Lalaking pinaghahanap sa kasong rape at pananaksak, nag-selfie na nasa likuran ang mga pulis


Tila nang-iinis umano ang isang lalaki na wanted at may warrant of arrest sa kasong rape sa Laguna matapos na mag-post ng larawan sa social media habang nasa likod ang mga pulis.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Huwebes, sinabing ipinost sa Facebook ng suspek na si Radden Argomido ang larawan noong bisperas ng Pasko at bumati pa.

Pinaghahanap ng mga awtoridad si Argomido sa kasong rape sa Los Baños, Laguna noong 2013.

Pero nadagdagan pa ngayon ang kaniyang kaso matapos na saksakin umano nito ang 66-anyos na ama ng biktima noong Lunes.

Patuloy na inooberserbahan sa ospital ang biktima na nagtamo ng 15 saksak.

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang ama sa Los Baños, Laguna matapos siyang saksakin ng 15 na beses ng suspek na nanghalay umano noon sa anak niyang babae.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang suspek na si Raden Argumido, na sinabing inabangan daw ang biktima habang ito'y nagbibisikleta at naghahanap ng mabibilhan ng yelo.

Nagawa namang agawin ng biktima ang kutsilyo mula kay Argumido, na agad namang tumakas.

Nahatulan si Argumido sa salang panggagahasa sa anak ng biktima, apat na taon na ang nakalilipas.


May warrant of arrest ngayon si Argumido at patuloy na tinutugis ng mga pulis.
Nasa Intensive Care Unit ang biktima at malubha ang lagay nito.

"Kilala kasi niya ang asawa ko... May nangyari pong ganun na nire-rape niya 'yung anak ko," sabi ng asawa ng biktima.

Samantala sa Los Baños pa rin, arestado ang isang lalaki matapos niyang mapatay sa pamamaril umano ang kinakasama ng dati niyang asawa.

Kinilala ang suspek na si Nicanor delos Reyes, at ang biktima na si Richard Formaran.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng love triangle ang anggulo ng pagpatay.

Tumangging magbigay ng pahayag si Delos Reyes.

Nakulong din ang isang lalaki matapos niyang saksakin umano ang kainuman sa Dipolog City, Zamboanga del Norte sa Mindanao.

Kinilala ang suspek na si Esrel Muro at dalawa pa niyang kasama na sina Ramil Saldia at Raymond Zamoras na lilipat sana ng lugar na pag-iinuman, base sa imbestigasyon.

Sumakay si Muro sa motorsiklo ngunit hindi ito umandar kaya bigla niya itong itinumba.

Sinubukang itayo ng kaniyang mga kasama ang motor, pero dito na biglang sinaksak ni Muro si Saldia.
Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng pananaksak ng suspek.

Lalaking pinaghahanap sa kasong rape at pananaksak, nag-selfie na nasa likuran ang mga pulis

Source: GMA

Previous
Next Post »
0 Komentar