Tuesday, January 2, 2018

Mataas na opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Duterte, iaanunsyo ngayong araw


Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidad kasabay na rin ng pagsibak nito sa isang mataas na opisyal sa gobyerno.

Ayon kay Secretary Roque, ngayong araw i-aanunsyo ng Pangulo kung sino ang mataas na opisyal na sisibakin dahil sa iregularidad.

Dagdag pa ni Roque, halos patapos na ang imbestigasyon sa mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga police superintendents at colonel.

Kaya naman ayon sa tagapagsalita, nararapat lang na maghanda na ang mga sangkot sa maling gawain dahil tiniyak ng Pangulo na tuloy ang pagsibak sa kanila.

Source: RMN

Related Articles

Mataas na opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Duterte, iaanunsyo ngayong araw
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email