Sunday, January 28, 2018

Pangulong Duterte binalaan ang LGUs sa mga bako-bakong kalsada


Winarningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde sa buong bansa na ayusin ang kanilang mga nasasakupan patikular sa mga bako-bakong kalsada at mga kanal.

Sa harap ito ng kaliwa’t kanang mga ginagawang proyekto na ang iba ay iniiwang nakatiwangwang kapag hindi agad natatapos ang mga proyekto.

Sinabi ni Pangulong Duterte na aatasan niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) para paalalahanan ang mga alkalde na walang dapat iiwang nakabukas na butas o kanal sa kanilang proyekto at dapat tapusin ito sa loob lamang ng 30 araw.


Kapag hindi aniya magawa ito ng contractor ay kanselahin ang kontrata at ibigay sa iba.

“I will remind everybody through the DILG, through the mayors na there should be no open holes or canals everywhere. And I’m giving everybody in government only 30 days. Either they cancel the contract and allow somebody else or somebody to do or continue,” anang Pangulo.

Maging ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay aatasan ng Presidente para sabihan ang mga contractors na tapusin sa loob ng 30 araw ang kanilang proyekto at kapag nabigo ay kanselahin ang kontrata at idemanda ang mga ito.

Isang buwan lamang ang ibibigay nitong palugit para tapusin ang proyekto.

“I am giving DPWH to tell the contractors to complete it within 30 days. Pag hindi, I will give it to another contractor, cancel the contract and sue you. Yung …short-short nila, slippage, parang nai-slide marami yan maski sa Maynila,”dagdag ni Pangulong Duterte.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte binalaan ang LGUs sa mga bako-bakong kalsada
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email