCI Gatan, pumasok ang suspek sa tagong bahagi ng paaralan na sinundan naman ng sekyu upang paalisin ito sa nasabing lugar nang maaktuhang gumagamit ito ng Marijuana.

Agad dinala ng sekyu ang suspek sa tanggapan ng pulisya at nakuha mula sa kanya ang tatlong piraso ng zip-lock transparent plastic na naglalaman ng tuyong dahon ng Marijuana at 1,900 pisong halaga na pinaghihinalaang pinagbentahan.


Ayon sa suspek, napag tripan lamang ang paggamit sa nasabing ipinagbababwal na gamot dala na rin ng kuryosidad.

Patuloy pa ring iimbestigahan ang naturang pangyayari habang hawak na ngayon ng pulisya ang suspek na posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Source: RMN

Related Articles

HRM Student, Arestado sa Aktong Paggamit ng Marijuana
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email