Marina administrator Marcial Amaro III sinibak ni Pangulong Duterte


Tuluyang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto si Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Marcial Amaro III dahil sa malimit na biyahe sa abroad.

Inahayag kanina ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagsibak kay Amaro sa isang press conference sa Davao City.

Sinabi ni Roque na nag-ugat ang pagsibak kay Amaro batay sa reklamong ipinarating kay Pangulong Duterte at batay sa record ng Department of Transportation.


Binansagang “absentee administrator” si Amaro dahil sa 11 foreign junkets nito noong 2017, habang sa dokumento ng DOTr ay naka-18 trips ito noong nakalipas na taon at anim na biyahe noong 2016 na umabot lahat sa 24 trips.

“The President has decided therefore to terminate his services. We underscore the fact that previously Chair Terry Ridon was also terminated because of 7 foreign travel. And if 7 foreign travel was deemed excessive by the President, 24 travels definetely is excessive by the President’s standard.

Let this be a reminder to all public officials that the President is serious in his mandate, that they should live modest lives, that they should be true to their callings and they should avoid unnecessary trips,” ani Roque.

Sa lahat aniya ng naging biyahe ni Amaro, tatlo lamang dito ang sponsored trips at lahat ng naging biyahe ay gastos ng gobyerno at tumanggap pa ito ng honorarium at iba pang benepisyo.

Si Amaro ang unang Presidential Appointee na sinibak ngayong Enero 2018.
Previous
Next Post »
0 Comment