Sunday, January 7, 2018

Pangulong Duterte mas magaling kaysa kay Noynoy – SWS survey



Sa ulat, lumabas umano sa resulta ng survey na isinagawa noong Disyembre 8 hanggang Disyembre 16, 2017, 70 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang mas mahusay ang pagganap sa trabaho ni Pangulong Duterte kumpara kay noo’y pangulong Aquino kung saan walong porsiyento lamang ang pabor na mas magaling ang huli sa una.


Naniniwala ang karamihan sa mga Filipino na mas magaling si Pangulong Rodrigo Duterte kung ihahambing kay dating pangulong Benigno Aquino III, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na inulat ng dzBB.

Samantala, 22 porsiyento naman ang nagsabi na pareho lang ang dalawang pangulo sa husay sa ginawang pagganap sa trabaho.

Tinanong ng SWS ang mga respondent sa survey na: Kung ikukumpara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula Hulyo 2016 sa pagkaganap ni dating Pangulong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2016, masasabi n’yo ba na PRRD is better, the same, PNoy is better?

Mataas ang nakuhang pagsang-ayon kay Duterte sa Metro Manila sa 73 porsiyento. Mayroon itong 63% approval rating mula sa Luzon, 64% sa Visayas at 86% sa Mindanao. Pinakamataas naman na approval rating ang nahamig ni Aquino sa Metro Manila na 10%.

Source: ABANTE

Related Articles

Pangulong Duterte mas magaling kaysa kay Noynoy – SWS survey
4/ 5
Oleh

Berlangganan

Suka dengan artikel di atas? Silakan berlangganan gratis via email