Thursday, January 25, 2018

Mocha pumalag sa kanyang pagkakamali na nasa Naga ang Mayon Volcano


Umalma si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa inabot na pang-ookray ng mga netizen matapos gawing katatawanan ang pagkakamali nito nang sabihing nasa Naga ang Mayon Volcano sa halip na sa Albay.
Sa video message nito sa kanyang Facebook page, inamin ni Uson na nagkamali ito sa binanggit na lokasyon ng Mayon pero hinusgahan siya agad at pinalaki aniya ng kanyang mga kritiko ang isyu.

Kung tutuusin, ayon kay Mocha, ay may mga mas malalaking isyung dapat pagtuunan ng mga kritiko gaya ng Dengvaxia dahil maraming inosenteng batang namatay gayundin ang pagkamatay ng law student na si Atio Castillo sa University of Sto.Tomas pero mas pinagtuunan ang kanyang maliit na pagkakamali.
“Trending nga po tayo dahil diyan sa nakakatawang issue, ‘yang pagkakamali ko na ang Bulkang Mayon ay nasa Naga. Okay, pasensiya po, inaamin ko po na nagkamali ako, okay, pasensiya na po.
“Nakakatawa, napakaliit na issue, ginagawang headline, ginagawang national news, trending, pero pagdating sa Dengvaxia, tahimik kayo, ‘di ba, tapos pagdating sa pagkamatay ni Atio Castillo diyan sa UST, tahimik din kayo,” ani Uson.
Grabe aniya kung makapanghusga ang kanyang mga kritiko gayong hindi naman naapektuhan ang ekonomiya at seguridad ng bansa sa kanyang nagawang maliit na pagkakamali.
Kumalat sa social media ang “blooper” ni Uson at nagkaroon na rin ng iba’t ibang bersiyon kung saan ang ilang larawan ng tourist spots sa Pilipinas ay isinama sa Bulkang Mayon.

Related Articles

Mocha pumalag sa kanyang pagkakamali na nasa Naga ang Mayon Volcano
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email