Karagdagang pwersa ng militar na tutugis sa mga NPA, ipadadala sa Caraga region


Posibleng ngayong buwan madagdagan ng isang batalyon ang pwersa ng militar sa Caraga region.

Batay sa pamahayag ni Bgen. Nemecio Gacal, 402nd brigade commander ng Philippine Army na posible sa Surigao Del Sur o di kaya sa Surigao Del Norte i-deploy ang isang batalyon ng sundalo.

Ito ay para maragdagan ang pwersa ng militar sa rehiyon na tutugis sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Matandaan sa ngayon mayroong pitong battalion ng army ang CARAGA na nag-operate sa ilalim ng area of operation ng 401st at 402nd brigade, Philippine Army.

Source: RMN
Previous
Next Post »
0 Comment